Share

6. Mission

[Lance]

KAGABI pa napansin ni Lance na may kakaiba kay Letlet. Halos hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nito.

Nagdududa tuloy siya na baka nakipagkita 'to kahapon kay Balot.

Hindi niya mapigilan ang mainis sa naisip. Ang tigas talaga ng ulo ng dalaga! Walang kahirap-hirap na hinati niya ang mga kahoy gamit ang palakol.

"Ingat, Kuya Lucian,  baka maputol na talaga ang paa mo n'yan." Paalala ni Letlet na halos mapunit ang labi sa kakangiti.

Inis na binagsak niya ang palakol.

"Anong nginingiti-ngiti mo, ha?" Hindi nakatiis na tanong niya. "Nakipagkita ka ba kahapon sa kanya? Di'ba sabi ko naman sayo na bata ka pa?"

May pagtataka na bumakas sa mukha ng dalaga. "Oh, ano naman kung nakipagkita ako? Ano bang masama do'n?"

Naisabunot niya ang kamay sa buhok dahil sa inis. "Damn!" Mura niya bago iniwan ang dalaga.

Kailangan n'yang gumawa ng paraan para mapaghiwalay ang dalawa. Masyado ng nahuhumaling ang pinsan niya sa lalaking 'yon kaya naman kailangan na n'yang kumilos.

[LetletScene]

"ANONG PROBLEMA NO'N?" Takang sinundan ng tingin ni Letlet ang binata.

Hindi niya akalain na ganito pala ang ugali ng pinsan niya. Sa mga litrato kasi noon na pinapakita ni Lola Asun ay mukhang tahimik at mabait 'to. Pero hindi pala dahil paiba-iba 'to ng ugali na hindi niya maintindihan minsan.

"Hindi kaya dahil sa aksidente ay naalog ang utak ni Kuya Lucian?" Natuptop niya ang bibig.

Nakakaawa naman 'to kung gano'n! Kailangan na masabi niya sa Lola niya na may tama na sa utak ang pinsan niya. Sayang ang gwapo pa naman at maraming nagkakagusto na kababaihan rito. Kaya lang ay mukhang may sira na sa ulo.

Pagkatapos ng gawaing bahay ay nagpunta siya sa bahay nila Birang para malaman kung nakaalis na ba si Balug. Aalis ang ilang kabinataan sa kanila para pumunta sa kapatagan at do'n nga siya bibilhan ng lipstick ni Balug.

Natigilan siya ng makita na nag uusap si Balug at ang pinsan niya. Kumaway sa kanya si Balug ng makita siya, samantalang ang mukha ni Kuya Lucian ay parang galit.

Kanino? Kay Balug ba o sa kanya?

"Hindi ka pa nakakaalis?" Tanong niya kay Balug ng makalapit siya rito. Hindi niya tinapunan ng tingin ang pinsan niya.

Kumamot sa ulo ni Balug. "Hindi na kami makakaalis dahil nasira ang bangka namin. Kagabi naman ng mag-inspeksyon kami ay wala 'yong butas, pero ngayon ay mayro'n na."

Hindi niya mapigilan ang malungkot. Akala niya ay magkakaroon na siya ng lipstick! Mukhang hindi talaga para sa kanya ang pagkakaroon ng gano'ng gamit.

Tumikhim si Kuya Lucian kaya napatingin siya rito. Teka, bakit parang may kakaiba sa ngiti nito? Nagkibitbalikat nalang siya at tumalikod na.

"Teka lang, mahal ko—"

"What did you say?!" Putol ni Lucian kay Balug na bahagya pang ikinapitlag nilang dalawa ni Balug.

"Teka, pinsan—"

Hindi na natuloy ni Balug ang sasabihin ng hilahin siya ni Kuya Lucian sa braso paalis.

"Mahal ko? Really?" Halos umusok ang ilong ng pinsan niya.

