Share

Chapter 1

"Aldrick!" Boses ng babae ang agad na sumalubong sa kan’ya pagbaba pa lamang niya ng sasakyan at bago pa man siya makahuma ay sinalubong na rin siya nito ng mahigpit na yakap. "We miss you! I miss you!"

Halata sa boses ng babae ang kasiyahan sa kan’yang pagdating at bagama’t walang salita siya na nauusal sapat na ang pagganti niya sa yakap nito upang maiparamdam na masaya rin siya sa muli nila na pagkikita.

"Mabuti naman at hindi mo ako tinanggihan sa hiling ko. I missed you so much, Aldrick."

Ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang tuluyan siya na magpaalam sa kapatid niya na si Colton at kay Atasha. Nais niyang lumayo upang makalimot kaya kahit nga sa kasal ng dalawa ay hindi na siya dumalo pa at wala na sana siyang plano na bumalik pa kung hindi lamang ang babae mismo ang tumawag sa kan’ya. And Atasha is still the Atasha that he knows. Walang pinagbago ang babae na minahal niya noon at minamahal pa rin niya ng patago hanggang sa ngayon kahit na alam niya na mali.

Fuck Akiro’s back-up plan! He was never prepared for this! Iyon na lamang ang naiisip niya habang nakayakap siya kay Atasha. Napakatraydor ng kaibigan niya para gamitin ang kapatid nito na alam nito na hindi niya matatanggihan.

"Kamusta ka, Tash? Kamusta ang mga bata?" Pabulong na tanong pa niya habang magkayakap pa rin sila.

"Miss ka na nina Cole at Ashi, Aldrick. Ang tagal mo na hindi nagpakita sa amin." Sagot naman ni Atasha na hindi rin naman bumibitaw sa pagkakayakap sa kan’ya. "And I am glad that you’ll be able to meet our little Adrick soon. Nasa school lang ang mga bata pero tiyak ako na matutuwa sila sa pagdating mo."

Tipid siya na napangiti at saka bumitaw sa babae. "Adrick?"

Pagtango ang naging tugon ni Atasha sa kan’ya kasunod ang pagpapaliwanag nito. "We named him after you. We wanted you to always be a part of our growing family. Well, not exactly your name, but it sounds like your name."

"Thank you, Tash. You didn’t have to do that, but it is well appreciated."

"Bakit ang pormal mo naman, Aldrick? Hindi mo kailangan na magpasalamat dahil pamilya tayo. And it is nothing compared to what you have done for me and Colton. We owe you a lot." Mababanaag na sa tono ni Atasha ang nagbabadya na pag-iyak dala ng sobrang kasiyahan sa muling pagkikita nila ng prinsipe.

"Let’s not dwell on the past, Tash. It’s good to be back."

"It’s definitely good that you’re back." Boses na ng kapatid niya na si Colton ang sunod na narinig niya, kasunod nito ang kaibigan niya na si Akiro at ang tauhan nina Atasha na si Nathan. "Sa wakas napabalik ka na rin ni Atasha rito. Ang tagal namin hinintay na makasama ka."

Agad siya na nilapitan ng kapatid at niyakap habang si Akiro at Nathan ay natatawa-tawa lamang na nakamasid sa kan’ya. 

"Just for the record, this is not just because of Tash."

"Yeah, whatever you say, bro."

"But let's be clear: I can’t stay long here. Marami akong trabaho sa Genova kaya kailangan ko rin na makabalik agad. We need to sort out the plan for finding the runaway princess as soon as we can."

"You just came back, and you’re focusing on work outright. Let’s enjoy this day. Let's have our family time first, then let’s get down to business tomorrow."

—--

Malagkit ang mga tingin na ipinupukol ni Aldrick sa babaeng nasa harapan niya. Nakakagat-labi pa siya habang pinapasadahan ng tingin ang mapang-akit na babae na dahan-dahan na naghuhubad ng saplot sa saliw ng mabagal na musika sa kan’yang silid.

Gamit ang daliri ay sinenyasan siya ng babae na lumapit kasabay sa pagdausdos ng bestida nito sa sahig. Hindi maiwasan ni Aldrick na panindigan ng balahibo sa senaryo sa kan’yag harapan. 

"Come here, pretty boy." Malandi na turan pa ng babae habang hinihimas nito ang sariling katawan. "I am so ready for you, handsome."

