"Bago tayo magbunutan, magkano muna budget para sa gift?" tanong ni president.
Nagsabi naman ang iba hanggang sa huli, humigit kumulang sa 300 pesos. Buti nga hindi ganun kamahal.
"So para sa bunutan, bring out ⅛ sheet of paper tapos isulat niyo mga pangalan niyo," utos ni president at ganun nga ginawa namin.
Pagkasulat, may dala-dala siyang container at umikot siya at tumapat sa bawat isa sa amin para ilagay ang papel. Pagkalagay naming lahat, kinalog muna ng president ang nakatakip na container at isa-isang pumunta ang mga estudyante sa harap.
"Prince Vince Victorino," tawag ng president sa prinsipe. Iba talaga ang tsonggo. Kailangang may prince kung tawagin.
Tumayo naman siya at naglakad papunta sa harap. Akala ko magrereklamo ang tsonggong ito na kailangan niya pang tumayo pero hindi ko alam kung bakit, parang biglang naging tensyonado ang lahat nang nasa harap na siya. Halos lahat ng babae ay nakatitig at pinagmasdan ang bawat galaw niya sa ha
Ngayon sa trabaho, wala si Iris pagkarating ko at hindi ko alam kung bakit. Kaming dalawa lang ni Lizar ang natira at buti nga konti lang ang mga customer ngayon. Patapos na kami sa araw na ito sa trabaho sa café at kakalabas lang ng huling customer. Inaayos na namin ang mga mesa nang,"May nakaiwan," sabi bigla ni Geoffrey kaya kami napatingin sa kanya."Saan?" tanong naman ni Lizar."Table 14," sabi naman ni Geof at gamit ng mga binti ni Lizar, tumalon siya mula roon.Nagulat na lang ako nang gamitin niya ang mahaba niyang dila para kunin iyon. Ano ba yan. Pwede naman kasing pulutin di ba Lizar? Buti walang tao ngayon."Isang wallet," sabi niya pagkakuha.Nagulat ako muli. Shacks. "Bilis, tignan mo agad yung laman baka may ID," sabi ko.Napabukas naman si Lizar at nagulat."Bakit? Kanino raw?" tanong ko.Hindi siya umimik kaya napalapit ako sa kanya."Ang laki..." sabi niya kaya napatigil ako.Napa
Chapter 17XANIAYung hapon na iyon na umuwi ako galing sa eskwelahan pagkatapos ng Christmas Party namin, kaysa dumiretso ako sa trabaho, naghanap ako ng tagong lugar kung saan pwede maglabas ng sama ng loob, maging beast mode.Hindi ako umiyak sa sinabi ng mga tsonggo. Sanay na ako sa tabas ng dila niya sa tagal kong naging alalay este personal assistant ng tsonggong iyon. Kung balat sibuyas ako, matagal na dapat akong umalis sa trabahong iyon. Pero ngayon, sumosobra na talaga siya.Na-late akong nakarating sa café na ikinataka ni Ma'am Safira at Axton at pinaulan ng mga tanong nila kung anong nangyari sa akin. Syempre sinabi ko ang totoo na kinailangan ko lang maging beast mode. Nung tinanong nila kung bakit, hindi ko sinabi ang buong kwento. Naasar lang ako sa isang tao, sagot ko lang at hindi na sila nagtanong muli.Yung tungkol naman sa regalo niya, nung alas dyes ng gabi pagkatapos ng trabaho, umuwi muna ako para ilagay iyon sa kwarto
Kinabukasan, nandito ako ulit sa café at pagkatapos kong ibigay ang order ng isa sa mga customer namin sa kitchen,Chingling, tunog ng chimes."Good morning Sir—"Napatigil ako saglit sa bati dahil sa taong pumasok. Bwiset. Kalma lang Xania. Yung ngiti mo. Baka mawala."We-welcome to Hounded Pastry Café again Sir," pilit kong ngiti sa tsonggo. "Ri-right this way," at ginabay siya sa isang bakanteng upuan.Nakakainis naman. Bakit na naman siya nandito? Ibibigay ko pa lang ang menu nang,"No need. I'll have my usual," sabi niya bigla kaya napatigil ako.Prinoseso ko ang sinabi niya bago,"Ah right away Sir," sagot ko na lang at pumunta sa kusina para sabihin ang order.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o makakahinga ng maluwang dahil hindi siya tulad kahapon na hindi man lang makapag-desisyon.Nanatili na naman siya sa café buong araw at pasara na kami nang tanungin niya ang
