Share

MR. GRIFFIN

NANG masiguro ni Adrielle na kompleto na ang mga kailangan niya ay humakbang na siya patungo sa bintana kung saan siya dadaan patungo sa silid na ginagamit ni, Mr. Griffin, ang kilalang business tycoon na gustong ipatumba ng kalaban nito sa negosyo. Bago pa man lumapag sa airport ng Palawan ang sinakyan niyang eroplano ay naayos na ng Blade niya ang lahat, maging ang gagamitin niyang kuwarto. Siniguro nito na may maganda siyang access patungo sa kuwarto naman ni Mr. Griffin.

Bubuksan na sana niya ang sliding door na nagdudugtong sa silid at maliit na veranda sa labas nang maalala niyang may kulang pa nga pala.

Mabilis na naglakad pabalik sa kama si Adrielle at mula doon ay dinampot niya ang wireless headset pati na rin ang maliit na cellphone. Binuksan niya iyon at pumunta sa isang music app para maghanap ng upbeat music na p'wede niyang pakinggan habang ginagawa ang kanyang misyon.

Nang makakita ng kanta ay inilagay ni Adrielle sa kanyang tainga ang wireless headset pagkatapos niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status