Share

Lunch at Sebastian's Mansion

Gusto ko nang dumiretso sa Opisina ni Dreyk ngunit ang isip ko ay nakikipagtalo pa rin na kay Liset pumunta. Sa kaniya ko gustong malaman kung ano ang pakay niya sa asawa ko. Kaya naman bago pa ito makapasok sa elevator ay hinabol ko na agad siya.

“Liset.”

Taas kilay siyang tumugon sa pagtawag ko sa kaniya, na akala mo naman ay labis niyang ikinaganda ‘yon.

“Naayos mo na ang problema mo sa asawa ko?” deretsahan kong tanong sa kaniya. Hindi naman ito kaagad nakasagot, napatuon muna siya sa pagbukas ng elevator sa harapan namin.

“Bakit gusto mong malaman. Kung interesado ka, ba’t di mo direktang itanong sa asawa mo?”

Medyo nanggigil ako sa sagot niyang ‘yon, kahit hanggang ngayon ay nakikipagmatigasan pa rin siya sa akin. Bakit hindi na lang niya i-point out kung ano nga ba ang labis na ikinapuputok ng butsi niya sa akin? Sa umpisa naman ay siya ang may kasalanan sa akin.

“Sa sobrang aggresive mo kanina na makapasok dito, na halos lumuhod ka na sa mga gwardiya na mukhang sobrang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status