Kinabukasan, ganun nga ang ginawa ng tatlo. Vince texted the two na mag-meet muna sila sa bahay niya at pagkarating nga ng dalawa, saka sila sumakay sa kotse ni Vince at pumunta sa lugar na gusto niyang puntahan.
Pagkarating nga sa lugar na iyon, nagulat ang dalawa kung saan sila.
"Di nga Vince? Dito talaga tayo unang pupunta para hanapin yang pangatlong bagay na sinabi mo—"
Hindi natapos ni Zend ang kanyang sasabihin dahil nakalabas na ng kotse si Vince. Lumabas naman ang dalawa at kita na naglalakad na palapit sa isang yellow tape si Vince.
"Uy teka lang Vince," habol naman ni Zend at Clyne.
Vince went under the yellow tape na nakapaligid pa rin sa lugar na pinupuntahan nila ngayon.
"Vince, alam namin na dito mo nakita yung tatlong bagay na iyon kaya bakit dito ang una nating pinuntahan?" tanong ni Clyne.
"To look around," simpleng sagot ni Vince.
"Ha? Bakit pa?" mga tanong naman ni Zend. "Ilang beses na nating inikot a
Pagkatapos nilang sabihin ang kanilang mga order, tumalikod din si Xania para ibigay ang order sa kitchen at babalik na sana siya muli para asikasuhin ang ibang customer nang may kamay na kumuha sa braso niya."Teka sandali..." she reacted at the person pulling her away from the dining area and inside an area where they can talk privately."Ano ba Tsong. Saan mo ako dinadala?" tanong ni Xania sa kanya.Tumigil din siya nang makitang silang dalawa na lang ang nasa silid. Binitawan din ni Vince ang braso ni Xania at hinarap siya."Ano bang problema mo Tsong—""Look, I'll have you know na sinubukan kong pigilan sila Zend, Clyne at Usher na huwag nang pumunta rito. I didn't even know na nandito rin pala si Toca at Xoey," paliwanag ni Vince.Nagtaka si Xania. "Uhh… okay? Uhm so mga kaibigan mo sila?""Well yeah," sagot ni Vince."Okay," pagtataka pa rin ni Xania. "Eh di... bakit mo sinasabi ito sa akin?"Naglabas
Chapter 13Ding dong. Tunog muli ng door bell."Papunta na," sabi naman ni Manang Gina."Sandali Manang," sabi naman ni Vince na kinatigil ni Manang Gina. "Hold that thought first Usher. I'll get the door."Nagtaka naman ang dalawa sa inasta ni Vince. Normally, he always let Manang Gina get the door pero siya pa talaga ang nagpatigil sa kanya. Siguro may hinihintay siyang bagay na i-deliver sa kanya... is it?Pagkarating ni Vince sa gate,"Sino yan Manong?" tanong ni Vince sa guard."Ah si Miss Xania po Sir," sagot ng guard na kinagulat ni Vince.Binuksan niya ang pinto ng gate at nagulat nang makita siya. Nagulat din pabalik si Xania at nagtitigan pa ang dalawa."Uhm uhh...""What are you doing here?" seryosong tanong ni Vince."Ah ano kasi—""Are you here to spy on me again?" dagdag na tanong ni Vince.Nagulat si Xania. "Hah? Spy on me? Ano ka ba Tsong. Andito ako para mag-deliver."
Lumipas ang katahimikan sa pagitan nila. Wala ni isa ang nagsalita, kahit mula nang umupo si Xania sa tabi niya. Tanging tunog lang ng mga alon na bumabagsak sa pangpang ang naririnig.Hindi awkward sa una ang katahimkan na namagitan sa kanila, pero ngayong ramdam na ni Vince ang presensya ng katabi niya at hindi siya nagsasalita para man lang basagin ang katahimikan, doon na siya sinimulang makaramdam ng awkwardness sa pagitan nila. Kaya siya na ang nauna."Cactus, naniniwala ka ba sa sirena?" tanong bigla ni Vince na kinabasag ng katahimikan.Nagtaka naman si Xania sa tanong niya. "Sirena? Bakit, nakakita ka? Kaya ka naghihintay dito?""Hindi sa ganun," sagot ni Vince. "May isang gabi kasi na muntikan na akong malunod pero pagkagising ko, andito na ako sa pangpang, nakahiga sa buhangin..."Nagulat si Xania sa sinabi ni Vince."...pwede ba yun na pag wala kang malay sa ilalim ng dagat, ma wa-wash-out ka na lang bigla dito sa pangpang?"
