Share

Framed the Prince to be My Baby Daddy
Framed the Prince to be My Baby Daddy
Author: aiwrites

Prologue

"Eunice, what is this? Ano ang akala mo sa pamamahay ko, bahay ampunan? Hindi porke’t tinanggap kita rito ay puwede ka nang magdala ng kahit na sino rito. I still own this house, and you can’t just bring anybody here. Hindi ako nagkakawanggawa at wala akong plano na umabot sa langit dahil lamang sa pagkakawanggawa na iyan."

Galit ang tinig na iyon ng kausap ni Eunice kaya naman lalo na nahintatakutan si Russia habang nakaupo at naghihintay sa kan’yang kaibigan. Nais na niyang umalis pero wala siyang ibang patutunguhan. Naisin man niya na bawiin ang pakiusap niya sa kaibigan niya ay hindi rin naman niya magawa dahil saan pa nga ba siya pupunta? She had nothing. All she had was herself, and the only person that she could turn to was Eunice. 

Alam niya na gaya rin niya ay malaki rin ang problema na kinakaharap ni Eunice, pero wala na siyang ibang matatakbuhan pa kaya kahit nahihiya siya dahil dumadagdag pa siya sa marami na rin na problema ng kaibigan niya ay wala siyang ibang mapagpilian. 

"Please, Tita. Pansamantala lang naman ang pakiusap namin."

"My answer is no, Eunice! Hindi siya maaari na manatili rito."

Ang mga salita na iyon ang nagpatulo ng mga luha na kanina pa pinipigilan ni Russia. Alam niya na sadyang nilalakasan ng tita ni Eunice ang mga salita na iyon para siguraduhin na maririnig niya, kaya naman nais na rin niya na lamunin siya ng lupa sa sobrang kahihiyan na nararamdaman niya. Hindi ito ang buhay na nakasanayan niya. Hindi ito ang mundo na nakalakihan niya, pero narito siya ngayon at walang ibang malalapitan. 

Napakuyom na lamang siya ng kan’yang kamao habang nakayuko na lumuluha dahil sa awang-awa siya sa sarili niya. Hindi niya dapat ito nararanasan kung hindi siya naging tanga sa pag-ibig. Wala siya sana sa sitwasyon na ito kung hindi siya nagmatigas sa pamilya niya. She is stupid because she chose to be foolishly in love with the wrong person.

Naniningkit ang mga mata niya sa sobrang inis habang naaalala niya ang dahilan kung bakit narito siya sa punto na ito ngayon ng buhay niya. Blue Alegre. The man she chose over her family ended up making a fool of her and making her life miserable. Ang lalaki na siyang ipinagpalit niya sa buhay na mayroon siya ngunit iyon pala ay ipagpapalit din lamang siya sa iba.

How stupid of her to realize it too late that Blue is not worth it. Bakit hindi niya nakita noon ang mga bagay na nais na ipakita sa kan’ya ng pamilya niya patungkol sa kasintahan niya? Bakit mas pinili niya na maging bulag sa maling pagmamahal? Hindi niya maiwasan na balikan ang nakaraan upang ipaalala muli sa sarili niya ang pinakamalaking katangahan at pagkakamali na nagawa niya sa buong buhay niya.

—--

"Russia, wake up, anak. You can’t be with Blue. Hindi maaari na masira ka, masira tayo dahil lamang sa kan'ya at sa pamilya niya. He is not worth it. Open your eyes to the fact that he is only using you. Marami pang lalaki na magmamahal sa’yo ng tapat, pero hindi siya iyon, anak."

"No." Pagalit na sagot niya sa kan’yang ina. Alam na niya na aabot sa ganito ang lahat lalo na at umabot na sa mga magulang niya ang mga bali-balita tungkol sa problemang kinasasangkutan ng pamilya ng nobyo niya. "Mahal ko si Blue at wala akong pakialam sa problema ng pamilya niya. Iba siya at iba ang mga magulang niya."

"Don’t be stupid, Russia. Masisira ang pamilya natin dahil sa kan’ya. Stop with this nonsense! Hindi siya nararapat para sa'yo dahil magulo ang pamilya nila. Noon pa namin sinasabi sa'yo na makipaghiwalay ka na sa kan'ya pero patuloy mo kami na hindi pinapakinggan. I've had it with you. Enough is enough! Break up with him right now because you are getting married, and your groom is not going to be Blue Alegre, ever."

"What?!" Mas lalo ang galit na nararamdaman niya dahil sa sinabi na iyon ng kan’yang ina. Hindi lamang dahil sa pangingialam nito sa relasyon nila ng nobyo niya kung hindi mas lalo ang galit niya sa sinabi nito na magpapakasal na siya sa iba. "What do you mean I am getting married?"

"We know that you won’t break up with him because you are so blinded by your feelings, so your father and I made the decision to arrange your marriage. Kami na mismo ang namili ng nararapat na lalaki para sa’yo. Inaayos na namin ang lahat para sa lalong madaling panahon ay maikasal kayo."

