Hawak hawak niya ang kamay ko habang nasa harap ang kanyang mga mata. Paminsan-minsan ay hinahalik halikan niya ito. I was just smiling the whole time. Ang buong akala ko ay kakain lang kami somewhere in the university, iyon naman pala ay dadalhin niya 'ko sa ibang lugar.
Saktong wala kaming pasok na dalawa bukas dahil sabado kaya gusto niyang dalhin ako sa Kalanggaman Island sa Palompon at sa linggo na kami uuwi. Sumang-ayon na rin ako para makapagrelax na rin dahil ramdam ko ang pagod sa huling semester ng taong ito.
Hindi pa 'ko nakakapunta roon kaya excited ako kung ano ang meron sa lugar na 'yon.
"You seems happy today, babe," wika ko dahil pansin ko ang ngiti niyang hindi mawala-wala.
"Syempre kasama kita, eh. Masyado ka kasing
I'm still not convinced of him telling me that that unknown number is just a friend, because if he's really just a friend, he would never hide his phone away from me. I felt something but I ignored it. He loves me and he will never do such thing that can hurt me. Nagpalipas ulit kami ng ilang oras sa hotel na aming tinuluyan nang dumating kami rito.We made love again and again, mabuti na lang at may nakatagong condom sa table. Nakakaloka dahil halos naubos namin ang isang box.Bandang alas tres ng hapon ay umuwi na kami. Tulog ako buong byahe dahil sa pagod. Nagising ako at ang unang bumangad sa akin ay ang mga mata niyang nakatitig sa akin.Agad kong hinawakan ang gilid ng aking labi, baka may laway eh! Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Inis ko siyang tinulak kaya mas lalo
Agad akong tumakbo papunta sa loob ng banyo nang marinig ko ang yabag niya pabalik sa loob ng aming kwarto. I was silently crying inside. Pigil na pigil ko ang aking hikbi, natatakot na baka marinig niya 'ko. I tried to wiped my tears away but they just keep on falling! Damn it!Gusto kong kalimutan ang mga narinig ko. Gusto kong sisihin ang sarili dahil kung hindi sana ako nakinig ay hindi ako masasaktan ng ganito, pero kahit takpan ko man ang aking tenga paulit ulit ko pa ring naririnig ang mga salitang binitawan niya.Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong malaman kung sino ang kausap niya. Gusto ko siyang murahin kasi nagsinungaling siya pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang tanggapin ang sagot niya. Hindi ko kakayanin kung sasabihin niya sa akin ang totoo.So, magbubulag-bulagan
Wala sa direksiyon akong tumakbo nang tumakbo. Hindi ko alam kong saan ako pupunta, basta ang alam ko, gusto kong tumakas sa sakit. Gusto kong takasan ang lahat. The heartbreak, the broken trust and the fact that he's bound to marry someone else.Paano na ang lahat? Iyong mga plano naming dalawa? Iyong sinabi niyang hindi niya ko sasaktan? Ano? Lahat ng 'yon mawawala na lang ng parang bula? Dahil sa pagod ay huminto ako at umupo. I covered my face by the used of my hands and cried my heart out. Ang sakit!Bakit hindi niya sinabi sa akin na ikakasal pala siya sa iba? At sa ex-girlfriend niya pa talaga, ah? Parang sinasakal ang puso ko kapag naaalala ko ang ginawa niya kanina. Nagtiwala ako sa kanya. Nagtiwala ako na kahit kailan hinding hindi niya 'ko sasaktan.Nagtiwala ako
Habang humahakbang ako papalayo sa kanya, hinahatak naman ako ng mga masasayang alaala pabalik sa mundo niya. Sobrang bilis ng panahon. Dati inaasar pa niya 'ko, ngayon ay hiwalay na kami. Kapag talaga masaya ka hindi mo napapansin ang panahon, pero kapag nasasaktan ka ramdam mo pa rin ang sakit na parang kahapon lang nangyari. Mahirap bumangon sa sakit lalo pa't nasanay ka sa presensya niya. Para akong bumabalik sa umpisa. Kaya minsan ayaw ko na rin talagang magmahal kasi parang paulit-ulit lang ang mga nangyayari. From strangers to friends, friends to lovers then lovers to strangers. Nakakapagod. Kung kailan pakiramdam ko siya na ang huli tsaka pa nangyari 'to.
"O-oh. Hinay hinay lang, Anna baka mabulunan ka." Si Keith. "Huwag mo 'kong pigilan! Nag e-emotional eating ako!" Wika ko habang sunod-sunod ang subo ko ng kanin. "Ibang klase," rinig kong bulong ni Aziel. Nang maubos ko na ang pangatlo kong serve ng kanin ay nagtaas ulit ako ng kamay nang makita ang waiter na may dalang unli rice. Laglag ang pangang nag-angat sa akin ng tingin ang dalawang mag-jowa sa harap ko. Gutom ako at the same time naiinis dahil sa nangyari kanina. Ang kapal ng mukha noong lalaking 'yon! Isa pa, wala namang bayad ang unli rice nila, ah! "Isa pa nga, please." "A-ah, heto po." I smirked. "Salamat."
Hindi ako makatayo. Nanghihina ako at hindi makapaniwala. Ilang beses ko ng sinampal ang sarili ko, umaasa na sana nasa isang masamang panaginip lang ako. Na sana may gumising sa 'kin pero wala. Niyakap ako ni Kuya. Pinapatayo para puntahan si Mama pero hindi ko ata kaya. Hindi ko kayang makita si Mama. Hindi ko matanggap na wala na siya."Anna..." si Kuya.Umiling ako. "A-ayoko... hindi ko kaya, Kuya."Dumating sina Ate at Papa, umiiyak na rin pagkatapos sabihin ni Kuya ang balita. Agad akong nilapitan ni Papa. Wala siyang sinabi kung hindi ay niyakap lang ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Papa ngayon. Tahimik lang siyang niyayakap ako. Habang sina Ate at Kuya pumasok sa loob ng morge kung saan nilipat si Mama."Anak..."
Lahat kami ay gulat at hindi alam ang gagawin. Galit na galit ang mukha ni Kuya. Kung nakakamatay man ang tingin ay baka matagal nang bumulagta si Harold Aquino."A-anong kinalaman ng Mama ko rito?" Gulat din niyang tanong.Mapaklang natawa si Kuya. "Huwag mong sabihin na hindi mo alam? Iyang Nanay mo ang nag-utos na patayin si Mama! Mga wala kayong puso!" ani Kuya at inambahan niyang susuntokin na naman si Harold Aquino."Jon! Tama na 'yan!" Sigaw ni Tito Teodorico."Hayop ka! Mga hayop kayo! Pinatay niyo ang Mama ko!"I bit my lower lip. Nagpupumiglas si Kuya sa pagkakahawak sa kanya habang sunod sunod ang pagbagsak ng kanyang luha.
For the past years of my life, my parents were there. Every milestone that I take and every success I achieved they were there, but I guess there are certain situation that is out of our control and plans that do not fall into place. Kagaya na lamang ng pagkawala ng mga magulang ko. That was out of my control. The shooting incident and my father's death.Masakit man mawalan ng mga magulang pero iyon ang reyalidad. The most painful reality is death and life is a beautiful lie. Though we can't deny the fact that because of life we experienced happiness, sorrows, regrets and to love.Sa paglipas ng panahon, unti unti ko na ring natanggap ang katotohanan na wala na nga sila. I was brought to a professional psychologist in Manila to overcome my trauma. Nilayo nila ako sa Leyte para maiba naman ang kapaligiran na nakikita ko, pero kahit anong