Share

CHAPTER FIVE

CHAPTER FIVE

"SO, ano? Maghapon akong nakaposas sa'yo? Galing, Labanos. Galing," asik ko at inirapan sya. Muli kong sinubukang alisin ang kanang kamay ko sa posas ngunit gaya ng dati ay walang nangyari doon.

Ang kaliwa nyang kamay ang nakahawak sa isang manibela samantalang kanan naman ang pinanghahawak ko sa kabila. Ang kamay naming nakaposas ay nakaalalay sa upuan.

Nginisihan lamang nya ako na tila ba tuwang-tuwa sa kalagayan namin ngayong dalawa. Just heaven? We're not couple for San Pedro's sake! Bwisit na manager 'yan! Hatakin ba naman ako papunta sa counter para sa promo ng café at pinag-out na ako kahit na hindi pa tapos ang shift ko matapos kong lumayo roon dahil alam ko na kung ano ang mangyayari after that scene. I was relieved dahil nang hilahin kami papunta sa counter ay nasa labas na noon sila Jasper kaya't hindi na nya ako nakita. As if naman intiresado ako sa promo-ng iyon. Itaga man sa bato, hindi kailanman iyon ikakukuha ng intires ko. That kiss... is really ew ew. Hindi sya masarap humalik. Panis ang laway nya panis.

Bakit ka naman kasi nagpahalik?

I don't know. Don't ask me. I'm not him.

Chuserang Maxi. Hindi raw alam? Bakit ka naman humalik pabalik? Masarap kasi. Right?

Umirap ako sa hangin. Bakit ba palaging may side comment itong konsensya o isang bahagi ng isip ko? Chismosa ang peg.

"Bangasan ko kaya 'yang pagmumukha mo nang mawala 'yang ngisi mo?" angil ko at bahagyang kinurot ang kanang kamay nya na nakaposas. Kainis. Hindi man lang nawala ang ngisi nya sa panget nyang mukha. Kapag hindi ako nakapagtimpi, ibabagsak ko 'tong Chinese bike sa paa nya. Sinasagad talaga ako ng promo na 'to dahil ultimo ang kulay ng bisekleta ay pula. Just heaven!

Inilihis ko ang kamay ko nang maramdam ko ang paglalapat ng palad nya sa ibabaw ng kamay ko. Sinamaan ko sya ng tingin. "Chansing pa, Labanos. Chansing pa." Ngumisi lamang iyon at itinuloy ang pagsusubok na hawakan ang kamay ko. Dahil sa inis ay hinila ko ang kamay ko kaya't napasama ang kamay nya. Inirapan ko sya matapos nyang dumaing dahil sa ginawa ko. "Buti nga sa'yo." Hindi ko na pinansin ang namumula nyang kamay.

Mabuti naman at huminto na sya. Isa pa talaga'y ibabagsak ko na itong bike sa gawi nya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad na masama ang itsura ko. Papunta kaming presinto para ipatanggal ang pesteng posas na 'to. Sabi kasi ng kasamahan ko na nasa counter ay wala raw sa kanila ang susi ng mga posas. Kami na raw ang bahala na ipatanggal o tanggalin iyon. Hindi naman ako naniwala na wala nga sa kanila. Imposible iyon dahil kung wala nga sa kanila ang susi, they won't in to this. Para pa naman kaming kriminal sa kulay niyon. Silver.

Wala na atang magandang nangyari sa araw na 'to. Puro kamalasan. I don't know now when to experience luckiness. Simula nang makilala ko ang Mestisong Mongoloid na 'yon, hindi na ako tinantanan ng malas. It kept following me around kahit saan ako magpunta. Yes, this last year of my college life isn't boring as before pero hello...sagad-sagaran naman ito. Hindi lang kamalasan ang sunod nang sunod pati na rin ang kabwisitang dala ng Labanos na 'yon. Hindi ko itatanggi na nag-e-enjoy talaga ako sa simula pa lang pero kasi hindi na ako nasisiyahan.

