Share

Maid for a Day 2

Nilapag ko muna ang tray sa mesa bago kinuha iyon. "Ano na naman ito?" sabay kuha.

"Malamang damit. Ano na naman sa tingin mo, basahan?"

Bwiset. Okay na siya kanina eh. Nagiging tsonggo na naman ito. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na hindi siya suntukin eh.

"Yan naman ang susunod mong susuotin. Puti yan na maid uniform," dagdag niya.

"Puti? Bakit puti? Eh hindi kaya maganda ito na kulay dahil madaling mamantsahan."

"At yun na nga ang point dahil ang susunod kong challenge sa iyo..." sabi niya at biglang ngumisi siya sa akin. "...susuotin mo iyan bago ka kumain. And at the end of our classes, dapat wala akong makikitang ni isang mantsa diyan sa puting maid uniform na iyan.”

Nagulat ako. "Teka, anong mangyayari kung na-mantsahan ko nga ito?"

Mas lalong lumaki ang ngisi sa tsonggo niyang mukha.

"Extended ng isang araw ang dare ko sa iyo."

Mas lalo akong nagulat. Magrereklamo na sana ako pero... hindi na ako

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status