Share

Chapter 2

"It’s time. Matagal-tagal ka na rin naman na nasa poder ko, Russia, kaya panahon na rin naman siguro para suklian mo ang kabutihan ko sa’yo."

Sa tuwing nakakaharap niya ang Tita ni Eunice ay lagi na lamang na may takot si Russia na nararamdaman. Naging mabuti naman ang pakikitungo nito sa kan’ya pero hindi niya magawa na mapalagay ang loob sa babae dahil sa napakasungit na awra nito parati. 

"P-pasensiya na, Tita, alam ko na matagal-tagal mo na akong sinusuportahan kaya pasensya na sa panggugulo ko at pagiging dagdag na problema sa inyo. Pangako na maghahanap ako ng permanenteng trabaho para maging regular din ang pagbibigay ko para sa mga gastusin dito." 

Sa totoo lamang ay pinipilit naman niya na makapagbigay ng share niya sa mga gastusin pero hindi nga lang madalas dahil wala rin naman siyang makuha na permanenteng trabaho sa ngayon. Bukod pa roon ay nahihiya rin siya na makiusap sa mga kaibigan ng pamilya nila dahil ayaw niya na makaabot sa mga magulang niya ang buhay na sinapit niya.

She still has her ego and pride, and she doesn’t want her parents to tell her that they told her so. Si Eunice lamang ang tanging kaibigan niya na labas sa mundo na kinabibilangan nila kaya sigurado siya na walang makakaalam sa kahit na sino sa pamilya niya ng tunay na estado niya sa ngayon.

Napa-irap pa ang babae sa kan’ya bago muli na nagsalita. "As expected, Eunice didn’t tell you. Hindi ko hinihiling ang magbigay ka ng hati mo sa gastusin dito, pero gaya nga ng sinabi ko noon na hindi magiging libre ang pagtira mo sa poder ko at kailangan mo ako na bayaran sa ibang pamamaraan."

"P-paano po?"  Naguguluhan na tanong pa niya. Kung hindi kasi pera ang nais nito na kabayaran, ano ang hihingin nito na kapalit? 

Inilabas ng matanda ang isang litrato at saka inabot sa kan’ya. Litrato iyon ng isang guwapong-guwapo at makisig na lalaki. Pamilyar ang itsura nito pero hindi niya mapagtanto kung saan sila nagkita. Mukhang may kaya sa buhay at suplado kaya hindi niya maintindihan kung ano ang magiging papel nito sa utang niya sa tita ng kaibigan niya. 

"That is the repayment that I want." Gulat siya na napatingin sa babaeng kaharap dahil sa sinabi nito. Type ng matandang babae ang lalaki? Hindi ba at halos anak na nito iyon? At isa pa, ano naman ang iniisip ng matanda na magagawa niya para makuha niya ang lalaki.

"S-siya ang kabayaran? Paano?"

"Guwapo at mayaman ang lalaki na iyan. Sobra-sobra pa ang magiging kabayaran kapag nakuha natin siya." Naguguluhan siya sa sinasabi ng kausap pero mas pinili na lamang niya ang manahimik at maghintay sa paliwanag nito. "He is your target, Russia."

"Ha? Target? Ano?" Napapalunok na lamang siya dahil nagsisimula na ang pagdagundong ng puso niya. Paano ba niya gagawin ang nais nito? Hindi niya maintindihan ang mga nais na mangyari ng matanda.

"Don’t worry, because I will help you all the way. Madali lang naman ang magiging trabaho mo dahil konting pag-arte lang ang kailangan para mapapaniwala natin sila at mapaikot natin sila sa ating mga palad. I have enough information that can help you succeed. I am sure that you had your fair share of one-night stands and fun nights, so this is nothing new."

One night stand? Nais ba ng matanda na makipag one night stand siya sa lalaki na nasa litrato? Paano? Gulong-gulo siya sa mga plano ng matanda at nakakadagdag iyon sa kaba na nararamdaman niya.

"One-night stand?"

"One-night stand. Tapos kailangan mo lamang na magpanggap na nabuntis ka niya para tuluyan na natin na mapasok ang mundo niya."

"Ha? One-night stand? Magpanggap na nabuntis?" Napatili pa siya dahil sa sinabi ng kausap niya. "Hindi ko kaya. Hindi ko gagawin iyon. Pasensya na pero hindi ko kaya ang inuutos mo." 

Agad ang pagtanggi niya dahil hindi niya kaya ang mga nais na ipagawa sa kan'ya. Hindi naman sa nagmamalinis siya dahil tama naman ang matanda na mayroon din siyang mga kalokohan, pero ang magpanggap at magsinungaling para masira ang buhay ng iba ay hindi niya magagawa.

Kung gaano kabilis niya na tinanggihan ang utos ay gano’n din naman kabilis na nagbago ang ekspresyon ng matandang babae. Agad siya na hinaklit nito sa braso at habang pinandidilatan siya ay nag-iwan ng isang banta sa kan’ya. "You will do as I say, Russia. Ako ang bumuhay sa’yo, tandaan mo ‘yan kaya dapat mo na pagbayaran ang lahat ng paghihirap ko."

