Natulala si Rose sa mga sinabi ni Nikolas, at hindi niya alam kung paano mag-rereact dahil hindi niya inaasahan ang biglaan nitong pag-amin. Hindi niya man lang naihanda ang sarili. Sa maikling panahon na nagkasama sila ay wala siyang inaasahang aabot ng ganito ang nararamdaman sa kanya ng binata.Malayo siya sa magiging tipo nito. Ano nga ba ang panama niya sa klase ng buhay na mayroon ito. A nobody like her don't deserve him."Nabibigla ka lang, Nikolas..." nasabi niya, ang kanyang mukha ay puno ng gulat at pagkabigla. "Imposible ang sinasabi mo—"Hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Nikolas ang magkabilaan niyang pisngi, ngumiti ito ng bahagya. "Gusto mo bang malaman kung ano ang dahilan kung bakit ako umalis?""Nikolas, hindi sa—""Dahil sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa 'yo. I tried holding back my feelings for you dahil sa pagkakaibigan natin pero narealize ko, wala naman akong dapat na ikatakot, hindi ba? Alam kong maraming proseso para magustu
Sa gitna ng kalmadong gabi, habang ang kaladilim ay sumisilay sa paligid, si Rose ay nakaupo sa isa sa mga upuan doon sa terasa habang ang ukulele na bigay ni Nikolas ay nakapatong sa kanyang kandungan. Tinitingnan niya ang mga nagkikislapang bituin. Ang mahinang pagtugtog ng mga kuwerdas ay nagpaparamdam ng kalinawan sa katahimikan ng silid, a soothing melody that matched the rhythm of her thoughts.She couldn't shake off the heaviness in her heart from the earlier conversation with Nikolas. Ang bawat salitang binitawan nito ay malinaw pa sa kanya, stirring up a whirlwind of emotions that she struggled to make sense of.Gusto niyang maniwala, pero binabagabag siya ng kanyang puso. Bakit napakahirap magdesisyon?Napabalik siya sa kanyang kamalayan nang marinig ang pagbukas ng pintuan at nang lingunin niya iyon ay nakita niya si Xavion, ang kanyang pagdating ang nagpabasag sa katahimikan. Nakatayo lang ito roon, ang kanyang mga braso ay nakalapat sa kanyang dibdib. Malamig ang ekspresy
Damang-dama ang galit ni Don Stevino nang sumulpot ito sa headquarters ng Cirrino Lazaro. Ang kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan ay nakatayo sa harap niya, ang mga ulo ay nakayuko sa kahihiyan, habang inaabangang ibunton nito sa kanila ang kanyang galit.Lumapit ito sa nangunguna sa grupong iyon."Binigyan ko kayo ng isang simpleng gawain," nagngangalit si Don Stevino, "Isang gawain, at hindi mo man lang magawa."Pagkuwa'y pinagsusuntok nito iyon, walang nangahas na kumibo. Nagpalitan ng sulyap ang mga subordinates ni Don Stevino, alam na alam ang kahihinatnan ng kanilang pagkabigo. Minamaliit nila ang grupo nina Xavion at Draco, at ngayon ay nahaharap sila sa galit ng kanilang makapangyarihang amo."G-Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya, Don Stevino," nakipagsapalaran ang isa sa mga lalaki, nanginginig ang boses sa takot. "Pero hindi sila basta-basta. Iilan lamang sa amin ang nagawang makaligtas." pahayag nito.Ang mga mata ni Don Stevino ay kumislap sa galit. "Excuses!" umun
Sa pagsilip ni Xavion sa bintana, napansin niya ang pumaradang sasakyan na pagmamay-ari ni Draco. Nakakunot ang kanyang noo habang patungo sa pinto. "What are you doing here?" Mapurol at mapang-utos ang boses ni Xavion na sumasalamin sa kanyang walang kwentang kilos. Bumaba si Draco sa sasakyan. "Just dropping by to see Rose," kaswal niyang sagot. Bago pa makasagot si Xavion, lumabas si Rose sa bahay, her curiosity piqued. Her eyes moving between Xavion and Draco. Draco offered a charming smile nang makita niya ang dalaga, he extended his hand. "Hi, I'm Draco," pakilala niya, friendly at mapang-imbita ang tono. "He's no one," matalim na pagsingit ni Xavion, napatitig kay Rose. "You can go inside." Rose shot Xavion a questioning look, sensing the tension in the air, pero sumunod na lang din siya at tumungo sa kusina. Nang mawala na siya sa paningin ng dalawa, bahagyang napawi ang ngiti ni Draco. Huminga siya ng malalim, itinaas niya ang kanyang mga balikat, pinatibay ang sarili pa
