Chapter 17
XANIA
Yung hapon na iyon na umuwi ako galing sa eskwelahan pagkatapos ng Christmas Party namin, kaysa dumiretso ako sa trabaho, naghanap ako ng tagong lugar kung saan pwede maglabas ng sama ng loob, maging beast mode.
Hindi ako umiyak sa sinabi ng mga tsonggo. Sanay na ako sa tabas ng dila niya sa tagal kong naging alalay este personal assistant ng tsonggong iyon. Kung balat sibuyas ako, matagal na dapat akong umalis sa trabahong iyon. Pero ngayon, sumosobra na talaga siya.
Na-late akong nakarating sa café na ikinataka ni Ma'am Safira at Axton at pinaulan ng mga tanong nila kung anong nangyari sa akin. Syempre sinabi ko ang totoo na kinailangan ko lang maging beast mode. Nung tinanong nila kung bakit, hindi ko sinabi ang buong kwento. Naasar lang ako sa isang tao, sagot ko lang at hindi na sila nagtanong muli.
Yung tungkol naman sa regalo niya, nung alas dyes ng gabi pagkatapos ng trabaho, umuwi muna ako para ilagay iyon sa kwarto
Kinabukasan, nandito ako ulit sa café at pagkatapos kong ibigay ang order ng isa sa mga customer namin sa kitchen,Chingling, tunog ng chimes."Good morning Sir—"Napatigil ako saglit sa bati dahil sa taong pumasok. Bwiset. Kalma lang Xania. Yung ngiti mo. Baka mawala."We-welcome to Hounded Pastry Café again Sir," pilit kong ngiti sa tsonggo. "Ri-right this way," at ginabay siya sa isang bakanteng upuan.Nakakainis naman. Bakit na naman siya nandito? Ibibigay ko pa lang ang menu nang,"No need. I'll have my usual," sabi niya bigla kaya napatigil ako.Prinoseso ko ang sinabi niya bago,"Ah right away Sir," sagot ko na lang at pumunta sa kusina para sabihin ang order.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o makakahinga ng maluwang dahil hindi siya tulad kahapon na hindi man lang makapag-desisyon.Nanatili na naman siya sa café buong araw at pasara na kami nang tanungin niya ang
Nagulat ang lahat sa sinabi niya at nagsimulang mag-usap-usap ang mga kaklase namin. Promenade, ano yun? Naiinom ba yan?Nang magsalita ang guro tungkol sa event na iyon, doon ko lang naintindihan. Ah, sayawan. Party ba kung baga.Tinawag bigla ng guro ang president namin para pag-usapan ang group performance namin dahil sabi nila, bawat seksyon ng graduating students ay dapat may group performance sa araw na iyon.Hanggang sa huli, napagkasunduan ng lahat na sasayaw kami ng waltz. Naku naman. Kung may isa kayong dapat malaman tungkol sa akin, parehas na kaliwa ang mga paa ko sa mga ganito. Hindi ako marunong sumayaw.Dahil sa kailangang pares-pares ang sayaw na ito, at dahil sa mas marami ang babae sa mga lalaki, napagkasunduan nila na lahat ng lalaki ay dapat may partner at ang mga babae na walang partner ay may sariling sayaw at pwedeng makipalit sa partner ng isang lalaki. So kung baga, dalawang babae ang pwedeng maging partner ng isang lalaki. Pero b
Chapter 18Hala, naku naman. Nabuko na. Paano naman kasi, pagkatapos ng practice namin kahapon, hindi ko alam kung bakit kahapon ko rin lang naisip na tanungin si Tsong."Uy Tsong, anong oras ulit itong ano uhm anong tawag ulit sa party na ito?""You mean the prom?" sagot niya naman."Ah oo yang ano prom. Anong oras ulit sa Sabado?" tanong ko."6 ng gabi," sagot niya."Ah. Tapos anong oras matatapos?""Hanggang 12 midnight," sagot niya muli.Nagulat ako at napatingin sa kanya."Ano ulit?""12 midnight. Alas dose. Teka bakit ba?" pagtataka niya.Hindi naman ako nakaimik.Kaya ayan, nabuko na. Kainis naman. Dapat kasi nakinig ako ng mabuti nung pinag-uusapan nila ito eh. Bakit ba ako lutang nung mga oras na iyon?"You're not just my P.A," sabi niya. "You're unique, and you are very special
Pagkatapos kong magpalit, nagpaalam din kami paalis dahil mukhang nagmamadali ang tsonggo. Nakapagpasalamat naman ako sa kabarkada niya at nangako na babayaran ko siya pero sinagot niya ako."No need," ngiti niya sa akin. "Sinabi ko na ngang libre, binayaran pa rin ako ni Vince. Alam mo, bagay talaga kayong dalawa."Nagtaka naman ako sa sinabi niya habang naglalakad kami papunta sa kotse. Pagka sakay namin,"Uy Tsong, magkano yung dress?" tanong ko."Cactus, wear your seatbelt," sagot niya naman at ginawa ko naman.Nang paandarin niya ang makina ng kotse, "Uy Tsong, magkano na kasi yung dress?" tanong ko ulit."Cactus, I'm driving," sagot niya so tumahimik ako.Nang tumigil siya dahil sa pulang ilaw,"Tsong, magkano nga kasi yung damit?"Naglabas siya ng buntong hininga. "Hindi ka talaga titigil noh?" irita niyang tanong pabalik.Tumahimik ako pero hindi niya pa rin ako sinagot. Nang mai-park niya ang kotse niya s