Higit pa sa atensyon ko ang nakukuha nya. Pati ang puso ko na nakalaan para sa taong iniwanan ko noon dahil hindi hindi pa ako handang bumalik ngayon ay kinukuha nya. Umalis lang ako para mag-lie low, to move on for something at babalik din ako. Not the same me, but the same feelings for him. Pero mukhang malabo na ang plano kong 'yon because someone is taking his place. Ang nakakairita sa bagay na 'yon ay bakit sa taong kinaiirita at kinabubwisitan ko pa? Why to my enemy? Why him?

I came back from my reverie as I've heard a flash. Napalingon ako kay Labanos. Obviously, nasa kanya ang DSLR. The cam is still in his left hand, raise to his left eye. Isang ngisi ang matatagpuan roon. Kaya pala medyo bumagal ang pagtutulak namin ng bike.

Tiningnan ko sya nang masama. How dare he?

"Saya ka na nyan, Labanos? Happy?" asik ko, taas ang kilay. "If you want any pic of mine, Mestisong Mongoloid, you can ask me for a pose," dugtong ko pa in a duh way.

Ibinalik nya ang DLSR sa leeg nya.

Now, how can I going to get that? Nasa leeg na nya. Hindi naman ako sira, slight, para hayaan na lamang ang picture ko roon. Imposibleng mukha akong tao doon. Malamang mukha akong tanga sa picture na 'yun. Tulala. Malayo ang tingin. Mukhang tanga. Kung mamalasin pa at baka magmukha pa akong sira dahil mahangin ngayong araw at paniguradong sabog-sabog ang buhok ko. Tinanggal ko kasi ang pony ko kanina pagkatapos naming kuhanin ang bike. Hindi naman talaga ako payag na kuhanin ang bike na 'yon pero dahil nakaposas ang kamay ko at may sira sa utak 'tong si Mestisong Mongoloid ay wala na akong nagawa.

"You sure, Lolo Max?" Nakangisi sya nang sinabi nya iyon.

What did he think of me? Thinking of him? Ew. Never.

Ngumiti ako sa kanya nang pang-asar. "Of course, Labanos. I am sure. Para naman maganda ako sa picture. Kawawa ka naman kung ang pagnanasahan mo mamayang gabi ay ang pangit kong anggulo. You know, I can give you the best." I bit my lower lip, teasing him. Dagdag pang-asar. Napansin ko naman ang ginawa nyang pagtingin sa kinagat kong labi bago nya ibinalik ang pang-asar nyang ngisi. A strange emotion dominated his eyes. Hindi ko na lamang pinansin iyon.

Tss. Alam ko namang hindi nya pagnanasahan 'yon. Gagamitin nya iyon para ipakulam ako. To make me fall for him deep and harder.

Heaven, Max! Seriously?

Hindi ko na lamang pinansin ang komentong iyon. Umeeksena na naman.

"You don't know a rule about pic, do you?" Ngumisi sya.

Napakunot naman ako ng noo. Rule? Anong klaseng rule naman 'yun? Tsk-tsk. Nag-imbento na naman sya. Nakakakyuryus talaga kung saan nya pinupulot ang mga rule nya. Like shit tzu?

Tinaasan ko sya ng kilay. Gusto ko sanang ipagkrus ang ang mga braso ko sa dibdib ko pero na-realize kong nakaposas nga pala ako.

"Anong rule na naman 'yan, Labanos?"

"Stolen is more seductive than the posed one. With their mouth opened like they were gasping as we eaten their sweetness. Daydreaming how it would taste if we enter them."

"W-What?"

Napamaang ako matapos kong marinig ang rule na tinutukoy nya. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko nang maintindihan ko ang sinabi nya. Napahinto rin ako.

I can't believe it. Inamin nya talagang pinagnanasahan nya ako?

