Share

Chapter Twenty Two: His Heart

Pinuwersa ni Elaine na bawiin ang tingin kay Tan. Ayaw niya, pero kusang lumanding ang kanyang mga mata kay Janine na nanatili sa kinauupuan. Kinuha nito ang water goblet sa mesa at dahan-dahang uminom doon.

Elaine flinched nang maramdaman ang pagpisil ni Marco sa kanyang balikat. She raised her eyes at him. Nagbaba ito ng tingin. Tumiim ang mga bagang nang makitang nagkikislapan sa luha ang mga mata niya.

She swallowed the imaginary lump in her throat. Bago pa tumulo ang mga luha, mabilis siyang iginiya ni Marco palabas ng pinto.

Sa huling pagkakataon, nilingon niya si Tan. Nakatingin ito sa kanila, ang emosyon sa mga mata nito, dahil nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha—hindi niya mabasa.

Mariing kagat ang labi, nanginginig ang baba niya sa pagpipigil ng emosyon. Gusto niyang umiyak pero parang napipigil iyon ng mahigpit na hawak ni Marco.

Habang naglalakad palabas ng restaurant, hiniling ni Elaine na sana humabol si Tan. Sana kunin nito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status