Share

Under the Rain 2

Nagulat ako sa utos niya sabay napatingin sa tatlong bruha na biglang napayuko ng mga ulo sa hiya at hindi makatingin sa akin.

Alam niyo yun. Gusto ko silang ilaglag. Gustong-gusto kong piliin hindi lang yung isa kundi silang tatlo para makita nila ang bangis ng badboy prince nila pero... napatingin ako kay Tsong. Teka, bakit niya ulit ginagawa ito?

"Well then, choose Xania," galit na saad sa akin ni Tsong. At kaaga-aga, galit na ang tsonggo. Ilang minuto pa lang ang lumipas. Wala talagang pinagbago.

Naglabas na lang ako ng buntong hininga. "Wala akong pipiliin." sagot ko na kinagulat niya.

"Hah?" pagtataka niya.

"Sinabi ko na nga. Wala akong pipiliin," ulit ko.

"What do you mean wala kang pipiliin? Wala ba sa tatlong ito ang tinutukoy ko kaya hindi ka makapili?" tanong naman niya.

"Pwede ba Vince huwag ka nang umakto parang bata diyan," sagot ko naman. Oo, tinawag ko siya sa pangalan niya. "Kalimutan na lang natin iyon. Pagod na ako.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status