“Makiki-share na lang ako kina Danielle at Jenna.” Tumayo si Elaine sa kinauupuan. Akmang lalakad papunta sa tent ng dalawa nang pigilan siya ni Tan sa kamay—na agad naman nitong pinakawalan.
“Just look how small their tent is. Sa dami ng bitbit nila, bags pa lang, puno na ang space ng tent,” sabi nito, itinuro ang tent ni Danielle na ilang metro lang ang layo mula sa kinaroroonan nila.
Oo nga, maraming bitbit si Danielle. Tatlong porter ang inupahan nito para magdala sa mga bagahe paakyat sa bundok. Bukod pa siyempre sa dalang gamit ni Jenna, ang best friend nito.
Okupado ng maraming alalahanin ang isip ni Elaine nitong mga nakaraang araw. Hindi na niya naisip ang tungkol sa tent at basta na lang nag-impake ilang oras bago ang biyahe. Pero ano ang gagawin niya? Matulog sa labas kaysa makipagsiksikan kina Danielle at Jenna?
Nangigkig si Elaine sa lamig nang biglang umihip ang hangin. Nayakap niya ang sarili.
Tan sighed
“I-is she having a heart attack or something?” tanong ni Richard. Halos magkandabuhol-buhol ang dila nang makita ang paghahabol ni Elaine ng hininga.Kung si Tan ang tatanungin, gusto niyang patayin si Richard right then and there. Pero hinayaan niya itong kumaripas ng takbo dahil natakot matapos makita ang nag-aapoy niyang tingin.He knew better. Elaine wasn’t having a heart attack, she just felt like she was having one. Her eyes were out of focus, she looked like she was separated from her surroundings habang nakaguhit ang matinding takot sa mga mata nitong bahagyang nanlalaki.Naninikip ang dibdib na naupo si Tan sa tabi ni Elaine. Kinuha niya ang kamay nitong nakahawak sa dibdib. Her hand was cold to the touch. Para siyang paulit-ulit na dinidibdiban nang kumapit ito sa kamay niya, mahigpit.Pinahid niya gamit ang hinlalaki ang luhang namalisbis sa mga mata nito. Nakita niyang kumurap si Elaine. Tumitig sa kanya bagaman halos wala pa
It was four o’clock in the afternoon nang marating nila ang Ranger’s Station. Kagaya ng una, ang Vizcaya trail ang daang pinili nina Danielle. Pagkatapos magbigay ng tip para sa tour guide, nilapitan siya ni Tan.“Malapit lang ang presinto dito. Sasamahan kitang magpa-blotter at mag-file ng complaint laban kay Richard bago tayo umuwi.”“W-wala akong planong magsampa ng reklamo,” sagot niya.Kumunot ang noo ni Tan. “Pagkatapos ng ginawa ng lalaking iyon sa ‘yo… Muntik ka nang…”Natigilan si Elaine. She raised her eyes at him, studied him nervously. Nakita ba nito nang atakehin siya ng panic kagabi? Hindi niya maalala. At kagabi pa siya hindi mapakali. Disoriented siya. Ni hindi niya alam kung ilang minuto tumagal ang episode bago tumigil.“There were witnesses…” sabi ni Tan. Parang nababasa ang tanong sa isip niya. “That asshole assaulted and harassed you. H
Pinuwersa ni Elaine na bawiin ang tingin kay Tan. Ayaw niya, pero kusang lumanding ang kanyang mga mata kay Janine na nanatili sa kinauupuan. Kinuha nito ang water goblet sa mesa at dahan-dahang uminom doon.Elaine flinched nang maramdaman ang pagpisil ni Marco sa kanyang balikat. She raised her eyes at him. Nagbaba ito ng tingin. Tumiim ang mga bagang nang makitang nagkikislapan sa luha ang mga mata niya.She swallowed the imaginary lump in her throat. Bago pa tumulo ang mga luha, mabilis siyang iginiya ni Marco palabas ng pinto.Sa huling pagkakataon, nilingon niya si Tan. Nakatingin ito sa kanila, ang emosyon sa mga mata nito, dahil nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha—hindi niya mabasa.Mariing kagat ang labi, nanginginig ang baba niya sa pagpipigil ng emosyon. Gusto niyang umiyak pero parang napipigil iyon ng mahigpit na hawak ni Marco.Habang naglalakad palabas ng restaurant, hiniling ni Elaine na sana humabol si Tan. Sana kunin nito
Bumungadsa harap ni Marco ang tiyuhin na si Tito Ralph pagkabukas na pagkabukas niya sa front door. Nakahalukipkip ang may-edad nang lalaki habang nakatingin sa kanya na parang inaasahan na nitong siya nga ang iluluwa ng pinto.“Napapadalas ang pag-uwi mo nang late, Marco. Dumaan ako sa presinto, ang sabi, kanina ka pang alas-singko umalis. Alas-dose na, ngayon ka pa lang nakauwi.”Hinubad niya ang suot na sapatos at inilagay iyon sa shoe rack malapit sa pinto.“Nakipagkita ka na naman sa kanya?”Kahit hindi itanong, alam niyang si Elaine ang tinutukoy nito. Tumuwid siya sa pagkakatayo. “Kumain lang kami sa labas, ‘To.”“Hindi ka naman umaasang…”Ngumiti siya. “Maliligo lang ako, ‘To. Nangangamoy na ‘ko.”Napailing na sinundan ni Tito Ralph ang paghakbang niya papunta sa kuwarto.Nang makapasok sa kuwarto, naupo si Marco sa gilid ng kama.
