Dala-dala ang timba na paglalagyan ng nahuling mga isda ng kaniyang ama. Ang batang si Moymoy ay nagmamadaling naglalakad papunta sa kanilang bangka. Lumalalim na kasi ang gabi ngunit hindi pa rin sila nakakapag-asikaso para sa kanilang paglaot. Ngayon ang unang gabi na sasama siya sa paglaot ng kaniyang ama kaya mababakas ang pagkasabik sa kaniyang mukha. “Sana marami kaming huli!” masayang sabi ni Moymoy. Tumingin siya sa langit. Natatakpan ng ulap ang buwan. Saktong-sakto dahil bulag ang mga isda ngayon at mukhang makakarami sila ng huli. Lalo siyang nasabik kaya inayos na niya ang dala-dala niyang mga gamit. Pagkatapos ni Moymoy ay napatingin siya sa karagatan. Nangunot ang noo niya noong may natanaw niyang kumikintab na bagay mula sa dagat. Papalapit iyon sa dalampasigan at mukhang inaanot. Kinuha niya ang flashlight at naglakad papunta sa dulo ng bangka nila kung saan nakalutang na ang bangka. Mariin niyang sinipat ang bagay na iyon hanggang mapagtanto niyang tao ang kaniyang
Three years later“This is ridiculous, Rodrigo! Una mong inalis ang mga pasugalan natin. Tapos gusto mong isunod ang planta?!” galit na galit na tanong ni Clarixto sa pamangkin. Maaga pa lang ay sinugod na niya ito sa mansyon dahil nalaman niyang ipinapasara naman ng binata ng planta ng drugs nila. Nag-aalala siya dahil halos lahat ng mga pinagkakakitaan nila ay inaalis na nito. “Gusto mo bang maghirap tayo?!” Huminga nang malalim si Rodrigo. Walang pakealam na kumagat siya sa hotdog na kaniyang almusal ngayon. “Sit down, Uncle. Let’s eat.” “Rodrigo!” Bumuntonghininga na si Rodrigo at binitawan ang kubyertos na hawak niya. Seryosong tiningnan niya ang tiyuhin. “Ano ba ang gusto mo?” Naupo si Clarixto at tinitigan ang pamangkin. “Why are you doing this? Bakit ka nagkakaganito? Dahil pa rin ba ‘to kay Jane?” “Shut up,” mahinang sabi ni Rodrigo. Biglang nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. “Patay na siya, Rodrigo! It’s been five freaking years!” galit pa rin na sabi ni Clarixto.
“J-Jane… Buhay ka!” umiiyak na sabi ni Rodrigo. Akma niyang hahawakan ang dalaga ngunit bigla itong tumayo at kinarga ang bata. “Thank you,” matipid na tugon ng babae at tumalikod na kay Rodrigo. “Wait, Jane! Ako 'to. Ang asawa mo!” Pinigilan ni Rodrigo na umalis ang babae. “Let me go!” Pinandilatan ng babae si Rodrigo. “What do you think you're doing?”Nangunot ang noo ni Rodrigo. Pinahid niya ang mga luha sa kaniyang mga mata. Bigla siyang nagtaka noong makita walang emosyong mga mata ni Jane. Hinding-hindi niya ito makakalimutan. Naging blonde man ang buhok nito at kilalang-kilala niya ito. Mula sa mga titig niya at hugis ng mukha. Si Jane ang nasa harapan niya. Ang asawa niya!“A-Ako ‘to, Jane. Si Rodrigo!” Hinawakan niyang muli sa braso ang babae pero inalis lang iyon nito. “Ang tagal-tagal kitang hinanap, Jane. Hindi ako nawalan ng pag-asa.”“I'm sorry, sir. I think you are mistaken. I don't know who Jane is.”Lalong nagtaka si Rodrigo. Ibang-iba ang postura ni Jane ngayon. K
Five years agoPawisan at hinihingal na nagmulat ng mga mata si Jane. Para siyang biglang nagising mula sa isang matagal na pagkatulog. Nangunot ang noo niya noong makita niyang nasa hindi pamilyar na lugar siya. Gawa sa kahoy ang dingding at may malaking bintana sa gilid niya na may nakatukod na kawayan. Nakita niya rin sa kaniyang paanan ang maliit na pasukan na walang pinto. Tanging isang mahabang kurtina lamang ang naroon na kulay pula. Napadaing si Jane noong makaramdam siya nang matinding kirot sa kaliwang balikat niya. Doon lamang niya napansin na iba na ang kaniyang kasuotan. Nasaan ako? Ano’ng nangyari? Napalunok siya. Nanunuyo na ang kaniyang lalamunan kaya napaubo siya nang kaunti ngunit mas lalo lamang iyong kumati. Ang huling na aalala niya ay nasa yate siya. Agad na naikuyom ni Jane ang kaniyang palad noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Traydor ka, Clarixto! Ang sama mo! Nangilid ang mga luha ni Jane. Hindi niya maiwasang mamuhi dahil sa nangyari. Parehas sil
