Nagising ako na may humahalik sa balikat ko at batok ko. Gulat na napaupo ako para lang makita si Rodrigo na nakangiti sa akin. Nakabihis na siya ng pormal na damit niya at maayos ang buhok. “B-Bakit?” nagtatakang tanong ko. Inayos ko ang pagkakatakip ng kumot sa katawan ko. “Be ready. Mag-almusal ka na. May party tayong pupuntahan at kailangan kita roon.”Napakunot ang noo ko. “Party? Saan? Ano'ng meron?”“We're just celebrating dahil naumpisahan na ang paggawa ng resort. Ipapakilala na rin kita ng pormal sa mga tao bilang asawa ko.”Lalo akong nagtaka. Resort? Ibig sabihin natuloy ang resort na balak nilang gawin noon? Tumango ako at mahigpit na kumapit sa kumot ko. “I will go now. May mga pupunta rito para ayusan ka kaya kumain ka na, ha?” aniya pa at hinalikan ako sa ulo. Hindi ako sumagot at tumungo lang. Hinintay kong lumabas siya bago ako muling napahiga. Aalis na naman kami? Mula noong magreklamo akong gusto ko ulit makalabas ay palagi na niya akong sinasama. Madalas kamin
Halos malula ako noong makita ko ang magarang yate na nakaparada sa may daraungan. Mukha na nga iyong barko pero hindi naman malaki. Nakababa ang bukana niyon at may nakikita akong ilang mga pumapasok na taong nakasuot ng magarang mga damit. May mga nakita pa akong media at photographer sa bukana na kinukuhaan ang mga pumapasok. Malapit ng magdapit-hapon kaya unti-unti nang napapansin ang kumikinang na mga ilaw na nagmumula sa yate. “Jane!” Napatingin ako sa may gilid ko noong may tumawag sa akin. Si Rodrigo na malapad ang mga ngiti. Naglakad siya papalapit sa akin. Agad niyang ipinulupot ang mga kamay sa baywang ko at hinalikan ako sa labi. “You’re… Dashing, Jane,” aniya habang manghang-maha na nakatingin ako sa akin. Sa unang pagkakataon ay nag-init ang mga pisngi ko dahil sa puri niya sa akin. Ngayon ko lang din kasi nakita na walang pagnanasa kung tingnan ako ni Rodrigo.“S-Salamat,” mahinang tugon ko. “Come on? Gusto ka nang makilala ng mga kaalyado ko.” Tumango ako. Kumapit
A few days agoHindi mapakali si Jane habang naghihintay na makitang umalis ang nakaparadang kotse ni Rodrigo sa tapat ng mansyon. Panay ang lakad niya sa loob ng kaniyang silid. Ilang sandali pa ang kaniyang hinintay bago siya naglakad palabas ng kwarto upang tingnan kung nakaalis na ba ang asawa. Tumigil siya noong nasa tapat na siya ng silid nito. Bahagyang inilapat ni Jane ang kaniyang tainga sa pinto at pinakiramdaman ang asawa. Noong wala siyang narinig ay pumasok siya roon at hinanap ito. Wala na ang binata. Napangiti si Jane. Nagmamadali siyang lumabas ulit at bumaba sa hagdan. Hindi na nga niya nakita pa ang sasakyan ni Rodrigo kaya hinanap na niya si Clarixto, ang tiyuhin ni Rodrigo. Nakita niya ito sa study room ni Rodrigo. “Sir Navarro,” tawag ni Jane sa matanda. Napatigil naman si Clarixto sa pag-aayos ng gamit at tumingin kay Jane. “Oh, Jane. Do you need something?” Isinara ni Jane ang pinto ng kwarto at naglakad palapit sa matanda. “Ahm. Sir–” “Uncle.” Alanganing
Dala-dala ang timba na paglalagyan ng nahuling mga isda ng kaniyang ama. Ang batang si Moymoy ay nagmamadaling naglalakad papunta sa kanilang bangka. Lumalalim na kasi ang gabi ngunit hindi pa rin sila nakakapag-asikaso para sa kanilang paglaot. Ngayon ang unang gabi na sasama siya sa paglaot ng kaniyang ama kaya mababakas ang pagkasabik sa kaniyang mukha. “Sana marami kaming huli!” masayang sabi ni Moymoy. Tumingin siya sa langit. Natatakpan ng ulap ang buwan. Saktong-sakto dahil bulag ang mga isda ngayon at mukhang makakarami sila ng huli. Lalo siyang nasabik kaya inayos na niya ang dala-dala niyang mga gamit. Pagkatapos ni Moymoy ay napatingin siya sa karagatan. Nangunot ang noo niya noong may natanaw niyang kumikintab na bagay mula sa dagat. Papalapit iyon sa dalampasigan at mukhang inaanot. Kinuha niya ang flashlight at naglakad papunta sa dulo ng bangka nila kung saan nakalutang na ang bangka. Mariin niyang sinipat ang bagay na iyon hanggang mapagtanto niyang tao ang kaniyang
Three years later“This is ridiculous, Rodrigo! Una mong inalis ang mga pasugalan natin. Tapos gusto mong isunod ang planta?!” galit na galit na tanong ni Clarixto sa pamangkin. Maaga pa lang ay sinugod na niya ito sa mansyon dahil nalaman niyang ipinapasara naman ng binata ng planta ng drugs nila. Nag-aalala siya dahil halos lahat ng mga pinagkakakitaan nila ay inaalis na nito. “Gusto mo bang maghirap tayo?!” Huminga nang malalim si Rodrigo. Walang pakealam na kumagat siya sa hotdog na kaniyang almusal ngayon. “Sit down, Uncle. Let’s eat.” “Rodrigo!” Bumuntonghininga na si Rodrigo at binitawan ang kubyertos na hawak niya. Seryosong tiningnan niya ang tiyuhin. “Ano ba ang gusto mo?” Naupo si Clarixto at tinitigan ang pamangkin. “Why are you doing this? Bakit ka nagkakaganito? Dahil pa rin ba ‘to kay Jane?” “Shut up,” mahinang sabi ni Rodrigo. Biglang nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. “Patay na siya, Rodrigo! It’s been five freaking years!” galit pa rin na sabi ni Clarixto.
