“Ate Mira, sigurado ba kayo’ng dito nakatira si Atty. Del Mirasol?” tanong ko sa dalawa ko’ng bantay.“Opo, sir, dito n’ya kami pinapunta noong nag-apply kami as bodyguards mo.”“Malaki rin pala ang bahay nila, ano, ang ganda pa ng lugar...”“Bababa ka na ba, sir?” tanong ni Ate Sol.Pumikit ako, huminga nang malalim ng ilang ulit, at saka dumilat `uli.“Game! Kayo na bahala kay Beck ha?” paalam ko habang niyayakap ang bhebhe ko.“Okay, Sir, tawag lang kayo `pag pauwi ka na.”“`Wag kayo’ng mag-alala, magpapahatid na lang ako kay Louie mamaya, p’wede na kayo’ng umuwi sa penthouse.”“Okay, pero maghihintay pa rin kami ng ilang minuto rito para sigurado.”“Sige, pero atras kayong konti, ha? Baka pauwiin agad ako ni Louie `pag nakita n’ya kayo.””Got it, sir!&rdquo
Naglagay si Blessing ng extra pinggan at kubyertos sa tabi ni Nathan. Sayang nga, eh, ang layo ko kay Louie, nasa dulo s’ya ng pahabang mesa, sa kabisera. Katabi n’ya si Nathan sa kanan at si Mercy sa kaliwa, habang nasa tapat ko naman si Ate Blessing. Pero okay lang, ang saya-saya ko na dahil nakasama ko’ng kumain ang pamilya n’ya! Sana start na `to nang pagiging pamilya namin! “`Wow, ngayon lang `uli ako makakakain ng diner na maraming kasama!” sabi ko sa pag-upo sa mesa. “Bakit? Wala ka bang ibang kasama sa bahay?” tanong sa `kin ni Ate Blessing. “May dalawang kuya ako, pero alpha sila pareho, kaya hiwalay silang kumakain sa `kin,” sabi ko habang sumasandok ng mechado. “Si Mama naman, laging kasama ang step Dad ko na madalas umaalis pa-abroad.” “So, sino’ng kasama mong kumakain?” tanong `uli ni Blessing. ”May Yaya ako, saka si Beck, lagi ko’ng kasama!” ”Beck?” tanong ni Nathan. ”`Yung alaga ko’ng rottweiler.” ”Ah... at nag-aaral ka sa Erminguard International School?” napa
“Okay, since you’re going to stay overnight, kailangan mo’ng sumunod sa rules ng pamamahay ko,” seryoso’ng sabi ni Louie matapos naming kumain. “Bawal mag-ingay, bawal magulo at pumasok sa kung saan-saang kuwarto, nine o-clock, lights out, dapat tulog ka na...”“Sobrang aga naman n’yan, pa,” sabat ni Nathan na dumaan sa likod ng inuupuan n’yang sofa sa den. “Para namang bata `yang kausap mo.”“Nathan, matulog ka na nga kung wala ka’ng magawa!” naiiritang sagot n’ya sa anak na tumatawang lumabas ng den. “And close the door!” habol n’ya rito. “You will be staying downstairs, sa guestroom namin.” patuloy n’ya pagkaalis ni Nathan.“Saan ang kuwarto mo?” tanong ko.“None of your business,” sagot n’ya. Mukhang mainit pa rin ulo n’ya dahil sa nangyari kanina.As if s’ya lang ang
Nagising ako kinabukasan sa katok sa pinto. ”Josh, bangon na, mag-ayos ka na at ihahatid na kita sa inyo.” tawag ni Louie na `di man lang pumasok sa kuwarto. Umikot-ikot ako sa kama at sininghot ang suot ko’ng oversized pajamas. Binigay n’ya `to sa `kin kagabi para isuot, matapos ko’ng magpunas at maghilamos. Amoy Louie ito! Kaya buong gabi, feeling ko, nakayakap sa `kin ang Louie ko! ”Josh?” tawag `uli ni Louie, ”Gising ka na –” Binuksan ko ang pinto bago pa n’ya matapos ang tanong n’ya. ”Goodmorning!” bati ko sa kan’ya. Nanlaki ang mga mata ni Louie na tinutubuan na ang balbas sa mukha. Gulo-gulo pa at nakatayo ang buhok n’ya at lukot ang suot n’yang pangtulog. Bumaba ang tingin n’ya at sinundan ko `yun sa nakalabas ko’ng balikat at pababa sa mga binti ko. Hindi ko kasi sinuot ang lower part eh, sobrang haba at luwag. ”Magbihis ka nga!” bigla s’yang umiwas ng tingin. ”Bihis naman ako, ha?” ngumuso ako sa kan’ya at tin