"Bastos kang Mestisong Mongoloid ka! Sinasabi ko na nga bang kaabunasan na naman 'yang sasabihin mo! Burahin mo 'yung picture ko dyan! Bastos! Bastos!"

"Na ah. Desire is the right word for that."

ANO kayang gagawin ko sa'yo?

Nakapatong ang ulo ko sa kanang braso ko na nakalapat sa night table sa gilid ng kamang hinihigaan ko habang pinakatitigan ang bracelet na kasama sa promo ng café. Bahagya ko rin iyong pinaglalaruan.

Ilang minuto na din ang nakakaraan simula nang pakatitigan ko ang bracelet na 'to. Nakakapagtaka na nga na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lusaw. Sa susunod talaga at ipagagawa ko na ang laser ng mga mata ko. Mukhang may depekto, eh.

Simple lang naman ang itsura ng couple bracelet na 'to. Para syang yarn na itinirintas pero hindi sya yarn. Hindi ko alam kung anong tawag sa gan'tong uri ng lace. Dalawang kulay lamang iyon. Isang puti at asul. Ang asul ang nagsisilbing outline ng puting lace na nasa loob. Bagay ang ternuhan ng dalawang kulay. It compliments each other. The sky and ocean. Mayroon din iyong silver template sa ibabaw na may nakaukit na 'Into her' at parehong gilid ang may infinite sign. Ang bracelet na iyon ay para sa lalaki. Ang kapares naman nito na pambabae ay kulay pink ang outline na may ukit na 'Into his'.

Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang pambabaeng bracelet. Hayst. Namomorblema na nga ako kung saan ko gagamitin 'tong bracelet, dumagdag pa 'yong couple shirt na 'yon. Hindi ko alam kung saan ko 'yon gagamitin. Nanghihinayang naman ako na itapon iyon because in my situation, every cent is important. My life isn't as wealthy as before.

Well, to be honest, cute naman kasi ang design ng couple shirt. White large T-shirt na may cute cartoon woman sa harap na may convo box sa taas. 'Hoy, Lalaki!' ang nasa loob. Samantalang ang isa naman ay kulay itim na may lalaking cute anime. 'Hoy, Babae!' naman ang nasa convo box. At the back of those 'Jowa ko --->' and '<--- Jowa ko'. Inihanger ko muna iyon sa loob ng aparador ko.

Napatapik ako sa labi ko nang maramdaman ko ang pagdapo ng lamok sa itaas na bahagi.

Pesteng lamok na 'yan. Gusto pang makahalik. I checked out my palm and see the dead mosquito. Tsk-tsk. Kawawang lamok. Bakit ba kasi ang daming lamok sa Pilipinas? Shemay. Ganoon ba talaga kasarap ang mga Pinoy? Especially me? Favorite dish ata nila ako, eh. Kahit anong lakas kasi ng fan at usok ng katol, ayaw pa rin nilang mawala. Imported na ata sila.

Kinabukasan ay maaga akong umalis sa dorm dahil may duty pa ako sa umaga sa café. Vacant ko kasi for almost four hours.

"Good morning, Maxx! Kamusta? Na-enjoy nyo ba ang promo ng café? Ikaw, ah. May boylet ka pala," nakangising sambit ng kasamahan kong waitress na si Kamila pagkapasok ko sa loob ng staff's room para magpalit ng uniform.

Umirap ako at hindi na sya sinagot. Tinatamad akong magsalita ngayong araw dahil sa puyat. Halos tatlong oras lamang ang naitulog ko dahil sa pag-iisip sa pesteng halik na 'yon, sa pesteng promo, at sa pesteng lamok na patuloy sa pagtikim sa akin kagabi. Dumagdag pa iyong indirect na pagpaparamdam ng mga pinsan ko.

"Sungit."

"Pasensya na, Kam. Puyat kasi ako."

