Share

58. New fiance

[Letlet]

"HINDI ka pwedeng pumasok, Ma'am." Pigil ng guard sa kanya ng tangkain n'yang pumasok sa gusali na pag-aari ni Lance.

"Ha? Bakit hindi pwede, manong guard? Eh, noong nakaraan lang ay galing ako dito?" Nagtatakang tanong niya. Ilang beses na siyang bumalik dito pero hindi naman siya pinagbabawalan pumasok.

Kumamot sa ulo ang guard. "Pasensya na, Ma'am, sumusunod lang ako sa utos." Ani nito.

Anim na gwardiya ang bantay kaya naman hindi talaga siya makapasok.

Itatanong na sana niya kung sino ang nag-utos ng makita ang pagdating ng limang magkakasunod na sasakyan. Mayamaya pa ay may nagsidating ulit na iba pang mga sasakyan na agad n'yang nakilala.

Mga reporters!

Agad na binalot na nagsuot siya ng itim na face mask at sumbrero para itago ang mukha. Baka kasi makilala siya ng mga ito.

Bumaba ang mga kalalakihan sakay ng apat na van. Lahat ay nakasuot ng kulay itim at naglalakihan ang katawan. Hinarangan ng mga ito ang mga reporters na nagpupumilit lumapit sa kulay pulang kotse.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Janet Anislag
update pleeeaaasse
goodnovel comment avatar
Inday Lin
Ang tagal nman ng update
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
end na ba? haytsss ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status