Chapter 14XANIAUmagang-umaga, nandito ako ngayon sa harap ng entrance ng eskwelahan para hintayin siya. Kung sa mga dati nagagawa kong pumunta rito para maghintay sa kanya dahil oo na, nag-alala ako sa kanya, ngayon, nandito ako dahil inutusan niya ako kahapon. Parte raw ng dare niya eh.Naku naman. Kinakabahan ako bigla sa magiging dare ng badboy prince na iyon. Ano kayang iniisip nun? Anong klaseng pampahirap ang ipapagawa niya sa akin?Nang mahagilap ko agad ang itim niyang kotse na pumapasok sa gate ng eskwelahan, mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Naku ayan na nga. Ayan na ang tsonggo!Pagka-park niya ng magara niyang kotse, agad siyang lumabas doon na may dala-dalang damit na nakasabit sa isang hanger at nakabalot ng plastic. Dahil sa ganun, automatic naman itong katawan ko na lapitan siya para tulungan. Nang mapansin niya ako, bigla niyang tinapon sa akin ang damit. Buti nga nasalo ko."Ano ito?" tanong ko naman."Dam
Nilapag ko muna ang tray sa mesa bago kinuha iyon. "Ano na naman ito?" sabay kuha."Malamang damit. Ano na naman sa tingin mo, basahan?"Bwiset. Okay na siya kanina eh. Nagiging tsonggo na naman ito. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na hindi siya suntukin eh."Yan naman ang susunod mong susuotin. Puti yan na maid uniform," dagdag niya."Puti? Bakit puti? Eh hindi kaya maganda ito na kulay dahil madaling mamantsahan.""At yun na nga ang point dahil ang susunod kong challenge sa iyo..." sabi niya at biglang ngumisi siya sa akin. "...susuotin mo iyan bago ka kumain. And at the end of our classes, dapat wala akong makikitang ni isang mantsa diyan sa puting maid uniform na iyan.”Nagulat ako. "Teka, anong mangyayari kung na-mantsahan ko nga ito?"Mas lalong lumaki ang ngisi sa tsonggo niyang mukha."Extended ng isang araw ang dare ko sa iyo."Mas lalo akong nagulat. Magrereklamo na sana ako pero... hindi na ako
Chapter 15The next day happened, at pagpasok ni Vince sa eskwelahan, sa totoo lang... nag-expect siya na makita niya ang Cactus na iyon sa pinto na hinihintay siya, kahit wala siyang utos.Pero halata ang dismaya sa mukha niya nang wala nga siya roon. And with that, he is back to his reality, that today is indeed Xania's dare na hindi sila magpapansinan buong araw.Habang naglalakad siya sa hallway, hindi niya maiwasang tignan ang tabi niya baka sakaling may taong kasama siyang naglalakad... pero wala eh. Bakit nga ba kasi napatingin siya sa tabi niya?Pagkarating sa classroom, napatigil muna siya sa pintuan nang makita niya si Cactus na nakaupo na sa kanyang upuan at tulala sa harap niya.Gusto niya sana na kahit iglapan lang sana siya ng babae, pero umiwas pa ito at inikot ang kanyang ulo sa kabilang direksyon. Nagsimulang mairita si Vince dahil doon pero this time... siya naman ang magtitiis.Tiis? What are you talking abou
Chapter 16XANIAPagkapasok ko ng Biyernes ng umaga papunta sa eskwelahan, hinintay ko ang tsonggo sa entrance. Wala man siyang inutos kagabi pero dahil sa nangyari...Bigla-bigla niya na lang akong yinakap."Hu-huy Tsong. Anong gingawa mo—""God," singit niya naman. "I f*cking missed you," mura niya pa.Na kinagulat ko ng sobra.Kainis. Gusto kong humiwalay sa kanya nung mga oras na iyon pero hindi ko alam kung bakit nanatili kami na ganun ng ilang minuto. Sa tindi talaga ata ng gulat ko. Bakit kasi bigla-biglang mangyayakap na lang ang tsonggong iyon? Ganun ba talaga ang mga tsonggo? Bwiset.Miss me? Miss me raw? Ang OE lang. Minsan, hindi ko na talaga alam kung anong iniisip nun. Eh sa tsonggo kasi ang nilalang na iyon.Pero kung magtatanong kayo kung bakit ako nandito ngayon... wala lang. Hindi, ang ibig kong sabihin ay dahil ano... dahil ano... kasi...A
"Bago tayo magbunutan, magkano muna budget para sa gift?" tanong ni president.Nagsabi naman ang iba hanggang sa huli, humigit kumulang sa 300 pesos. Buti nga hindi ganun kamahal."So para sa bunutan, bring out ⅛ sheet of paper tapos isulat niyo mga pangalan niyo," utos ni president at ganun nga ginawa namin.Pagkasulat, may dala-dala siyang container at umikot siya at tumapat sa bawat isa sa amin para ilagay ang papel. Pagkalagay naming lahat, kinalog muna ng president ang nakatakip na container at isa-isang pumunta ang mga estudyante sa harap."Prince Vince Victorino," tawag ng president sa prinsipe. Iba talaga ang tsonggo. Kailangang may prince kung tawagin.Tumayo naman siya at naglakad papunta sa harap. Akala ko magrereklamo ang tsonggong ito na kailangan niya pang tumayo pero hindi ko alam kung bakit, parang biglang naging tensyonado ang lahat nang nasa harap na siya. Halos lahat ng babae ay nakatitig at pinagmasdan ang bawat galaw niya sa ha