Share

KABANATA 65

Pinilit kong tumikhim at pinigilan ang maduwal ngunit mas lalo ko lamang gustong ilabas iyon.

Bahagya pang namilog ang mga mata ko nang hawakan nito ang braso ko at pilit akong hinaharap sa kanya. Umiling ako at winaksi ang hawak niya. Nagmamadali akong tumalikod at dumiretso sa common comfort room ng store.

Diretso sa sink at doon nagsuka. Naiiyak pa ako sa sakit at pilit na pagsusuka. Umaasim ang panlasa ko at sumasakit ang lalamunan ko. Tila nawala ang lahat ng lakas ko dahil doon. Humigpit ang kapit ko sa sink nang magmumog na.

"I thought you're okay now?"

Natigil ako sa pagpunas ng bibig ko at nilingon siya. Nakasandig siya sa hamba ng pintuan. Kunot ang noo at madilim ang tingin.

Hindi ako makasagot. Ayaw gumalaw ng dila ko upang dumipensa. Napaatras pa ako nang bahagya at napahawak sa tiyan ko na gusto kong pagsisihan dahil doon dumapo ang tingin niya.

Mabilis kong binaba ang kamay ko at kumuha ng tissue na nasa gilid ng pader. Huming

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status