"Aray naman, bitiwan mo nga ako! Masakit kaya!" D***g niya habang pilit na hinihila ang braso rito.

"Tumahimik ka nga, Letlet! Tuwang-tuwa ka ba kapag tinatawag ka n'yang mahal? Ang baduy lang!"

Masama silang nagtinginan ng bitiwan siya nito. "Bakit ba bigla ka nalang nanghihila? Saka anong natutuwa ang sinasabi mo d'yan?"

Hindi nagsalita ang binata at nakatingin lang sa kanya ng masama. Grabe lang ha! Parang ito pa ang galit!

"Hoy Kuya Lucian, aminin mo nga sa akin, may nararamdaman ka ba?"

[Lance Scene]

NATIGILAN SI LANCE sa tanong ni Letlet. Nag aalala lang naman siya bilang pinsan—pekeng pinsan, dahil masyado pa 'tong bata para mag asawa at magmahal. Naniniwala siya na marami pa 'tong mararating sa buhay. Iyon lang 'yon at wala ng iba pa!

Tumikhim siya. "Wala akong nararamdaman para sa—"

"Sigurado ka? Hindi ba masakit ang ulo? Hindi ka ba madalas na mahilo? Eh, iyong alaala mo? Hindi pa rin ba bumabalik?" Magkakasunod na tanong ni Letlet. May pag aalala na rin sa mukha ng dalaga ngayon.

Teka ano ba ang sinasabi nito?

Bumuntong-hininga si Letlet at lumungkot ang mukha. "Sinasabi ko na nga ba at may tama ka na sa utak, Kuya Lucian. Wag kang mag alala dahil baka magamot pa 'yan ng pinakamagaling na albularyo dito sa amin."

"What?! Anong tama ang sinasabi mo?" Nanlalaki ang butas ng ilong na tanong niya.

Natampal niya ang noo ng ma-realized ang ibig sabihin ng dalaga. Iba pala ang nararamdaman na tinutukoy nito!

Tinaas niya ang kamay para pigilin 'to sa pagsasalita ng akmang magsasalita uli. "Sandali, Letlet. Una sa lahat walang tama ang utak ko. Pangalawa, paano mo nasasabi na may tama ako?" Pigil ang inis na tanong niya.

Hindi kaya alam nito na siya ang sumabotahe sa bangka ni Balot? Nalaman niya na kaya aalis si Balot ay dahil gusto nitong bilhan ng regalo si Letlet na tiyak daw na ikatutuwa ng dalaga.

Syempre hindi siya makakapayag na mangyari 'yon! Lalo pa at sinabi ni Balot na mas mapapadali ang pagpapakasal ng mga 'to dahil sa regalong 'yon!

"Sige, inaamin ko na ako ang bumutas. Pero hindi ibig sabihin no'n ay may sayad na ako. Nagawa ko lang naman 'yon dahil... dahil naniniwala ako na masyado ka pang bata."

"Ano ang binutas mo, Kuya Lucian?" Takang tanong ni Letlet.

Natigilan siya at mahinang natampal ang noo. Shit! Letlet did not know what he had done! At ngayon ay muntik pa n'yang mabuko ang sarili!

"Kuya Lucian, wag mo sabihin na...." Nanlalaki ang mata ng dalaga at agad na nilapitan siya para suriin ang ulo niya. Nakahinga ng maluwag ang dalaga. "Akala ko binutas mo ang ulo mo, eh!"

Muntik na siyang mabuwal sa narinig. "Sino baliw ang bubutasin ang sariling ulo?" Ibang klase mag isip ang babaeng 'to. Malayo sa katotohanan.

"Ikaw. Malay ko ba na malaki na ang tama sa ulo mo." Pabalang na sagot ni Letlet bago siya iniwan.

"Hey! I told you that I'm perfectly fine! Aba't—hoy Letlet!" Malakas na tawag niya sa dalaga pero hindi siya nito pinansin.

