Share

HIDING THE MONTEFIORE'S HEIR
HIDING THE MONTEFIORE'S HEIR
Author: FrezscheuzstStrre_18

Prologue

Prologue

"KEIRAN!" tawag ko sa kanya nang makitang may kausap siyang lalaki.

The boy serious face melt into a dazzling smiles.

"Mommy!" patakbong lumapit siya sa akin.

He turn around sticking his tongue at the man. Kumunot ang noo ko sa inasta na anak ko.

"May problema po ba?" magalang na tanong ko sa lalaking kausap ng anak ko kanina.

"Ma'am, nilapitan ko po ang anak ninyo nang makitang tinignan niya ang mga laruan at nagtanong ng maayos," paliwanag ng shop attendant.

"Liar, liar! Mommy, he's telling lies," my five years old son protested and this attracted other customers attention.

"Naku, ma'am, hindi po ako nagsisinungaling," depensa ng lalaki.

Napabuga ako ng hangin at tinitigan ang anak ko.

"Sweetie, stop. You have to behave," I cautioned him.

"He's a liar, Mommy! You said, bad kapag nag-lie and he's lying!," laban pa niya.

Napahilot ako sa aking noo. Nalilito ako dahil hindi ko alam ang nangyari. Hindi naman sa ipinagtatanggol ko ang aking anak. Pero hindi si Keiran nagsisinungaling dahil kapag ginawa niya 'yon walang siyang baon na matatanggap sa akin hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo.

"Mommy, you know how much I like car toys?" he asked me, putting his cutest and charming smile.

Lumambot naman ang puso ko habang pinagmasdan ko siya. Hindi ko maiwasang mainis, kahit malayo na ako sa ama ng anak ko pakiramdam ko araw-araw ko pa rin itong nakakasama kapag nakikita ko ang bata.

Minsan nakakapagtampo na ilang buwan kong dinala sa aking sinapupunan si Keiran. Tapos ang resulta sa ama magmamana. Ang unfair!

"I was just admiring the car. Tapos, bad uncle came and scolded me," paliwanag ng anak ko.

Tumango ako at tinignan ang lalaki.

"Nakita niyo bang kinuha ng anak ko ang laruan?" I asked the man, there was no funny looks on my face.

"H-hindi, pero..." I cut him.

"What made you feel he was looking at it mischievously?"

If there's one thing I hates is someone picking on my child.

Most of the time, my son is really full of mischief but he can never take what isn't his.

"I'm sorry, ma'am," he apologized bowing his head.

I sighed. "H'wag kang humingi ng tawad sa akin, apologize to my son." I pulled my son from behind me to my front.

The man looked at my son in disdain.

"Ma'am, brusko manalita ang anak ninyo," reklamo nito.

Tinignan ko ang anak ko, he looks so sweet and innocent. Hindi siya nagsusungit sa iba maliban nalang kung hindi ka niya gusto, o 'di kaya may ginawa kang hindi maganda sa kanya. He's the sweetest child ever.

"Pasensya ka na, Mister. Pero hindi bastos ang anak ko lalo na sa matatanda," I said proudly.

"Mommy, let's go," yaya na anak ko.

I sighed at the man and smiled at my son.

"Sweetie, gusto mo ba 'yong car?" malambing na tanong ko.

Umiling siya. "No mommy, I don't want it anymore."

"You sure? Bibilhin ko 'yong toy car for you."

"Hindi na po, Mommy. Keiran has lots of toy cars at home, he doesn't need this one," he said, taking his hands as we walked to the counter and paid for the stuffs we bought.

Nakangiting pinagmasdan ko ang anak na seryusong naglalakad palabas ng grocery. Kahit sa murang edad matured na mag-isip si Keiran kaya madaling pagsabihan at turuan.

Naalala ko pa noong nalaman kong pinagbubuntis ko si Keiran. Kaagad akong nakapagdesisyon na magpakalayo-layo lalo na nang malaman kong matagal na pa lang may fiancee ang ama ng anak ko. Kaya umuwi ako ng Cagayan, my mother's hometown. Malayo ito sa Manila kaya kampante akong malabong magtagpo ang landas namin dito.

"Mommy! Mommy!" I turned back to my son, he was walking slowly and looked so pale.

Mabilis na nilapitan ko ang bata.

"What's the matter, sweetie?" nag-alalang tanong ko.

The doctor had warned me. Hindi dapat mapagod si Kieran dahil mahina ang pangangatawan ng bata.

"I'm so tired," he feigned.

"I want mommy to carry me," a sly smiled formed on his lips.

Napangiti ako rin ako. Naiintidihan ko kung anong gusto niya. I bent in front of him.

"Okay, hop in," with this three words he hopped unto my back and I stood up with him.

Since he was so lightweight, carrying him isn't a big deal for me.

Una kong ipinasok sa loob ng kotse ang anak ko bago binalikan ang pinamili namin.

"Thara?"

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig kong tinawag ang pangalan ko.

Nilingon ko ito. "Yes?"

Pero isang pagkakamali ang ginawa ko. Gulat akong napasinghap nang makilala kung sino ito.

"K-khaleel..." utal na bulong ko sa pangalan nito.

Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Ikaw nga!" tila 'di makapaniwalang bulalas nito.

Nagulat ako nang yakapin ako ni Khaleel. Anong ginagawa ng lalaki na 'to dito sa Cagayan?

Pasimple kong ginala ang tingin sa paligid, sinigurado ko kung may kasama ba ito. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala ibang tao maliban sa aming dalawa.

Breaking the surprisingly awkward hug, I looked up at Khaleel with a smile that was nothing close to a real smile.

"What are you doing here? I mean, I'm shocked to see you here."

"I... uh... I l-live here..." utal na sabi ko.

Kinakabahan ako baka biglang bumaba si Keiran sa sasakyan.

"Kaya pala ang hirap mong hanapin," sabi nito sabay halakhak.

Kumunot naman ang noo ko. Anong ibig nitong sabihin?

"Oo nga pala, kumusta ka na? Ilang taon din tayong hindi nagkita."

Napatikhim ako. Bigla akong naaasiwa sa paraan ng pagtitig ni Khaleel. Pakiramdam ko sinusuri ako nito.

"I-i'm fine..."

"Mommy, let's go na po! I'm hungry!" rinig kong reklamo ng anak ko sa loob ng sasakyan.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Shit! Bakit ngayon pa?

"Who's that?" nagtatakang tanong ni Khaleel. Sinilip nitong ang sasakyan na nasa likuran ko.

Pakiramdam ko hihimatayin ako dahil sa kaba. Tahimik akong nagdarasal na sana h'wag maisipan ng anak ko na lumabas.

Mariin kong kinagat ang aking labi nang maalalang hindi ko naisara ang bintana ng kotse.

"I-i'm sorry, I n-need to go." Natatarantang sabi ko.

Akmang tatalikuran ko na si Khaleel ngunit mabilis nitong nahawakan ang braso ko kaya hindi ako nakaalis.

"B-bakit?" kinakabahang tanong ko nang lingunin ko ito.

"Tell me, may tinatago ka ba kaya ka umalis?"

Naalarma ako sa tanong nito. Swallowing the lump in my throat, my mouth suddenly went dry.

"Kung ano man ang tinatago mo, siguraduhin mo lang na hindi malalaman ng kapatid ko. Dahil kapag nalaman niya, ikakagulo ng lahat 'yon, Thara..." sabi nito bago ako tinalikuran.

Nanghihinang napasandal ako sa sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status