"P-pero hindi ko po kaya. Paalisin mo na lamang ako ngayon pero hindi ko magagawa iyon. Pasensya na talaga at hindi ko magagawa ang utos mo."

"Kaya mo at kakayanin mo!" sigaw pa nito. "Buhay mo ang kapalit, Russia. Hindi ka makakaalis sa poder ko hangga’t hindi mo nababayaran ang paghihirap at gastos ko sa’yo. I know a lot of things about you, and I can easily turn your life around kapag hindi mo sinunod ang gusto ko. Kayang-kaya ko na sirain ang sira-sira mo nang buhay, Russia! Now, decide for yourself: are you with me or against me?"

—---

"Ang aga-aga ay busangot na busangot ka na naman, Drick." Bati ni Nathan sa kaibigan na kalalabas lamang para sabayan siya sa pagpapapawis sa gym area ay hindi na agad maipinta ang mukha. "Ano inaway ka na naman ba ni Prinsesa Atasha?"

Napapa-iling na lamang siya at saka nagtanggal ng tshirt upang sabayan si Nathan sa pagbubuhat ng dumbbell. "I don’t have much time. I need details, Nathan. Ano ba ang sabi ng boss mo? Ano na ba ang mga impormasyon na nakuha ninyo?"

"Boss ko? Sinong boss ko? Ang prinsesa ba o ang prinsipe?"

"Nakakuha ako ng ilang leads tungkol sa hinahanap natin pero hindi ako sigurado. Remember the woman I was with last time? Mukhang may koneksyon siya sa hinahanap natin."

"Sa dami ng nakasama mo, Aldrick, hindi ko na matandaan kung sino sa mga iyon ang tinutukoy mo. Sigurado rin ako na kahit ikaw ay hindi mo sigurado kung sino sa mga babae na nakasama mo ang tinutukoy mo na lead mo."

"Gago ka! Nasaan ba si Akiro? Siya itong nag-commit na hahanapin ang prinsesa na iyan tapos ako ang problemado. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tayo ang dapat na maghanap sa babae na iyon. Walanghiya! Hindi ba at trabaho dapat iyon ng lalaki na pakakasalan niya? Why is it us who need to locate the bride and not the groom to be?"

Kibit-balikat na sumagot sa kan’ya si Nathan habang may nakakaloko na ngisi. "Hinanap mo ba si Prinsesa Atasha nang maglayas siya? Sa pagkakaalam ko naman ay hindi rin."

Alam niya na wala naman din masama na ibig sabihin sa tanong na iyon si Nathan at nais lamang din nito na mangulit pero hindi niya maiwasan na mainis dahil sa pagbabalik nito sa nakaraan nila ni Atasha. "Gago ka, Nathan! Hindi ako ang pinag-uusapan dito."

Agad na natawa ang kausap niya dahil sa reaksyon niya. "Chill lang, Prinsipe Aldrick, ang init naman agad ng ulo mo. Wala ka lang naiuwi kagabi ang sama na ng gising mo. Wala naman akong nais na pakahulugan sa sinabi ko. But, come to think of it, why did you not locate the princess back then? Hindi mo hinanap ang prinsesa noon, kaya anong kaibahan noon sa nakatakdang pakasalan ng bagong runaway princess kung hindi siya hinahanap nito?"

"Iba ako at iba siya.  Iba ang dahilan ko sa maaaring dahilan niya."

"Precisely my point. Kaya hindi mo dapat asahan na hahanapin siya ng groom, o baka naman mali rin tayo at hinahanap naman pala siya ngunit kailangan lang nito ng back-up sa paghahanap."

"Hindi ako puwedeng manatili rito ng matagal. I have a life in Genova, and I don’t have any plans to waste it on their love story. Halos tatlong buwan na ako rito pero hanggang ngayon ay wala pa tayong lead sa kung nasaan ang nawawalang prinsesa. Walang makuha na impormasyon sina Colton at Akiro, kaya ano pa ang magagawa ko? Tutal, narito naman kayo at sinabi mo nga na posible na back-up lang tayo, kaya mabuti pa na kayo na lamang ang maghanap at babalik na ako sa pinanggalingan ko."

"May mga bagong detalye naman na kami na nakuha pero kailangan pa ng kompirmasyon bago tayo gumawa ng hakbang. Ayaw rin ni Prinsipe Akiro na makatunog ang prinsesa na hinahanap na natin siya kaya mas makakabuti na planado ang lahat kasi baka maisahan tayo. Bukod sa impormasyon namin, idagdag mo pa ang lead na sinasabi mo patungkol sa babae na nakasama mo, problema nga lang sino ba sa mga babaeng nakasama mo ang tinutukoy mo?"

"Ewan ko! Well, we better find her soon, or else I am leaving."