"No!" Muli na pagsigaw pa niya. "Walang ibang nararapat para sa akin kung hindi si Blue lamang. Si Blue lamang ang pakakasalan ko at wala ng iba."

"Gamitin mo nga ang utak mo, Russia. Problema lamang ang dadalahin ni Blue sa buhay mo. Look at you now, and look at the way you talk to us. Hindi ka ganyan dati; hindi ka suwail na anak pero simula nang maimpluwensiyahan ka ng lalaki na iyan ay naging ganyan ka na. Hindi ako kumibo noon dahil akala ko ay magigising ka sa katangahan mo, pero patuloy ka pa rin na nagpapakatanga sa lalaki na iyan at hindi na ako makakapayag pa!"

"Huwag mong sisihin si Blue dahil wala siyang kinalaman dito. I am like this because you are being too difficult."

"You are being too difficult, Russia. Don’t test my patience."

"No, mom. I won’t allow you to break us. Hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaki na gusto ninyo para sa akin. I am choosing Blue, and you can’t do anything about it."

Sarkastiko na tumawa ang kan’yang ina pero ang mga mata nito ay halos magliyab sa galit sa kan’ya. "You are such a brave woman, Russia, to even say that to me. Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Sigurado ka ba na kaya mo nang ipagpalit ang lahat dahil lamang sa kan’ya."

Of course, she can’t lose her family, but she also can’t just agree to a marriage that they want for her simply because they don’t want Blue for her. Hindi sa nais niya na kalabanin ang pamilya niya pero nais niya na ipakita sa mga magulang niya na hawak pa rin niya ang buhay niya at hindi nila maaari na saklawan ang mga desisyon niya lalo na sa usapin ng buhay at pag-ibig niya.

"I won’t marry anyone else but Blue, mom. Hindi ako makikipaghiwalay sa kan’ya dahil lamang sa iyon ang gusto ninyo. Iba siya sa pamilya niya kaya kung ano man ang kasalanan ng pamilya niya ay huwag ninyo iyon na isisi sa kan’ya."

"Then so be it; the moment you choose him over this family, feel free to walk away from this house, Russia. You will no longer be a part of our family."

—--

Her decision might not be the most ideal, but she needed to prove a point to her parents, and that’s why she chose Blue. Hindi naman niya akalain na seseryosohin din ng mga magulang niya na itakwil talaga siya kaya naman ngayon na maski ang lalaking pinili niya ay iniwan siya, wala siyang magawa kung hindi ang humingi ng tulong sa iba para lamang mabuhay siya.

"Fine, Eunice." Nagbago bigla ang tono ng kausap ng kaibigan niya. "Ayaw ko na may masabi ka tungkol sa akin, kaya sige, tutulungan ko ang kaibigan mo. I will allow her to live here, and I will support her for the time being, but tell her that she needs to work for it eventually. Wala ng libre sa mundo, Eunice, kaya kailangan niya na pagtrabahuhan ang lahat. She owes her life to me, so she needs to do something for me in return."

"Prinsipe Aldrick! Prinsipe Aldrick, gising ka na ba?" Sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng silid ni Prinsipe Aldrick ang gumising sa kan’ya. "Prinsipe!"

"Fuck, Elon! Ano na naman ang problema mo?" Inis na  sigaw niya buhat sa loob ng silid. "Ang aga-aga pa!"

Walang naging tugon si Elon at nagulat na lamang siya sa pagbukas ng pintuan at ang bumungad sa kan’ya ay ang kaibigan niya na si Akiro. "Damn, Aldrick! Bumangon ka na riyan at gumising dahil tanghali na."

"Ano ang ginagawa mo rito, Altamirano?" Pagtatanong niya habang tinatabunan ng unan ang mukha niya dahil ayaw niya na makaharap ang kapatid ni Atasha. "I said no, didn’t I?"

Malalim na buntong-hininga ang narinig niya buhat sa kaibigan niya at alam na alam na niya ang sunod nito na sasabihin. "Pumayag ka na, Drick. I need help. We need all the help that we can get."

"I said no, Akiro. Marami akong trabaho at isa pa wala akong ibang rason para pumunta roon. Hindi tayo pareho ng sitwasyon. You have other reasons to be there, like your sister and your business, so go ahead and do your thing without me."

Agad na inagaw ni Akiro ang unan na pinangtatabon niya sa mukha niya na lalo naman niya na ikinainis sa kaibigan. "Pababayaan mo ba ang matalik na kaibigan mo na mag-isa na gawin ang trabaho?"

"Yes." Mabilis na tugon naman niya. "Ikaw ang nagsabi na tutulong ka; ikaw ang may kailangan sa pamilya nila, so go ahead and tire yourself."

"We are best friends, Aldrick; I need your help."

"Hilingin mo na ang lahat huwag lang iyon."

Tinitigan siya ng kaibigan niya at tinapik-tapik nito ang baba na parang may malalim na iniisip. "You really haven’t forgotten her. Wait, let me rephrase that: you have not gotten over her, right?"