Inis na sinipa niya ang bato na nasa harapan. "Ako pa 'tong may sayad? Eh, siya nga tuwang-tuwa na matawag na mahal."

It's time for mission two.

[Letlet Scene]

"LETLET, ibalik mo nga 'tong itak kay Mario!"

"Sandali lang, Lola!" Sagot niya. Katatapos lang niya maligo at basa pa ang buhok niya. Hindi maalis sa isip niya ang ginawa ng pinsan niya kanina.

Bakit ba bigla nalang 'tong nagagalit? Ano kaya kung sabihin niya kay Lola Asun ang tungkol sa napapansin niya tungkol sa pinsan?

"Letlet!!!!"

Nagmamadali siyang tumayo. "Oo na nga po, ito na at aalis na." Halos magtakip siya tenga sa lakas ng boses ni Lola Asun. Hindi pa rin 'to nagbabago, mahilig pa rin sumigaw kahit na malapit lang ang kausap.

Dala niya ang itak habang nagsusuklay siya. Tumigil siya sa paglakad ng makita na magkasama si Balug at ang pinsan niya.

Kailan pa naging malapit ang dalawang 'to?

Seryosong nagsasalita ang pinsan niya habang nakikinig naman si Balug ng seryoso rito.

Mukhang hindi namalayan ng dalawa ang paglapit niya. Hindi kasi tumingin sa gawi niya ang mga 'to.

[Lance Scene]

"PINSAN!"

Pinigilan ni Lance na hindi malukot ang mukha ng tawagin siya ni Balot.

"Yow!" Bati niya.

"Yow! Yow! Yow!" Sabi naman ni Balot na tila nagrarap.

Lihim siyang napangiwi ng nangulangot ang lalaki sa harapan niya at binilog 'yon saka hinagis banda sa paahan niya. Pinigilan niya ang sarili na huwag tumakbo paalis.

Damn, kadiri!

"Anong sa atin, pinsan?" Tanong ni Balot.

Nagkibitbalikat siya. "Wala naman. Nagkaroon lang kami ng kaunting away ni Letlet. Alam mo naman ang isang 'yon, may pagkamatigas ang ulo."

"Naku hindi naman, pinsan. Mabait 'yang si mahal. Mga bata palang kami ay 'yon agad ang napansin ko kaya nga minahal ko 'yan, eh!" Kontra nito.

Nalukot ang mukha niya. Sino 'to para tawagin ng mahal ang pinsan niya? Pinilig niya ang ulo dahil tila uminit 'yon.

Wag mong pairalin ang init ng ulo mo ngayon, Lance! Singit ng utak niya.

Bumuntong-hininga siya. "Kung alam mo lang." Kapagkuwa'y saad niya.

Pinigil niya ang mapangisi ng makita na nabuhay ang kuryusidad sa mukha ni Balot.

"Isang linggo na siyang hindi naliligo, kaya sinabihan ko siya na maligo naman, pero nagalit pa siya sa akin. Babae siya kaya dapat malinis siya sa katawan niya, tama naman ako di'ba?"

"Tama ka d'yan, pinsan." Tumatangong sang-ayon ni Balot sa kanya.

"Dahil hindi siya palaging naliligo, napakarami n'yang kuto, kumakalat na nga sa bahay namin." Tila diring-diri na kwento niya.

"Kutuhin pala si Letlet?" Hindi makapaniwala ang mukha ni Balot.

"Oo naman! Pati nga buhok sa kilikili niya may mga kuto at lisa!" Eksaheradong dagdag niya.

Nakita niya kung paano napalunok si Balot.

"Kaya nga pinipilit ko siya na maligo, kasi bukod do'n ay malakas pa ang putok niya." Kunwari ay nahilot pa niya ang sintido na tila problemado.

"H-Hindi ko alam na malakas pala ang kapangyarihan ni Letlet."

Nangunot ang noo niya. "Huh?"