—-

Linggo na naman ang lumipas pero wala pa rin bagong lead sa hinahanap nila kaya naman nabubuo na ang pasya ni Aldrick na magbalik na sa Genova. He doesn't want to be affected, but he is by the silent treatment that Atasha is giving him. Alam niya na mas makakabuti nga na hindi sila mag-usap pero hindi siya mapakali sa kaalaman na nagagalit ang prinsesa sa kan'ya.

"Anong balita sa pinapahanap ko na babae sa'yo, Nathan?"

"Sabi naman sa'yo ay napakahirap ng gusto mo na mangyari. Ilan babae rin ang nakasama mo simula  nang magbalik ka kaya lahat iyon ay kailangan namin na imbestigahan para makuha ang lead mo."

"Fuck!" Pabulong na sagot na lamang niya. Patuloy niya rin na inaalala ang mga babae na nakasama niya pero wala siyang matandaan kahit isa dahil hindi naman niya talaga tinatandaan ang mga iyon. He hates being attached to any woman.

"Ilabas mo siya dahil kailangan ko siya na makausap! Ilabas mo ang lalaki na iyon!" 

Naputol ang usapan nila at pagwo-work out nila ni Nathan ng isang komosyon ang narinig nila buhat sa may gate. Nagkatinginan pa sila saka nagsenyasan na puntahan ang kaguluhan. 

"Anong problema?" tanong agad ni Nathan sa guwardiya na nakabantay sa may gate.

"Good morning, Sir Nathan, ito kasing babae nagpupumilit na pumasok para makausap si Sir Aldrick."

"Me? Why?"

Sabay na napatingin ang dalawang lalaki kay Russia na napapalunok na lamang habang patuloy sa pagkabog ang kan’yang dibdib. Paano ba naman ay dalawang guwapong lalaki na walang suot na pang-itaas ang nagbabalandra ng mga abs nila sa harapan niya. Paano niya magagawa ang utos sa kan’ya kung nawawala na siya sa sarili niya ngayon pa lamang?

"Miss, anong sa atin?" Dagdag naman na tanong ng kasama ng lalaki na nasa litrato na ibinigay sa kan’ya. Pamilyar talaga sa kan'ya ang itsura nito ngunit hindi niya malaman kung saan niya nakita. "May problema ba?"

"O-oo." Bahagya pa siya na nautal sa pagsagot niya dahil sa matinding tensyon na nararamdaman niya.  "Kailangan ko siya na makausap." sabay turo niya kay Aldrick.

"Bakit? Ano ang kailangan mo sa kan'ya?" May pagtataka na sa boses ng lalaki habang ang sadya niya na si Aldrick ay nagsisimula nang magsalubong ang kilay.

"Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?" Nakakunot na ang noo ni Aldrick sa kan’ya habang hinihintay ang isasagot niya.

Parang malalaglag na ang puso ni Russia sa kaba habang hindi niya maiwasan na titigan ang kabuuan ng lalaki sa kan’yang harapan. Hindi niya alam kung paano siya magtatagumpay sa utos sa kan’ya o kung paano niya mapapaniwala ang lalaki sa sasabihin niya. 

Napaka-perfect ng lalaki sa harapan niya at sigurado siya na hindi ang tipo niya ang papansinin nito, lalo na at bubuntisin, kaya paano niya mapapapaniwala ang lahat sa pakay niya? Napalunok siya ng muli niya na padaanan ng tingin ang kabuuan nito na wala na ngang pang-itaas na damit na suot tapos idagdag pa na ang jogger pants nito ay sumisilip na ang v-line. Gusto nang mag-init ng pakiramdam niya lalo na at may mga butil-butil na pawis na nalalaglag at tumutulo sa magandang pangangatawan ng lalaki. 

"Almusal na almusal na ba ang dating, Miss?" Tanong ng kasama na lalaki ni Aldrick sa kan’ya na hindi niya namalayan na pinagmamasdan na pala ang pagkatulala niya sa lalaki.

"A-ano?" Kunyari ay tanong niya habang pilit na pinapakalma ang sarili niya. Lumunok muna siya saka matapang na hinarap si Aldrick. "Kailangan natin na mag-usap."

"Sino ka ba? Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Masungit na balik-tanong na sa kan’ya ni Aldrick na hindi na maipinta ang reaksyon ng mukha.

Nais na niya na talikuran ang dalawa at takasan na lamang ang lahat ng ito pero alam niya na si Eunice ang maiipit kapag ginawa niya iyon kaya wala siyang ibang choice kung hindi gawin ang utos sa kan’ya. Napalunok muna siya saka matapang na tinitigan si Aldrick at saka nagsalita.

"Kailangan natin na mag-usap dahil buntis ako at ikaw ang ama!"

aiwrites

Regular updates will start this month. This is a spin-off story of The Invisible Love of Billionaire kaya mas maganda po na mabasa ninyo rin iyon para maintindihan ang continuity nito. Although this is a stand-alone story ang iba kasi na scenes/dialogues ay related sa unang story. Keep supporting my stories. Thanks

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status