Bago pa magdalawang salita si Tan, mabilis nang nakalabas ng kuwarto si Elaine. Hindi dahil sa galit sa boses ng asawa kundi dahil ayaw niyang makita nito na isang singhal na lang, iiyak na siya.
Halos tulirong lumakad siya papunta sa kuwarto, nag-lock at naupo sa gilid ng kama. Akala ba niya wala na sina Tan at Janine? Hindi ba at nasampal pa nga siya ni Mrs. Crisostomo?
Alam niyang pinaninindigan ni Tan na sa papel lang ang kasal nila pero iyong may relasyon pa ito at si Janine habang kasal sa kanya, kaya ba talagang gawin iyon ni Tan?
Ipinilig ni Elaine ang ulo. Hindi ang uri ni Tan ang kayang mamangka sa dalawang ilog. He was like his grandfather, Daniel, ng ama nitong si Chase, ng kakambal na si Sean. They were all one-woman kind of men.
But those men were faithful dahil mabubuting tao ang naging asawa ng mga ito. How about her? All those months they were together, ilang buwan lang ba ito naging maligaya sa piling niya?
Why was she even surpri
Tumalima si Tan para ipasok sa loob ng bahay ang natutulog na si Elaine sa kanyang mga bisig. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng lalaking sinusundan sila ng tingin.She moaned softly. Naramdaman niyang isiniksik nito ang mukha sa kanyang dibdib—parang naghahanap ng init. The woman reeked of liquor. Humalo iyon sa cologne na gamit nito. Gayunman, mas nangingibabaw pa rin ang natural na pambabaeng amoy nito—bagay na pamilyar sa kanyang pang-amoy sa kabila ng mahabang panahong dumaan.Ipinilig ni Tan ang ulo para alisin ang agiw doon. Maingat niyang inilapag si Elaine sa kama. Kumawala ang ungol ng protesta sa lalamunan nito. Humawak sa braso niya na parang pinipigilan siyang umalis sa tabi nito.Mabilis niyang binawi ang braso sa mainit na kamay ni Elaine, napaso bigla.Gusto niyang sipain ang sarili. Kanina, walang pagdadalawang-isip na inagaw niya sa mga bisig ng lalaking iyon si Elaine. Ngayong nasa loob sila ng silid, para siyang na
Mariing ipinikit ni Elaine ang mga mata nang marinig na sinubukan ni Tan na pihitin ang seradura ng pinto ng kuwarto niya. She gripped her chest and bit her lower lip, waiting for the pain in her chest to subside.Unti-unti, her over breathing returned to normal. Luhaan at pawisan na pinakawalan niya ang dibdib na daklot-daklot.Gayunman, wala siyang balak labasin si Tan. Hindi niya ito hahayaang makita siya sa ganoong ayos. Hindi ang awa nito ang gusto niya, but his forgiveness and acceptance.Nasapo ni Elaine ang luhaang mukha.Guilt.It had been eating her up for the past three years.Kahit mahirap, deserve niyang mag-isa iyong indahin. Hanggang mapatawad niya ang sarili.Sa labas ng kuwarto, itinaas ni Tan ang nakakuyom na kamay para kumatok. The door was locked. Hawak niya sa isang kamay ang susi ng bahay na ibinigay ni Marco sa kanya kanina.Bakit siya bumalik? Para ibalik kay Elaine ang susi? He’d be lying kung sas
“Makiki-share na lang ako kina Danielle at Jenna.” Tumayo si Elaine sa kinauupuan. Akmang lalakad papunta sa tent ng dalawa nang pigilan siya ni Tan sa kamay—na agad naman nitong pinakawalan.“Just look how small their tent is. Sa dami ng bitbit nila, bags pa lang, puno na ang space ng tent,” sabi nito, itinuro ang tent ni Danielle na ilang metro lang ang layo mula sa kinaroroonan nila.Oo nga, maraming bitbit si Danielle. Tatlong porter ang inupahan nito para magdala sa mga bagahe paakyat sa bundok. Bukod pa siyempre sa dalang gamit ni Jenna, ang best friend nito.Okupado ng maraming alalahanin ang isip ni Elaine nitong mga nakaraang araw. Hindi na niya naisip ang tungkol sa tent at basta na lang nag-impake ilang oras bago ang biyahe. Pero ano ang gagawin niya? Matulog sa labas kaysa makipagsiksikan kina Danielle at Jenna?Nangigkig si Elaine sa lamig nang biglang umihip ang hangin. Nayakap niya ang sarili.Tan sighed