"Kapangyarihan ng kilikili, kilikili power gano'n." Paliwanag ni Balot.

Ah.....

"Hindi lang 'yon." Bumuga siya ng hangin. "Hindi siya nagpapalit ng salawal sa loob ng isang buwan, paulit-ulit n'yang ginagamit 'yon hanggang sa.... hanggang sa magkaro'n na 'yon ng amoy na kahit langaw ay hindi na magawang dumapo. May luga din siya sa tenga na napakabaho na nililinis lang ni Lola Asun para hindi maamoy ng iba."

Natuptop ni Balot ang bibig na tila hindi na nakayanan ang narinig.

Kinuha niya ang kamay ni Balot. "Maraming salamat sayo, p-pinsan..."

Shit! Ang hirap bigkasin ng salitang pinsan sa taong kaharap niya!

"Salamat dahil minahal mo siya. Hindi na kami makapaghintay ni Lola Asun na mawala siya sa bahay—"

Halos hindi maipinta ang maitim na mukha ni Balot ng hinila ang kamay sa kanya. "H-Hehe, Lucian, pag iisipan ko muna ang... ang p-pagpapakasal kay Letlet. H-Hindi pa pala ako handa."

Sa isang kisapmata ay tila multong naglaho sa harapan niya si Balot.

Napangiti siya at ilang sandali lang ay humahagalpak na siya ng tawa. Halos magpagulong-gulong pa siya.

Mission two success!

Kung alam niya na ganito lang pala kadali ang lahat ay ginawa na niya 'to noong una palang.

Hawak ang tiyan ay muli na naman siyang napahagalpak ng tawa. His expression was priceless that's why he can't stop himself from laughing!

"Papatayin kita."

Natigil siya sa pagtawa at dahan-dahan na lumingon. Nakita niya si Letlet na nagliliyab ang mata habang nakatingin sa kanya.

"Papatayin kitang walang hiya ka!" Galit na galit na sabi nito sabay taas ng kamay na may hawak na itak.

Nanlaki ang mata niya at nawalan ng kulay ang mukha niya.

Damn! Nalintikan na!

Mabilis pa sa kabayo na tumakbo siya. Mukhang narinig ni Letlet lahat ng sinabi niya kaya galit na galit 'to.

Mas binilisan niya ang takbo. Hindi siya maaaring abutan nito dahil tiyak na matatadtad talaga ang katawan niya kapag nangyari 'yon.

"Papatayin kita, Kuya Lucian! Sisiguraduhin ko na uunahin kong putulin 'yang dila mo! Isusunod ko ang mga lamang loob mo!Hayop kang tukmol ka! Waahhhh!" Malakas na sigaw ng dalaga na halatang hindi mapipigil ng sinuman.

"Oh shit!" Mabilis siyang tumalon ng ibato ni Letlet ang hawak na itak sa kanya.

Tang ina! Sinusumpa niya na hindi na niya 'to gagalitin pang muli. Mukhang mapapadali ang buhay niya dahil dito!

Muli na naman siyang napamura ng makita na nasa gubat na sila at malapit na sila hot spring. Hingal na hingal na siya!

Isang malakas na tili ang kumalat sa gubat kasabay ng pagtalon ng mabilis na nilalang sa kanya na walang iba kung hindi si Letlet!

[Lance Scene]

"ANO BA ANG NANGYAYARI SA INYONG DALAWA?! Para kayong mga bata!" Bumaling si Lola Asun sa kanya. "Ikaw Lucian, ano ba ang ginawa mo at galit na galit 'tong si Letlet sayo? At ikaw naman, Letlet, bakit mo ginawa 'to sa pinsan mo?!"

Hindi siya nagsalita at mahina na d*****g nalang dahil sa hapdi ng mga kalmot niya sa katawan. May sa pusa at kabayo ata 'tong si Letlet. Ang bilis tumakbo na parang kabayo at tila pusa kung mangalmot.