Nagulat ang lahat sa sinabi niya at nagsimulang mag-usap-usap ang mga kaklase namin. Promenade, ano yun? Naiinom ba yan?Nang magsalita ang guro tungkol sa event na iyon, doon ko lang naintindihan. Ah, sayawan. Party ba kung baga.Tinawag bigla ng guro ang president namin para pag-usapan ang group performance namin dahil sabi nila, bawat seksyon ng graduating students ay dapat may group performance sa araw na iyon.Hanggang sa huli, napagkasunduan ng lahat na sasayaw kami ng waltz. Naku naman. Kung may isa kayong dapat malaman tungkol sa akin, parehas na kaliwa ang mga paa ko sa mga ganito. Hindi ako marunong sumayaw.Dahil sa kailangang pares-pares ang sayaw na ito, at dahil sa mas marami ang babae sa mga lalaki, napagkasunduan nila na lahat ng lalaki ay dapat may partner at ang mga babae na walang partner ay may sariling sayaw at pwedeng makipalit sa partner ng isang lalaki. So kung baga, dalawang babae ang pwedeng maging partner ng isang lalaki. Pero b
Chapter 18Hala, naku naman. Nabuko na. Paano naman kasi, pagkatapos ng practice namin kahapon, hindi ko alam kung bakit kahapon ko rin lang naisip na tanungin si Tsong."Uy Tsong, anong oras ulit itong ano uhm anong tawag ulit sa party na ito?""You mean the prom?" sagot niya naman."Ah oo yang ano prom. Anong oras ulit sa Sabado?" tanong ko."6 ng gabi," sagot niya."Ah. Tapos anong oras matatapos?""Hanggang 12 midnight," sagot niya muli.Nagulat ako at napatingin sa kanya."Ano ulit?""12 midnight. Alas dose. Teka bakit ba?" pagtataka niya.Hindi naman ako nakaimik.Kaya ayan, nabuko na. Kainis naman. Dapat kasi nakinig ako ng mabuti nung pinag-uusapan nila ito eh. Bakit ba ako lutang nung mga oras na iyon?"You're not just my P.A," sabi niya. "You're unique, and you are very special
Pagkatapos kong magpalit, nagpaalam din kami paalis dahil mukhang nagmamadali ang tsonggo. Nakapagpasalamat naman ako sa kabarkada niya at nangako na babayaran ko siya pero sinagot niya ako."No need," ngiti niya sa akin. "Sinabi ko na ngang libre, binayaran pa rin ako ni Vince. Alam mo, bagay talaga kayong dalawa."Nagtaka naman ako sa sinabi niya habang naglalakad kami papunta sa kotse. Pagka sakay namin,"Uy Tsong, magkano yung dress?" tanong ko."Cactus, wear your seatbelt," sagot niya naman at ginawa ko naman.Nang paandarin niya ang makina ng kotse, "Uy Tsong, magkano na kasi yung dress?" tanong ko ulit."Cactus, I'm driving," sagot niya so tumahimik ako.Nang tumigil siya dahil sa pulang ilaw,"Tsong, magkano nga kasi yung damit?"Naglabas siya ng buntong hininga. "Hindi ka talaga titigil noh?" irita niyang tanong pabalik.Tumahimik ako pero hindi niya pa rin ako sinagot. Nang mai-park niya ang kotse niya s
Dumating ang araw ng pinakahihintay ng mga Grade 12 students. Halos lahat ng estudyante ay naghanda para sa parating na prom mamayang alas sais ng gabi sa isang hotel.In Xania's case, nang mabalitaan ng halos lahat ng katrabaho niya sa café ang tungkol sa prom na iyon, walang sabi-sabi na si Iris ay nag-request kay Ma'am Safira na mag close muna ang café para lang ayusan si Xania. Hindi sila pupunta sa isang parlor para lang ayusan siya. Hindi sa wala silang pera, sadyang matatalim lang talaga ang buhok ni Xania kaya isang katulad niya na beast ang kailangan ding mag-ayos sa kanya.Nang matapos siyang maayusan sa tulong ni Axton, Yune, Willow at Iris,"Guys, I present to you..." sabi ni Iris. "...ang dalagang Xania!"Sabay lumabas siya sa kwarto kung saan siya inayusan, at nagulat ang halos lahat."Witwew," sipol ni Lizar. "Wow Xania. Chicks,""Hoy Lizar. Huwag kang bastos ah," sabi ni Iris."Hoy nagsasabi lang ako ng t
Chapter 19XANIAHindi ako makagalaw sa lugar ko ngayon, dahil nasa harapan ko ang lalaking ito. Ang tahimik pa nga ng buong lugar pagkatapos niya lang tumugtog. Eh bakit nga ba kasi nandito sa harap ko ang taong ito?"Xania..." tawag niya rason para bumalik ako sa katotohanan. At ang boses niya na iyon ang bumasag sa katahimikan."Tso-tsong," utal ko namang sagot. "Uhm, bakit nandito ka sa harap ko?" maang kong tanong.He chuckled pagkatapos. Hah? Mukha ba akong nagpapatawa? Kinakabahan nga ako na parang ewan sa ginagawa niya eh."Xania, in case you're not aware, that song is for you," English niya.Ah okay. So yun lang yun? Kaya siya naglakad mula sa stage papunta rito para sabihin iyon sa akin?"Uhm, salamat?" alinlangan kong sagot dahil sa totoo lang, hindi talaga ako sigurado kung bakit niya ako kinantahan.Ngumiti lang siya pabalik. Uhm okay... may dapat ba siyang ikasaya? Sandali, ano bang nangyayari? Bakit parang