Present time“We’re here,” ani Jane. Tinanggal na niya ang seatbelt at bumaba ng kotse. Binuksan niya ang pinto sa tabi ng anak at ibinaba ito sa kotse. Agad na tumakbo ang bata papunta sa pinto ng isang malaking bahay. Kinuha naman ni Jane ang mga pinamili niya sa likod ng kotse at binuhat iyon papasok sa loob. “Oh, my baby is here!” malamyos na sabi ng isang lalakeng may matinis na boses. Ipit na ipit iyon na para bang sa babae. Agad na tumakbo si Renz dito at niyakap. “Mamu!” masiglang sabi ni Renz. Napatingin si Rico kay Jane na may bitbit na maraming paperbag. “Wait. I will help your mommy.” Binitawan niya muna si Renz at nilapitan si Jane. Kinuha niya ang ilang dala ni Jane at pumasok na sila sa loob. Si Rico, ang lalakeng may pusong babae na naging kaibigan ni Jane. Ito ang tumulong kay Jane na magkaroon ng bagong buhay kaya malaki ang utang na loob dito ng dalaga. Ito ang nagbigay ng pag-asa sa kaniya. “Ang dami niyo naman pa lang pinamili. I should have joined you.” Hin
“Jane!” Dali-daling nilapitan ni Rico ang kaibigan. Mabilis niyang inagaw ang gunting na hawak nito at itinapon sa malayo. Nakahinga siya nang maluwag noong makita na galos pa lang ang nagagawa nito sa sarili. “What are you doing?!” galit na tanong ni Rico kay Jane. Muling napahagulhol si Jane. Itinulak niya si Rico. “Let me go!” aniya at tatayo sana. Ngunit hinawakan lang ni Rico ang baywang nito ang pinaupo. “Stop it, Jane!” Pilit na pinaupo ni Rico si Jane. Hinawakan niya ang mga kamay nito noong nagpumiglas pa rin ito sa kaniya. Sa huli ay lumuhod siya at niyakap din si Jane. “Please…” naluluhang sabi ni Rico. Umiling-iling si Jane. “I-I can’t, Rico. H-Hindi ko na kayang bumalik sa kaniya. Hindi ako babalik sa kaniya! Mas maigi pang mamatay na lang ako!” hinagpis niya. Sobrang bigat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit na anong pilit niyang h’wag pansinin ang pagkikita nila ni Rodrigo ngunit hindi niya iyon magawa. Lahat ng mga paghihirap na sinapit niya kay Rodrigo ay bigla
Nagmamadaling pumasok si Rodrigo sa hotel room kung saan siya pansamantalang nakatuloy. Hinubad niya ang suot na long suit niya at inahihagis iyon sa kama. Lumapit siya sa lamesa sa may terrace niya kung nasaan ang bote ng alak at isang baso. Nagsalin siya roon at tinungga ang alak. Hinihingal na umupo siya sa malambot na sofa at napasadal doon. Tumitig siya sa kisame saka pilit na pinakalma ang sarili. “Jane…” bulong niya. Pumikit siya at muli niyang nakita sa kaniyang isipan si Jane. Wala pa rin itong pinagbago pero mas gumanda ito ngayon. Litaw na litaw ang karisma nito dahil sa kulay ng buhok nito. Gusto niya iyon. I need you, Jane… I will take you again. Alam ni Rodrigo na hindi umamin ang dalaga tungkol sa pagkatao ito. Ngunit hindi rin siya pwedeng magkamali. Si Jane ang nakita niya. Kahit magpalit pa ito ng kulay ng buhok. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya ito. Biglang bumigat ang paghinga ni Rodrigo. Nakaramdam siya nang kakaibang init kaya napaupo siya
Nagising si Jane na mabigat ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya maimulat nang maayos ang kaniyang mga mata dahil namamaga iyon. Bumuga siya ng hangin at tumitig lang sa kisame. Napakagat siya ng kaniyang labi noong maalala niya na nakita niya si Rodrigo. I had a breakdown again, I guess, malungkot na sabi niya sa kaniyang isipan. Doon lang din niya naramdaman ang bahagyang pagkirot ng kaniyang braso. Limang taon, hindi pa rin pala siya maayos. Ang akala ni Jane ay handa na siya kung sakali mang magkita sila ulit ni Rodrigo. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nawawala ang takot niya rito. At hindi na ata mawawala pa ang traumang iniukit sa kaniya ng binata. Ilang minuto pa siyang nahiga roon bago niya naisipang tumayo na sa kama at bumaba. Nasa hagdan pa lang siya ay na aamoy na niya ang aroma ng pinipritong manok. Pagtingin niya sa kusina ay nakita niya si Rico na kumakanta-kanta pa habang nagluluto. Napatingin ito sa kaniya. “Finally, the sleeping beauty is aw