Share

Can I Have This Dance 2

Kinabukasan, nandito ako ulit sa café at pagkatapos kong ibigay ang order ng isa sa mga customer namin sa kitchen,

Chingling, tunog ng chimes.

"Good morning Sir—"

Napatigil ako saglit sa bati dahil sa taong pumasok. Bwiset. Kalma lang Xania. Yung ngiti mo. Baka mawala.

"We-welcome to Hounded Pastry Café again Sir," pilit kong ngiti sa tsonggo. "Ri-right this way," at ginabay siya sa isang bakanteng upuan.

Nakakainis naman. Bakit na naman siya nandito? Ibibigay ko pa lang ang menu nang,

"No need. I'll have my usual," sabi niya bigla kaya napatigil ako.

Prinoseso ko ang sinabi niya bago,

"Ah right away Sir," sagot ko na lang at pumunta sa kusina para sabihin ang order.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o makakahinga ng maluwang dahil hindi siya tulad kahapon na hindi man lang makapag-desisyon.

Nanatili na naman siya sa café buong araw at pasara na kami nang tanungin niya ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status