Ngumiti iyon nang pang-asar. "Asos. Ganoon ba talaga kahirap sabihin na sinulit nyo ang promo kahapon?" Sinundot pa nya ang tagiliran ko.

Inirapan ko lang sya at hindi na sumagot pa. Alam ko naman kasing kapag sumagot pa ako ay lalo lamang nya ako aasarin. Buti na lang talaga at sanay na sya sa ugali ko kaya hindi na ako nag-aalala na baka ma-offend sya sa pag-uugali ko. May pagkamataray kasi talaga ako kapag kulang sa tulog o 'di kaya'y wala sa mood. Madalang lang naman ang pagkakataong iyon. Malas lang at ngayon ang araw na 'yon. Lucky her dahil sya ang unang nasampulan though hindi naman magtatagal ang ganoong mood ko. It would be better later.

"Woah! Haha! What's with that look, Maxx? The not so pretty leading lady is not in her mood. Bakit puyat si Maxx?"

Ang pang-asar na boses ni Drea ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa university after my shift in café. My duty was good dahil sa unang pagkakataon ay sinuwerte ako. Well-behave kasi ang mga customer kanina. Walang customer ang naging dahilan para mapigtas ang trigger ng pasensya ko. 'Wag lang talaga magpapakita si Mestisong Mongoloid at magiging maganda na ang mood ko.

"He-he!" Sarkastiko akong tumawa. "Galing, Drea. Galing."

Ngumisi si Drea nang pang-asar. "Of course! Walang sakit, Maxx. I really am a healthy being."

Binatukan ko sya. Napadaing naman sya sa ginawa ko. "Aray! Makabatok, Maxx, wagas? May pinagdadaanan ka ba? Saan 'yan? Samahan kita."

"Huwag na. Baka hindi ako makapagtimpi at makatay kita."

"Okay lang. Masarap naman ako."

"Hindi ka masarap. Masebo ka. Ma-se-bo ka!" sigaw ko at nauna nang mag-lakad. I know, I am harsh. Pero bahala sya. Kasalanan naman nya. Alam naman nyang wala ako sa mood pero ininis pa rin nya ako. Dakilang panadya.

"Maka-sebo ka. Hiya naman ako sa taba mo."

Pasagot na sana ako pero nabunggo ako sa isang estudyante dahilan para mapaatras ako nang ilang hakbang. Sisigawan ko na sana 'yon dahil sa ginawa nyang pagbunggo sa akin pero nang mapansin ko ang pagkaitim ng puti nyang polo dahil sa natapon nyang Coke ay naitikom ko na lang ang mga labi ko. Agad naman akong humingi ng paumanhin.

"Shete. Sorry-sorry." Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at tinulungan syang punasan ang namantsahan nyang damit habang patuloy ako sa paghingi ng pasensya.

Napaangat ako ng tingin nang hawakan nya ang kamay ko na may panyo.

Ngumiti iyon. Shems. Ang wafu.

"Miss, it's okay-it's okay," saad niyon, nakangiti. Shemay. Para syang anghel. His hair is brush aside. Natatakpan naman ng thick round glasses ang kilay nya. Glistening black pair of eyes. Small but pointy nose and reddish lips. Napakaamo ng mukha nya.

"Sorry talaga."

"It's nothing. Pwede bang magtanong?" Kumamot iyon sa batok na tila pa nahihiya. Namumula rin nang bahagya ang pisngi nya.

"Sige. Para makabawi naman ako kahit paano. Ano ba 'yon?"

"Can you tell me the Dean's office's direction? Anyway, I'm Sam. A transferee," aniya. Sinagot na rin nya ang tanong na nasa isip ko.

"Samahan na lang kita."

Napalingon ako kay Drea matapos nyang tumikhim. "Maxx nga pala. And si Drea. Kaibigan ko."

Kumaway iyon habang nakangiti. "Hi, Sammy!" And here she goes with her nicknames.

------

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status