Share

Wedding day of Liset

Wedding Day.

“Bat ba kasi hindi tayo puwedeng pumasok? Sayang naman itong outfit ko, bakla.”

Napakaraming hinaing ni Zusie habang nasa loob kami ng kotse, sa labas ng simbahan kung saan nagaganap ang kasalan nina Patrick at Liset.

“Hindi talaga tayo invited, girl. Ano ka ba!” pagpapaalala ko sa kaniya.

“Gano’n ba ‘yon? Kahit makikain pala ay hindi natin magagawa?” Dismayadong sambit niya habang nakanguso pa.

“Ano, gutom ka lang? Mamaya kakain tayo sa labas.”

“Pero iba pa rin ang pagkain sa kasalan, bakla. Bongga ‘yon.”

“Oh, edi sige na mag gate crash ka na do’n, bahala ka.”

“Ito naman charot-charot lang, pero maiba ako. Puwede ka naman sumama kayDreyk sa loob. Wife ka na niya kaya kung invited siya ay sabit ka na ro’n.”

Naisip ko rin naman ‘yon, ako pa nga ang nagsabi na isama niya ako eh. Kaso, bigla ko ring naisip na ayaw ko na ng gulo. Tama na ‘yong pangbabalik ko sa kaniya sa fitting day niya, pass na ako sa sakit ng ulo.

“Bored kasi ako ngayon, baka nextime ko na lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status