Share

Sino nga ba ang may sala?

“Makakauwi na tayo, Tiff.” Masaya kong bungad kay Tiffany pagkagaling ko sa nurse station upang ayusin ang Hospital bills namin sa nakalipas na apat na araw sa paglagi doon. Naabutan ko siya na nakatutok sa kaniyang cellphone, ni hindi niya pa ata narinig ang sinabi ko.

Nilapitan ko si Tiffany, sinilip kung ano ang tinitignan nito. At laking gulat ko nga nga tumambad sa akin ang ilang litrato ni Selene, hindi lang basta simpleng litrato iyon. Walang saplot ang asawa ni Dreyk habang nakahiga sa isang lamesa, at mayroong lalaki na nakatalikod mula sa camera, wala rin itong suot na damit.

Saan niya galing ‘yon?

Mabilis kong inagaw sa kaniya ang cellphone at in-scroll kung may iba pang litrato doon.

“Jeriko, amin na ‘yan!” Tila ba nagulat siya sa pagdating ko at lalo na sa pagkuha ko sa telepono niya.

“Jeriko.” Pilit niyang inaabot ‘yon, ngunit dahil sa mas matangkad ako sa kaniya ay wala siyang naging lakas para makuha sa akin iyon.

“Saan ‘to galing, Tiff? Bakit mayro’n ka nito?”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status