"Fuck! You’re sexy, baby." Tumayo si Aldrick sa kan’yang kinauupuan at mabilis na hinapit ang babae palapit. "How do you want to do this?"

"You’re so ready for me, babe." Paungol na pagsalita pa ng babae nang maramdaman nito ang buhay na buhay na pagkalalaki ng prinsipe. "Take me whatever way you like. I am ready for you."

"And I am also always ready for some fuck, hon." Nakangiti na sagot pa niya. Agad niya na hinawakan sa ulo ang babae at walang sabi-sabi niya na siniil ng halik. Ginantihan naman ng babae sa parehong intensidad ang ginagawa niya.

Sunod-sunod na pag-ungol at mga halinghing na ang pumuno sa silid na iyon. Halik pa lamang ang naigagawad niya ay halos mabaliw-baliw na ang babae sa ligaya at pagkasabik na nararamdaman nito para sa kan’ya. Patuloy ang babae sa pag-ungol at paghalinghing habang siya naman ay patuloy rin sa pagpapagapang ng kan’yang halik at paglulumikot ng kamay niya sa katawan nito. 

Binuhat niya ang babae at saka pahagis na inihiga sa kama. "Let’s do this fast and hard, babe. I like it rough." Pagbulong pa niya sa tainga ng kasama na lalo lamang nakadagdag sa matinding pagnanasa na nararamdaman nito.

Hindi na nakatugon pa ang babae at sa halip ay pag-ungol na lamang sa pangalan niya ang nagawa nito. Nalunod na sa matinding sensasyon na dinadala ng mga ginagawa niya ang nais nito na sabihin. Sumunod doon ay ang pagsasanib na ng kanilang mga katawan at wala ng mga salita pa ang maririnig kung hindi ang mga ekspresyon na lamang ng makamundong pagnanasa na mayroon sila para sa isa’t-isa.

Alam ni Aldrick na hindi ito ang dapat na ginagawa niya. Hindi ito ang pakay niya sa pagbabalik sa Pilipinas pero kailangan niya ito na gawin dahil ito na lamang ang tanging paraan para mawala ang atensyon niya kay Atasha. 

Ayaw niya na magkasala sa kapatid niya at ayaw rin niya na bigyan ng dahilan si Atasha para makaramdam na naman ng pagsisisi sa mga nangyari sa kanila sa nakaraan kaya mas pinipili niya ang ganitong pamamaraan para makalimot.

He has been using this strategy back in Genova, so there is nothing wrong with what he is doing now. But this can’t go on for so long. Hindi maaari na magtagal pa sya rito dahil nahahalata na rin niya ang pagnanais ni Atasha na sitahin siya dahil sa iba’t-ibang mga babae na nalalaman nito na kasama niya kahit na pinili niya na bumukod ng tirahan sa dalawa.

Fuck! There he goes again, thinking about Atasha when he is having sex with another woman. Malala yata talaga ang tama niya sa prinsesa kaya kailangan niya na talaga na kausapin si Akiro para makahanap ng mas mabisang plano kung paano makikita ang tumakas na prinsesa.

"Baby, I’m coming." Pag-ungol ng hingal na hingal na babae habang siya naman ay patuloy sa pag-indayog sa ibabaw nito. "Aldrick, fuck! You’re so good!"

Hindi na siya nagsalita pa at mas lalo na lamang niya na binilisan ang bawat paggalaw niya sa ibabaw ng babae. Sa bawat pag-ulos niya ay ang mahigpit na kapit ng babae sa kan’ya kasabay ng malalakas na ungol nito sa pangalan niya.

"Ahhh, Aldrick!"

Ilan mabibilis na pag-indayog pa ang ginawa niya saka siya napamura ng maabot na niya ang r***k ng kaligayahan. "Fuck!"

Pareho sila na hinihingal matapos ang pagniniig nila na iyon pero agad din siya na bumangon at dumiretso sa banyo. As always, he fucks and goes at wala  siyang plano na makipaglapit sa kahit na sino na babae na kinakama niya. He knows from the drill that he is only out for fun. No cuddles, no talking. Cuddles will lead to attachments that will lead to damn emotions kaya sa una pa lamang ay paglalabas lang ng init ng katawan at para makalimot ang pakay niya.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas siya ng banyo at gaya sa inaasahan niya ay tulog na ang babae sa kama. Naiiling na lamang siya na lumabas ng silid upang makapagpahagin pero paglabas pa lamang niya ay nagulat na siya sa nabungaran niya.

