Share

Chapter 2

Chapter 2

Eleur Rosales was my friend ironically. Kaklase ko siya at si Rozen noong high school kami. We hated each others gut. Walang araw na hindi kami nagtatalo kahit pa sa kaunting bagay. I hated him, because he's too proud and bossy. Akala niya siguro katulad ako sa mga babaeng madali niyang napapaamo.

I admit I was boring, I prefer baking than anything else, kaya siguro 'yon ang dahilan kung bakit nanatili akong single hanggang ngayon.

I realize relationships isn't for me. None of the ones I've had ended well. Lahat sila ako ang sinisisi sa tuwing makikipaghiwalay. So I stopped. Mas mabuti pang pagtuonan ko ng pansin ang negosyo kaysa maghanap ng lalaki na sa una lang magaling kapag tumatagal nagloloko na.

The car started to jerk forward with a little force.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Errol.

"May kaunting aberya yata ang sasakyan." He gave a nervous laugh.

Finally, he parked the car infront of a busy shop.

"Is it serious?" I asked him again.

"Hindi naman. Titignan ko muna." Bumaba ito sa sasakyan kasama si Lowie.

Napabuntong-hininga ako at sinandal ang likod sa aking upuan. I looked through the window, scanning the environment. Actually, we were in front of a flower shop.

Nakuha ng atensyon ko ang batang babae na tingin ko ay tatlong taong gulang, naglalaro ito ng mga bulaklak na nasa harapan ng shop. Ang naka-ponytail nitong buhok ay malayang nililipad ng hangin.

A small smile played on my lips. The sight was beautiful, I could see her mom smiling down at her. Bigla ko tuloy hinanap si Mamá.

I continued to watch the small girl. Naalala ko ang sarili ko dito. Mahilig din ako sa mga bulaklak. Ginawa pa nga ako ni Dad ng flower garden na ngayon ay nasa pangangalaga ni Nanay Merly, isa sa mga kasambahay sa mansyon.

I was brought out of my train of thoughts when I saw the small girl crying. Bahagya akong napasinghap nang makitang dumudugo ang tuhod nito.

Hinanap ng mga mata ko kung sinong may gawa niyon. The man in a black hoodie, ito ang dahilan kung bakit nasaktan ang bata, nabangga ng lalaki.

What a rude guy!

Akala ko sisitahin ito ng mga taong nakakita ngunit nagbubulag-bulag ang mga ito. Hinayaan lamang nilang makaalis ang lalaki.

Before I knew it, I was getting down from the car.

"Thara, saan ka pupunta?" tawag ni Lowie ngunit hindi siya pinansin.

"Hey!" sigaw ko sa lalaki.

I'm walking with fast pace, trying to meet up with him.

"Hey! Tumigil ka!" sigaw ko ulit, ngunit tila wala itong narinig, patuloy pa rin ito sa paglalakad

Pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko. Siguro iniisip nilang nasisiraan na ako.

I groaned in annoyance. Binilisan ko pa lalo ang lakad ko. Nang malapit na ako dito, I pushed him from his broad back, making him jerk forward

"Leave," anito sa baritonong boses.

He turned around slowly. Nagtaas ako ng kilay dito, and was about to lash out when I caught sight of his full facial view.

Kamuntikang malaglag ang panga ko sa nakita. He looked dashingly handsome in his very dark shade of glasses!

Did I just push a Greek God?

Napakagat ako ng labi, mukhang nakalimutan kong galit pala ako sa lalaki dahil sa ginawa nito sa bata.

Ano bang ginagawa mo, Thara? Stand your ground, give this rude man what he deserves. Palihim kong sinaway ang sarili ko.

"Sino ka ba sa tingin mo, ha? Nabangga mo 'yong bata tapos iniwan mo lang na hindi humihingi ng tawad," I spat.

Tinanggal nito ang suot na glasses, saglit nitong tinignan ang paligid bago binalik ang tingin sa akin.

Ang malaabo nitong mga mata ay walang emosyon na nakatitig sa akin, not even a slight look of anger in sight.

I was beginning to feel intimidated.

"And why would I do that?" he asked.

"W-well, it's wrong! Kailangan mong humingi ng tawad sa bata at sa k-kanyang ina." Halos hindi ko maitawid ang sasabihin dito.

He scoffed and looked around for some seconds. May iilang mga taong nakatingin sa amin, nakiusyoso kung anong nangyayari.

Why weren't they supporting me in this? Hindi ba nila nakita ang ginawa nito?

"Hindi ko gagawin ang gusto mo. Kaya umalis ka na, nagsasayang ka ng oras." His voice was still calm and his face still showed no emotion.

Umawang ang labi ko. Aba, kakaiba din ang damuho na 'to. Ang yabang!

"Dasha?" Lowie's voice pulls me out of my daze.

Binalingan ko siya ng tingin. "What?"

"Ano'ng nangyari? Ayos ka lang?" tanong ni Lowie.

"Yeah..."

"Are you done?" malamig na tanong ng lalaki.

Kumunot ang noo at tinignan ito.

"No, I'm not! You need to realize your mistakes, kailangan mo ring humingi ng tawad sa bata. Hindi mo ba Nakitang nasaktan siya?"

Lumipat ang tingin nito sa likuran ko.

"She seems okay." Tukoy nito sa batang babae.

"Now, are you done?"

I was stunned by this. Saglit kong nilingon ang kinaroroonan ng bata. She was still sobbing and her mom was telling her to keep quiet.

"I can't believe this, you're such an idiot!" galit na sabi ko.

Nauubusan ako ng pasensya dahil sa lalaking ito. Bakit gano'n nalang kahirap dito ang humingi ng tawad sa bata? Simpleng sorry lang naman ang gagawin nito.

"Wala kang awa doon sa bata! Not even a little."

He cocked a brow. "Do you need money?"

I fumed. "Anong sabi mo?"

He simply shrugged, his face blank. "Tatahimik ka na ba kung bibigyan kita ng pera?"

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tinignan ito.

"You're an asshole! You're such a rude inconsiderate bastard..."

"I guess you're done." Sinuot nito ang shades bago ako tinalikuran.

"Hoy! Hindi pa tayo tapos!" akmang susundan ko ito pero pinigilan ako ni Lowie at Ireem.

"Hayaan mo na, Thara," sabi ni Lowie.

Wala akong nagawa kun'di bumalik sa sasakyan.

Nagngitngit ang loob ko habang paalis kami sa lugar na 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status