Pagdating sa kotse, pinangunahan agad ako ng sermon ni Louie. “Tandaan mo, ayoko nang may istorbo habang nagmamaneho ako, naiintindihan mo ba?!” tanong niya, at sa galit na tono ng pananalita n’ya, ay wala ako’ng nagawa kung `di tumango. ”Bawal lumampas sa upuan mo ang kamay mo, naiintindihan mo ba?” tango `uli. ”`Pag `yan lumampas, pipitpitin ko `yan at pabababain kita ng kotse, maliwanag ba?” ”Opo.” Binuhay na n’ya ang makina at inilabas ang kotse. ”Pano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira?” tanong ni Louie. ”Tinanong ko sina Ate Mira.” masaya ko’ng sagot, akala ko kasi `di na ako kakausapin ni Louie buong byahe. ”Ah, ganon? `Yan talagang mga bantay mo, puros mga kunsintidor!” sabi n’ya na mukhang galit. “A-ay... hindi naman... actually, pinilit ko sila’ng sabihin sa `kin ku’ng san ka nakatira!” agad ko’ng bawi, ”A-ayaw nilang sabihin nang una! Pero pinilit ko talaga sila!” “Hmph. Hindi pa rin nila dapat sinabi kung saan ang bahay ko. Private information `yun. At kung
”Halika Louie, tuloy ka!” masaya ko’ng hinatak si Louie sa loob ng penthouse, ”Ma?” tawag ko, ”Ma, nasaan ka?” ”Good morning po, Sir Joshua,” si Ate Valerie ang sumagot sa `kin, ”Wala po si Mama mo, sinundo s’ya kanina ng Daddy mo.” ”Ha? Ganon ba?” ”Pinapasabi po n’ya na babalik na s’ya sa bahay n’yo.” ”Mukhang nagkaayos na sila ng dad mo.” sabi ni Louie sa tabi ko. ”Sir, kakain po ba kayo? Ipapatawag ko po si Chef?” “Ah, hindi na, tapos na kaming kumain, thank you na lang, Ate Valerie.” “Sige po, Sir, tawag lang po kayo kung may roon kayo’ng kailangan.” “Pano ba `yan, Louie, wala pala si Mama?” Para ako’ng nabunutan ng tinik sa lalamunan! At least hindi s’ya mapapagalitan ni Louie! “That’s okay, matawagan na lang s’ya later when I get to my office...” tumingin s’ya sa relo n’ya at pabalik na sana sa elevator nang pigilan ko s’ya! “Ah, sandali!” hinatak ko ang braso n’ya, “`Di ba, sabi mo titignan mo ang laptop ko?” “Oo nga pala,” nakahinga ako nang malalim, “nasaan ba lapto
“O, kamusta ang trip mo sa palasyo ng iyo’ng al-fafa?” nakangising tanong sa `kin ni Rome nang magkita-kita kami sa canteen nang Lunes. Natawa ako sa term n’ya! “Ayun. Pinagalitan ako ng todo,” sagot ko. “Sa susunod daw, dapat magpaalam ako.” “Naku, eh, kamusta naman ang mga future step children n’yo?” “Ay, nakakatuwa sina Ate Bless at Nathan!” masaya ko’ng kuwento, “Ang bait-bait ni Ate Bless! Ang ganda-ganda n’ya at ang galing magluto! Si Nathan naman, ang pogi, younger version ni Louie! At saka ang smart n’ya at ang bait din!” “Eh, yung bunso?” tanong ni Rome, habang si Aveera na nakwentuhan ko na kagabi ay busy sa paglamon ng baon namin. “Ayun, medyo `di pa kami close, pero mukhang mabait din s’ya! At saka ang ganda-ganda n’ya! Mana sa omega mommy nila!” ”Kitams? Sabi ko sa `yo, eh! Kailangan mo lang maging smart!” pagmamalaki ni Rome. “Actually, mas umayos kami nang nagpakatotoo lang ako,” sabi ko sa kan’ya. “Kung ba’t kasi na mental-block ako nang umpisa at kung anu-ano an
Matapos ang last subject namin ay ipinatawag ako ni Principal Villa sa kan’yang office sa PA system. Nakakahiya nga, eh! Rinig na rinig sa buong campus ang pangalan ko! “Hmph, ano nanaman kaya ang irereklamo n’ya ngayon?” rinig ko’ng bulungan nina Sara sa paglabas ko ng classroom. Pagdating ko sa Principal’s Office, na sa loob na si Louie. “How was your classes?” tanong n’ya sa `kin. “Okay naman po...”napatingin ako kay Principal Villa na as usual, ay seryoso ang mukha. “Good afternoon po, Principal Villa.” bati ko rito. “Good afternoon. Take a seat.” Inilabas niya ang ilang mga papers. Namukhaan ko ang mga examination sheets ko. “I have here, Joshua Safiro’s midterm exams,” sabi ng principal, “and I am happy to say that he has made a lot of improvement.” Lumaki ang ngiti sa mukha ko. “I never doubted him,” sabi ni Louie na nakangiti rin, “also, I have faith that your institution would further bring out my client’s potential.” May tipid na ngiting lumitaw sa mukha ng aming p