“J-Jane… Buhay ka!” umiiyak na sabi ni Rodrigo. Akma niyang hahawakan ang dalaga ngunit bigla itong tumayo at kinarga ang bata. “Thank you,” matipid na tugon ng babae at tumalikod na kay Rodrigo. “Wait, Jane! Ako 'to. Ang asawa mo!” Pinigilan ni Rodrigo na umalis ang babae. “Let me go!” Pinandilatan ng babae si Rodrigo. “What do you think you're doing?”Nangunot ang noo ni Rodrigo. Pinahid niya ang mga luha sa kaniyang mga mata. Bigla siyang nagtaka noong makita walang emosyong mga mata ni Jane. Hinding-hindi niya ito makakalimutan. Naging blonde man ang buhok nito at kilalang-kilala niya ito. Mula sa mga titig niya at hugis ng mukha. Si Jane ang nasa harapan niya. Ang asawa niya!“A-Ako ‘to, Jane. Si Rodrigo!” Hinawakan niyang muli sa braso ang babae pero inalis lang iyon nito. “Ang tagal-tagal kitang hinanap, Jane. Hindi ako nawalan ng pag-asa.”“I'm sorry, sir. I think you are mistaken. I don't know who Jane is.”Lalong nagtaka si Rodrigo. Ibang-iba ang postura ni Jane ngayon. K
Five years agoPawisan at hinihingal na nagmulat ng mga mata si Jane. Para siyang biglang nagising mula sa isang matagal na pagkatulog. Nangunot ang noo niya noong makita niyang nasa hindi pamilyar na lugar siya. Gawa sa kahoy ang dingding at may malaking bintana sa gilid niya na may nakatukod na kawayan. Nakita niya rin sa kaniyang paanan ang maliit na pasukan na walang pinto. Tanging isang mahabang kurtina lamang ang naroon na kulay pula. Napadaing si Jane noong makaramdam siya nang matinding kirot sa kaliwang balikat niya. Doon lamang niya napansin na iba na ang kaniyang kasuotan. Nasaan ako? Ano’ng nangyari? Napalunok siya. Nanunuyo na ang kaniyang lalamunan kaya napaubo siya nang kaunti ngunit mas lalo lamang iyong kumati. Ang huling na aalala niya ay nasa yate siya. Agad na naikuyom ni Jane ang kaniyang palad noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Traydor ka, Clarixto! Ang sama mo! Nangilid ang mga luha ni Jane. Hindi niya maiwasang mamuhi dahil sa nangyari. Parehas sil
Present time“We’re here,” ani Jane. Tinanggal na niya ang seatbelt at bumaba ng kotse. Binuksan niya ang pinto sa tabi ng anak at ibinaba ito sa kotse. Agad na tumakbo ang bata papunta sa pinto ng isang malaking bahay. Kinuha naman ni Jane ang mga pinamili niya sa likod ng kotse at binuhat iyon papasok sa loob. “Oh, my baby is here!” malamyos na sabi ng isang lalakeng may matinis na boses. Ipit na ipit iyon na para bang sa babae. Agad na tumakbo si Renz dito at niyakap. “Mamu!” masiglang sabi ni Renz. Napatingin si Rico kay Jane na may bitbit na maraming paperbag. “Wait. I will help your mommy.” Binitawan niya muna si Renz at nilapitan si Jane. Kinuha niya ang ilang dala ni Jane at pumasok na sila sa loob. Si Rico, ang lalakeng may pusong babae na naging kaibigan ni Jane. Ito ang tumulong kay Jane na magkaroon ng bagong buhay kaya malaki ang utang na loob dito ng dalaga. Ito ang nagbigay ng pag-asa sa kaniya. “Ang dami niyo naman pa lang pinamili. I should have joined you.” Hin