Elaine’s head was spinning. Her eyes were begging him to spare her but the man didn’t even flinch a little.Then the elevator door opened.Awtomatikong napahawak siya sa leeg nang pakawalan ng lalaki. She gasped for air. Walang lakas ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig. Dinadalahit ng ubo.Tumalungko ang lalaki sa tabi niya. “This is the price you need to pay for being alive, Elaine.”She was slowly drifting off pero narinig niya ang sinabi nito. In a blink of an eye, she saw flashes of images and noises burst through.“This is the price you need to pay for turning your back on your father, Elaine!”“Mamatay ka na! Mamatay ka na!”Elaine went still. Her whole body trembled in fear. Ang takot na gumagapang sa dibdib niya, hindi niya alam kung saan nanggagaling. O kung kailan titigil.August 18, 2017QuezonCity, Philippin
Mabilisna iniharang ni Tan ang kanang kamay sa pagitan ng pinto ng elevator para pigilin iyon sa pagsasara. Nang muli iyong bumukas, tumambad sa kanya si Elaine na nakasalampak ng upo sa loob—naghahabol ng hininga.“Elaine…”Kahit tila trapped sa sariling mundo, tumingin ito sa kanya. Her troubled and alert gaze darted at him. Bagaman tila tagos-tagusan ang alertong tingin, nakaguhit sa mga mata ni Elaine ang emosyong kapareho ng nakita niya sa mga mata nito sa Benguet.Takot.Na para bang may isang taong aatake o umatake rito. His throat tightened.“Stay with me, Elaine. Those flashbacks weren’t real. You can get through it,” he said. His voice calm and soothing.Tumulo ang luha sa mga mata ni Elaine.Napasunod ang tingin niya sa kamay nito nang humawak ito sa leeg. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang mga daliring nag-iwan ng marka sa makinis at maputi nitong balat. As if s
Bago pa lumakad si Elaine papasok sa loob ng private room, titig na titig na si Tan dito. Pinigil niya pero kusang sumusunod ang tingin niya sa bawat hakbang nito palapit sa kanya.Gusto niyang kumilos, salubungin ito, abutin. Pero alam niyang imposible at hindi na puwede kaya wala siyang magawa kundi manatili sa pagkakaupo pasandal sa headboard ng kama at hintaying tuluyan itong makalapit sa kanya.His eyes were fixed on her. Ni hindi na niya napansin kung kailan tumayo si Janine. O kung nagpaalam man lang ba ito bago lumabas para tuluyan silang iwan.Elaine was staring back at him. Nang tumigil ito sa gitna ng kuwarto—isang dipa ang layo sa kanya, sinuyod siya nito ng mabilis na tingin. Bumaba ang tingin nito sa mga paa niyang nababalutan pa ng cast.Hindi ito nagulat sa nakita. Siguradong nabalitaan na nito ang tungkol sa bone fracture niya. Mas may rason na ngayon ang babaeng pinakamamahal na iwan siya.
PresentItinulos si Marco sa kinatatayuan habang nakamata sa pares na nasa loob ng elevator. Narinig niya ang lahat. He was present few seconds mula nang pasukin ni Tan ang asawa sa loob ng elevator.Ilang araw nang nakapatay ang cell phone ni Elaine kaya sinubukan niya itong kontakin sa tulong ni Anne. It was him who thought of pranking her para lumabas ito mula sa pinagtataguan. Successful siya, ang fail lang ay iyong hindi niya nagawang iligtas ito sa kung sinumang nanakit dito kanina.But whoever that son-of-a-bitch was, sisiguruhin niyang magbabayad.Kumurap si Marco nang makitang bumuka ang nangangatal na mga labi ni Elaine.“K-kailangan ko ng pera…” sabi nito sa mahina at puno ng takot na boses. “Para hindi niya ‘ko saktan. Para hindi niya kami saktan. Kasalanan ko. Ang baby namin ni Tan, hindi niya puwedeng saktan…”Naikuyom ni Marco ang mga kamay. Naninikip ang