"Tigilan mo ako, Akiro. Puyat ako at wala akong panahon na makipagkulitan sa’yo. Hindi kita matutulungan kaya makakaalis ka na."

Napapa-iling na lamang si Akiro sabay pagtapik sa braso niya. "Tang-ina! In love ka pa rin sa kapatid ko. Mahal mo pa rin ang asawa ng kapatid mo."

"Puta, Akiro, ang kulit mo! Oo na, sige na, mali man pero iyon ang totoo. Mahal ko pa rin siya kaya wala akong balak na bumalik sa Pilipinas para tulungan ka na hanapin ang lintik na prinsesa na iyan na tumakas sa pamilya niya dahil ayaw sa arranged marriage. Tang-ina! Sa paghingi mo ng tulong sa akin ay pinapaalala mo lang sa akin ang lahat ng pinagdaanan ko noon."

"Alam ko, Drick, pero seryoso kailangan ko ng tulong mo."

"Nasaan ba kasi ang lintik na mapapangasawa niyan at bakit ako ang kinukulit mo?"

"I need help, Aldrick. Nakakahiya naman kung babawiin ko ang tulong na sinabi ko, hindi ba? Ang mga prinsipe na gaya natin ay hindi tumatalikod sa mga sinabi natin, hindi ba?"

"No." Mariin na pagtanggi pa niya. "Pasensya na, bro, pero hindi talaga kita matutulungan sa ngayon. Humingi ka na lang ng tulong kay Colton dahil maraming koneksyon iyon sa Pilipinas."

It had been weeks since Akiro had first asked for his help, and he kept on asking him every week, hoping that he would agree, but every time his answer was always the same: No. Wala na siyang balak pa na magbalik sa Pilipinas dahil ayaw na niya na bigyan pa ng komplikasyon ang buhay nila ng kapatid niya. 

They have been through a lot in the past. He has been hurt so much in the past, and that is why it is difficult for him to help Akiro find the runaway princess. Ganoon na ganoon din kasi ang naging sitwasyon nila noon ni Atasha. 

Si Atasha ang nag-iisang babae na minahal niya ng tapat pero sa huli ay pinili nito ang kapatid niya, at isa siyang martir para palayain ang babae na dapat ay sa kan’ya. Ginawa na niya ang lahat para sa prinsesa pero hindi niya kaya na makipagkompitensya sa kapatid niya dahil si Colton ang tunay na itinitibok ng puso ni Atasha.

At iyon ang tanging rason kung bakit hindi siya mapapayag ng kaibigan sa hiling nito sa kan’ya. He is distancing himself from his brother and Atasha because, as he  told Akiro, he is still in love with his brother’s wife.

"Elon, anong balita kay Akiro? Mukhang sa wakas ay nanahimik na rin siya." Pagtatanong niya sa tauhan niya. 

"Sa pagkakaalam ko ay bumiyahe na patungo sa Pilipinas si Prinsipe Akiro. Mabuti na rin iyon para hindi ka na niya kulitin." sagot naman ng tauhan niya sa kan’ya.

"I really wanted to help him, but you know that I can’t." May panghihinayang sa tinig niya nang sabihin niya iyon. Nahihiya rin naman kasi siya na tanggihan ang kaibigan niya lalo na at ang daming pabor na ang ginawa nito hindi lamang sa kan’ya kung hindi maging sa ina niya na reyna na nagkasala sa pamilya nito. "Alam ko na maliit na bagay lamang ang hiling niya na tulong kumpara sa ginawa niya para sa reyna, pero hindi ko pa talaga kaya na harapin muli sina Colton at Atasha."

"Sigurado naman ako na naiintindihan iyon ni Prinsipe Akiro. Alam din naman niya ang pinagdaanan ninyo ng kapatid niya kaya sigurado ako na ayos lang sa kan’ya ang pagtanggi mo. Huwag mo nang isipin iyon at ang mabuti pa ay magpahinga ka na at maghanda para sa party. Magkita na lamang tayo mamaya dahil may mga utos pa ang hari." Pagpapaalam na nito sa kan'ya. 

Pagtango lamang ang naging tugon niya kay Elon at saka siya dumiretso sa kan’yang silid. Tahimik man si Akiro sa ngayon ay ayaw pa rin niya na magpakasiguro. Alam niya rin naman kasi na hindi ganoon kadali na sumusuko ang kaibigan niya kaya sigurado siya na may back-up plan pa iyon sa kan’ya. 

Kapapasok pa lamang niya sa kan'yang silid ay sunod-sunod na pag-ring ng telepono na niya ang narinig niya at dahil numero lamang ang rumehistro ay agad niya iyon na sinagot.

"Hello."

"Aldrick," bigla ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa boses na bumungad sa kan’ya. "Prinsipe Aldrick, please, I need a big favor. We need your help."

Iba ang isinisigaw ng isip niya na dapat niya na isagot pero sa huli ay puso pa rin ang nanaig sa kan’ya. And he wanted to punch himself for being so weak, but he is in love, and he will do everything for the person he loves, even if it means hurting himself in the process.

"I’ll be there. Darating ako, Atasha."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status