Dumating ang araw ng pinakahihintay ng mga Grade 12 students. Halos lahat ng estudyante ay naghanda para sa parating na prom mamayang alas sais ng gabi sa isang hotel.In Xania's case, nang mabalitaan ng halos lahat ng katrabaho niya sa café ang tungkol sa prom na iyon, walang sabi-sabi na si Iris ay nag-request kay Ma'am Safira na mag close muna ang café para lang ayusan si Xania. Hindi sila pupunta sa isang parlor para lang ayusan siya. Hindi sa wala silang pera, sadyang matatalim lang talaga ang buhok ni Xania kaya isang katulad niya na beast ang kailangan ding mag-ayos sa kanya.Nang matapos siyang maayusan sa tulong ni Axton, Yune, Willow at Iris,"Guys, I present to you..." sabi ni Iris. "...ang dalagang Xania!"Sabay lumabas siya sa kwarto kung saan siya inayusan, at nagulat ang halos lahat."Witwew," sipol ni Lizar. "Wow Xania. Chicks,""Hoy Lizar. Huwag kang bastos ah," sabi ni Iris."Hoy nagsasabi lang ako ng t
Chapter 19XANIAHindi ako makagalaw sa lugar ko ngayon, dahil nasa harapan ko ang lalaking ito. Ang tahimik pa nga ng buong lugar pagkatapos niya lang tumugtog. Eh bakit nga ba kasi nandito sa harap ko ang taong ito?"Xania..." tawag niya rason para bumalik ako sa katotohanan. At ang boses niya na iyon ang bumasag sa katahimikan."Tso-tsong," utal ko namang sagot. "Uhm, bakit nandito ka sa harap ko?" maang kong tanong.He chuckled pagkatapos. Hah? Mukha ba akong nagpapatawa? Kinakabahan nga ako na parang ewan sa ginagawa niya eh."Xania, in case you're not aware, that song is for you," English niya.Ah okay. So yun lang yun? Kaya siya naglakad mula sa stage papunta rito para sabihin iyon sa akin?"Uhm, salamat?" alinlangan kong sagot dahil sa totoo lang, hindi talaga ako sigurado kung bakit niya ako kinantahan.Ngumiti lang siya pabalik. Uhm okay... may dapat ba siyang ikasaya? Sandali, ano bang nangyayari? Bakit parang
Walang nagawa ang apat at tumambay na lang sa pinakamalapit na restaurant to have their breakfast. Habang lamon ng lamon si Zend sa pagkaing in-order niya, the other 3 are eating peacefully at their place… except that one of them is just too peaceful dahil tulala naman ito sa kaharap niyang pagkain. Syempre dahil sa magkakatabi silang nakaupo, pansin ng tatlo iyon."Vince, tingin mo pupunta yan sa bunganga mo mag-isa kung titignan mo lang buong oras?" pilosopong tanong ni Zend sabay subo ng kanin. Pagkalunok niya, "Kung hindi mo yan kakainin, akin na lang tol."At kukunin na niya sana ang plato nang walang reklamo ang kausap pero, Pak!"Aray," sakit na saad ni Zend habang hawak-hawak ang nasaktang kamay. "Ano ba Clyne.""Zend, umayos ka," sagot naman ni Clyne. "Hindi ka ba marunong magbasa ng sitwasyon?"Naglabas naman ng buntong hininga si Usher."So, mind us telling the reason why you have to call the 3 of us?" tanong ni Usher. "Bak
Chapter 20XANIASabihin niyo nga sa akin, kung hanggang ngayon, sa oras na ito na niyakap na naman ako bigla ng lalaking ito umagang-umaga, hindi pa rin ba kayo nagtataka sa mga kilos niya?Nang humiwalay siya, hinawakan niya ang dalawa kong balikat. "Are you okay?" tanong niya na puno ng pag-aalala.Hindi naman ako nakaimik sa gulat."Xania, I'm asking if you are okay," dagdag niya. "May masakit ba sa iyo? Nasugatan ka ba? Don't even try to lie to me—""Tsong okay lang ako," sagot ko naman para tumigil siya. Pero,"Are you sure?" dagdag niya pa."Tsong, ano bang problema mo hah? Umagang-umaga tinatanong mo ako kung okay lang ako? Baka ikaw ang hindi okay dito Tsong. Ano bang nangyari sa iyo hah?" mga tanong ko naman sa kanya.Napatigil siya at nakatingin lang sa akin pabalik, nang bigla siyang huminga ng maluwang. "You're fine," sabi niya."Bakit, hindi ba dapat?" tanong ko naman."You tell me Xania