Nanatili ang tensyon sa pagitan nina Xavion at Nikolas. Nakatutok ang matatalim na tingin ni Xavion sa kaibigan na para bang isa itong malaking banta sa kanya. Simula ng mawala ito sa kanyang paningin ay malaki ang nagbago, hindi niya lubos maintindihan kung ano ang nais na mangyari nito. Sinubukan ni Rose na i-diffuse ang bigat sa kapaligiran. "Kumain kaya muna kayo? Hangga't mainit pa." mungkahi niya, kumislap ang matingkad na ngiti niya. Tumango si Nikolas bilang pagsang-ayon, sa kagustuhang bawasan ang nararamdamang tensyon. "That sounds like a great idea," he chimed in, shooting a friendly smile at Xavion. Tumango si Xavion at nag-atubiling sumunod sa kanila sa sala. Habang nakaupo sila sa komportableng upuan, Draco couldn't resist the opportunity to stir the pot further. "So, Nikolas, what have you been up to lately?" kaswal na tanong niya, kumikinang ang mga mata sa kalokohang naiisip. Nagkibit-balikat si Nikolas, panandaliang sinusulyapan ng tingin si Xavion bago bumalik k
Sa mga sumunod na araw ay hindi mapigilang magtaka ni Rose sa mga ikinikilos ni Xavion. Habang tumatagal ay tila mas lalo itong nagiging protective sa kanya. Hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit tila't mas lalong nagiging mahigpit si Xavion kapag nariyan si Nikolas. Sa tuwing magkasama sila ni Nikolas, napapansin niya ang pagbabago sa kilos ni Xavion. Tila'y mas lalong nagiging alerto ito at hindi pumapayag na lumalapat sa kanyang balat ang palad ni Nikolas. Kahit na wala namang masamang nangyayari, nararamdaman ni Rose ang pagtanggap ng kanyang asawa ng mas malalim na pag-aalala sa kanya. Bagay na ikinakabahala niya. "Hindi ka ba natatakot sa pagbabantay niya sa iyo?" tanong ni Nikolas nang minsang mapag-isa sila sa terrace. Huminga siya ng malalim at binalingan ang nakakarelax na tanawin sa baba. Hinawakan niya ang kanyang malaking tiyan. "Anong ibig mong sabihin?" "I think he's jealous." Tumawa ng pagak si Nikolas. Rose scoffed with the thought. Imposible ang sinasabi nito.
Nang makita nila ang doktor na nakaupo sa isa sa mga sofa, Rose greeted her with a warm smile. Xavion stood by the doorway, his arms crossed over his chest, a stoic expression on his face. "Good afternoon, Doc," bati niya rito habang pababa sila ng hagdan. Maingat naman siyang inaalalayan ni Nikolas sa bawat paghakbang niya. "Good afternoon, Rose. How have you been feeling?" nakangiting lumapit ito sa kanya at inalalayan na rin siya. Huminga siya ng malalim, ang kanyang kamay ay nakahawak sa kanyang malaking tiyan. "Okay lang naman po ako, Doctor. Medyo exhausted lang," Habang patuloy na chinicheck ng doctor ang kalusugan ni Rose at ng baby niya, nakaagapay lang si Nikolas sa tabi niya, offering words of encouragement her. Samantalang si Xavion ay nanatili ang distansya habang matalim na nakamasid sa eksena sa harapan niya. After a thorough check-up, ngumiti ng matamis ang doctor sa kanya. "Sa nakikita ko, you're doing good naman, Rose. Just make sure na kumain ka ng mga pagkaing
Sa loob ng ospital, while waiting for their turn for the ultrasound procedure, ramdam ni Rose ang kaba sa kanyang dibdib. Ito ang unang pagkakataon na makapasok siya sa lugar na ganito, at hindi maiwasang maramdaman siya ng takot. Mabuti na lamang at hindi madami ang nakapila roon. Katabi niya si Xavion, "Xavion, kinakabahan ako," sambit ni Rose, habang naglalakad sila patungo sa waiting area. "Relax, Rose. Nothing's gonna happen to you," walang emosyong sagot nito sa kanya. Naglakad sila papunta sa upuan, at pumwesto sila sa dulo. Ramdam niya ang pamamasa ng kanyang palad. Samantala, habang naghihintay sila, pinagmamasdan ni Xavion si Rose, na hindi mapakali sa kanyang upuan. "Are you really that nervous? I told you we shouldn't have gone here." giit nito. Marahas siyang umiling, "Hindi, okay lang ako. Isa pa, nandito naman na tayo," sagot niya, pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang kaba. "Just calm down, everything will be fine. I'll be accompanying you inside, okay?" Hinawaka