"Another fun night with a woman again, Aldrick? And let's be straight forward about this: a different woman again?" Magkakrus pa ang mga braso ni Atasha habang nakaarko ang kilay sa kan’ya ng sitahin siya nito.

"Tash, what are you doing here?" Napapahimas na lamang siya sa kan’yang batok habang tanong din ang ibinalik kay Atasha. "Kanina ka pa ba?"

Gulat siya na makaharap ang babae na pilit niya na iniiwasan habang nasa Pilipinas siya. Iyon din ang dahilan kaya nagpasiya sila na sa lumang bahay ni Colton sila nila Akiro mananatili habang sa Batangas naman ang kapatid niya at ang pamilya nito kaya nagulat siya na kaharap niya si Atasha ngayon.

"Long enough to hear whatever the hell is happening in there. Ang aga pa yata para sa "fun night" o plano ba niya na makipaglaro sa'yo ng buong magdamag?" Mataray na sagot pa nito sa kan’ya. 

"Napadaan ka? Si Colton nasaan?" Pilit niya na inilalayo ang usapan sa mga posibleng narinig ni Atasha na ginawa nilang milagro ng babae sa loob ng silid. "Kumain ka na ba?"

"Ilang linggo ka nang narito at sa loob ng ilang linggo na iyon ay ilang babae na rin ang nakasama mo. Halos hindi ko na nga mabilang sa daliri ko ang dami ng babae na nakakasama mo gabi-gabi."

"That's an exaggeration, Tash. Sino ba ang nagsabi niyan sa'yo? Huwag mong paniwalaan si Nathan dahil panay kalokohan ang sinasabi noon."

"What are you doing, Aldrick? This is not you. Kaya pala mas pinili mo na manatili rito kaysa ang makasama kami para hindi ko nakikita ang mga pinaggagagawa mo. Alam ba ni Colton ito?"

"Tash, let’s not argue over this." Pagpipigil na niya sa plano nito na awayin siya. "Marami na ang nagbago sa akin. You don't know me the same way that you used to."

"You’re right. I don’t know you anymore because you chose to stay away from us, Aldrick. Pinili mo na layuan kami at naiintindihan ko iyon. Marami akong kasalanan sa’yo pero hindi iyon sapat na dahilan para gawin mo ito sa sarili mo. You’re better than this."

"Atasha, stop." Malalim na buntong hininga ang ginawa niya dahil sa totoo lamang ay hindi niya alam kung paano tatapusin ang usapan na ito. He doesn’t want to say things that will hurt her or further ignite her fury against him pero hindi na nila dapat na pinagtatalunan ang kung ano man ang ginagawa niya sa buhay niya dahil wala na silang relasyon. Everything is over between them, and that is because she chose his brother over him. "Huwag na natin ibalik pa ang nakaraan. Huwag na natin pagtalunan pa ang bagay na ito."

"Atasha, nandito ka lang pala. Nandiyan na si Colton at sinusundo ka na. Sige na at mag-uusap pa kami ni Aldrick." Mabuti na lamang at sakto ang dating ni Akiro kaya hindi na nagawa pa na makasagot ni Atasha sa kan’ya.

Halata ang inis ni Atasha dahil sa naputol na usapan nila pero pinili nito na huwag nang magsalita at sa halip ay rumolyo na lamang ang mata sa kanila, umirap at saka sila tinalikuran. Nang makaalis ang kapatid ay mabilis siya na hinarap ni Akiro.

"I am sorry about her, Aldrick. Alam mo naman na may pagkapakialamera talaga iyon sa mga taong mahal niya."

Sarkastiko siya na sumagot. "Mahal niya? Come on, dude."

"Mahal ka ni Atasha, Aldrick, hindi lamang nga sa parehong lebel ng pagmamahal niya kay Colton. She cares about you, and that’s why she’s nagging you."

Alam naman niya iyon pero ayaw na niya na mas lalo pa na masaktan. Alam niya na pagmamahal sa isang kaibigan lamang ang kaya na ibigay sa kan’ya ni Atasha. "Let’s talk about this runaway princess, Aki. I can’t stay here for very long. Inisahan mo na ako dahil ginamit mo ang kapatid mo so the least that you can do is tell me all the details about this princess and who the fucking hell she is about to marry. We need to find her, and we need to find her the soonest! Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kaya na iwasan ang kapatid mo kaya mas mabuti pa na makita na natin ang nawawalang prinsesa."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status