“I-is she having a heart attack or something?” tanong ni Richard. Halos magkandabuhol-buhol ang dila nang makita ang paghahabol ni Elaine ng hininga.Kung si Tan ang tatanungin, gusto niyang patayin si Richard right then and there. Pero hinayaan niya itong kumaripas ng takbo dahil natakot matapos makita ang nag-aapoy niyang tingin.He knew better. Elaine wasn’t having a heart attack, she just felt like she was having one. Her eyes were out of focus, she looked like she was separated from her surroundings habang nakaguhit ang matinding takot sa mga mata nitong bahagyang nanlalaki.Naninikip ang dibdib na naupo si Tan sa tabi ni Elaine. Kinuha niya ang kamay nitong nakahawak sa dibdib. Her hand was cold to the touch. Para siyang paulit-ulit na dinidibdiban nang kumapit ito sa kamay niya, mahigpit.Pinahid niya gamit ang hinlalaki ang luhang namalisbis sa mga mata nito. Nakita niyang kumurap si Elaine. Tumitig sa kanya bagaman halos wala pa
It was four o’clock in the afternoon nang marating nila ang Ranger’s Station. Kagaya ng una, ang Vizcaya trail ang daang pinili nina Danielle. Pagkatapos magbigay ng tip para sa tour guide, nilapitan siya ni Tan.“Malapit lang ang presinto dito. Sasamahan kitang magpa-blotter at mag-file ng complaint laban kay Richard bago tayo umuwi.”“W-wala akong planong magsampa ng reklamo,” sagot niya.Kumunot ang noo ni Tan. “Pagkatapos ng ginawa ng lalaking iyon sa ‘yo… Muntik ka nang…”Natigilan si Elaine. She raised her eyes at him, studied him nervously. Nakita ba nito nang atakehin siya ng panic kagabi? Hindi niya maalala. At kagabi pa siya hindi mapakali. Disoriented siya. Ni hindi niya alam kung ilang minuto tumagal ang episode bago tumigil.“There were witnesses…” sabi ni Tan. Parang nababasa ang tanong sa isip niya. “That asshole assaulted and harassed you. H
Pinuwersa ni Elaine na bawiin ang tingin kay Tan. Ayaw niya, pero kusang lumanding ang kanyang mga mata kay Janine na nanatili sa kinauupuan. Kinuha nito ang water goblet sa mesa at dahan-dahang uminom doon.Elaine flinched nang maramdaman ang pagpisil ni Marco sa kanyang balikat. She raised her eyes at him. Nagbaba ito ng tingin. Tumiim ang mga bagang nang makitang nagkikislapan sa luha ang mga mata niya.She swallowed the imaginary lump in her throat. Bago pa tumulo ang mga luha, mabilis siyang iginiya ni Marco palabas ng pinto.Sa huling pagkakataon, nilingon niya si Tan. Nakatingin ito sa kanila, ang emosyon sa mga mata nito, dahil nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha—hindi niya mabasa.Mariing kagat ang labi, nanginginig ang baba niya sa pagpipigil ng emosyon. Gusto niyang umiyak pero parang napipigil iyon ng mahigpit na hawak ni Marco.Habang naglalakad palabas ng restaurant, hiniling ni Elaine na sana humabol si Tan. Sana kunin nito
Bumungadsa harap ni Marco ang tiyuhin na si Tito Ralph pagkabukas na pagkabukas niya sa front door. Nakahalukipkip ang may-edad nang lalaki habang nakatingin sa kanya na parang inaasahan na nitong siya nga ang iluluwa ng pinto.“Napapadalas ang pag-uwi mo nang late, Marco. Dumaan ako sa presinto, ang sabi, kanina ka pang alas-singko umalis. Alas-dose na, ngayon ka pa lang nakauwi.”Hinubad niya ang suot na sapatos at inilagay iyon sa shoe rack malapit sa pinto.“Nakipagkita ka na naman sa kanya?”Kahit hindi itanong, alam niyang si Elaine ang tinutukoy nito. Tumuwid siya sa pagkakatayo. “Kumain lang kami sa labas, ‘To.”“Hindi ka naman umaasang…”Ngumiti siya. “Maliligo lang ako, ‘To. Nangangamoy na ‘ko.”Napailing na sinundan ni Tito Ralph ang paghakbang niya papunta sa kuwarto.Nang makapasok sa kuwarto, naupo si Marco sa gilid ng kama.
Elaine’s head was spinning. Her eyes were begging him to spare her but the man didn’t even flinch a little.Then the elevator door opened.Awtomatikong napahawak siya sa leeg nang pakawalan ng lalaki. She gasped for air. Walang lakas ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig. Dinadalahit ng ubo.Tumalungko ang lalaki sa tabi niya. “This is the price you need to pay for being alive, Elaine.”She was slowly drifting off pero narinig niya ang sinabi nito. In a blink of an eye, she saw flashes of images and noises burst through.“This is the price you need to pay for turning your back on your father, Elaine!”“Mamatay ka na! Mamatay ka na!”Elaine went still. Her whole body trembled in fear. Ang takot na gumagapang sa dibdib niya, hindi niya alam kung saan nanggagaling. O kung kailan titigil.August 18, 2017QuezonCity, Philippin