Share

Kabanata 19

MALALIM ANG sugat na natamo ni Weiss at maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Nasa labas si Aiha at inaabangan niya ang paglabas ng pamilya ni Weiss.

Walang narinig na salita mula sa Abuelo ni Weiss si Aiha pero alam niya na hindi siya gusto nito. Hindi na nag-expect si Aiha na magugustuhan siya ng matanda dahil si Kloudette ang gusto nito.

Tumayo si Aiha nang nakita niyang lumabas ang Abuelo ni Weiss. Nilapitan niya ang matanda. Tinitigan siya nito.

"K-Kumusta po ang lagay ni L-Lord Weiss?"

"Let's talk, miss," sabi ni Senior Fortalejo sa halip na sagutin ang tanong ni Aiha.

Lumakas lalo ang tibok ng puso ni Aiha. Hindi pa man sabihin ng matanda ay alam niya kung ano ang pag-uusapan nila. Sumunod si Aiha sa matanda hanggang sa pinakadulo ng corridor.

Tumigil ang matanda at humarap siya kay Aiha. Wala pang sinasabi ang matanda pero bumigat na ang damdamin ni Aiha. Ang mga luha niya rin ay numuo na sa ilalim na bahagi ng kaniyang mga m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Genalyn Aguas
w8ting sa upadate author...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status