Share

What?

Napapatunganga na nga lang ako sa bawat sinasabi at ikinikilos ng mama ni Dreyk, para kasi itong ibang tao ngayon. Simula pagkarating ko’y hindi pa niya ako nagagawang tarayan o di kayang maliitin sa mga bagay na maiisipan na lang niya. Halos lahat ng ipinapakita nito ay good sides.

“Hmm. The best talaga ang menudo mo ma.” Puna ni Dreyk sa isa sa naging putahe sa hapag.

Hindi ako masyadong umiimik sa usapan nila habang nasa harapan ng pagkain, ang topic kasi ng dalawang lalaki ay tungkol sa business paminsan-minsan ay sumusingit ang mama ni Dreyk sa usapan. Ako na wala naman alam sa gano’ng takbo sa buhay ay tumutok na lang sa pagkain.

Tinikman ko nga rin ang menudo, and infairness ay masarap nga.

“Masarap ba Selene?”

Nabilaukan pa nga ako ng magtanong si Mrs. Sebastian kung naging masarap naman daw ba ang luto niya. And take note, in a nice tone pa niya ako in-approach.

“Oh, wife, are you okay?” Iniabot ni Dreyk ang isang basong tubig sa akin.

“Ahh, oo, ayos lang.”

“Naku, m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status