"Bagay lang 'yan sa kanya, Lola." Maanghang na wika ni Letlet habang nanlilisik pa rin ang mata na nakatingin sa kanya.

Napalunok siya at parang bata na nagtago sa likod ni Lola Asun. Nakakakilabot ang tingin ni Letlet, parang nagsasabi ng 'HINDI PA TAYO TAPOS' ang mga tingin nito.

"Letlet, ayusin mo ang tingin mo!" Sita ng matanda sa apo.

Galit na tumayo si Letlet. "Lola, kasalanan naman niya kaya dapat lang 'yan sa kanya. Kulang pa nga 'yan, dapat d'yan kay Kuya Lucian ay pinuputulan ng dila!"

"Huminahon ka, apo—"

"Hinding-hindi ako hihinahon, Lola! Hayop na 'yan, kailan pa ako nagkaroon ng kuto at lisa sa kilikili?! Wala rin akong luga at araw-araw akong nagpapalit ng panty! Bwisit ka, Kuya Lucian! Hindi talaga ako titigil hangga't hindi ko napuputol 'yang dila mo!"

Napangiwi siya ng naniningkit ang mata na nilingon siya ni Lola Asun.

"Magpaliwanag ka, Lucian." Seryoso ang boses ni Lola Asun, hindi mataas pero bakit parang mas nakakatakot?

"A-Ah, eh..." utal siya at hindi makapagsalita.  Paano ba niya ipapaliwanag 'to? Baka mamaya ay iba ang isipin ng mga 'to.

"Nakita mo na, Lola? Wala siyang masabi kasi wala naman siyang matinong dahilan?! Kainis talaga! Noong nakaraan lang ay pinakikialaman niya ang tungkol sa pagkagusto ko sa balot—"

"Damn it! Oo na, ginawa ko lahat 'yon para magkalabuan at magkahiwalay kayo ni Balot! Hulog na hulog ka na sa kanya kaya ginawa ko ang lahat para siraan ka sa kanya. Masyado ka pang bata para mag asawa kaya nagawa ko 'yon! Saka... p-pinsan mo ako kaya... kaya iniisip lang kita!"

Tama! Iyon lang ang dahilan at wala ng iba pa!

"Sinong Balot?" Magkasabay na tanong ng dalawang babae sa kanya.

Nagkaroon ba ng amnesia ang mga 'to?

"Si Balug ba ang tinutukoy mo, Kuya Lucian?"

Natigilan siya. Teka, sino si Balug?

"Bwisit ka! Kahit anong sabihin mo ay hindi magbabago na gustong-gusto ko ng balot! At kahit kailan ay hinding-hindi ako magkakagusto kay Balug!" Galit na nagmartsa paalis ang dalaga.

Naiwan siyang natitigilang hanggang sa....

"Putanģ iną!" Kung gano'n ay iba ang tinutukoy ni Letlet na Balot? At hindi si Balot –este si Balug na akala niya?

Napangiwi siya at napadaing ng mahinang tampalin ni Lola Asun ang pisngi niya na maraming kalmot.

"Lucian, nagpapasalamat ako sa pag aalala mo sa pinsan mo. Pero wag kang mag alala tungkol sa bagay na 'yan. Wala pang alam si Letlet tungkol sa tunay na pagmamahal dahil ang alam niya kapag mahal ay ipinagpapalit dito sa Isla." Ani Lola Asun.

Natigilan siya. Si Letlet walang alam tungkol sa pagmamahal?

"Oh siya, puntahan mo na ang pinsan mo at humingi ka ng tawad sa kanya." Dugtong pa ng matanda bago siya iniwan.

SEENMORE

My other stories⬇️ TRAPPED WITH HIM [COMPLETED] THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID[COMPLETED] LOVE AND LIES [COMPLETED] HIS INTENTION [ON-GOING] TWISTED [IMPLICIT CONTENT/SUPER SPG] HIS ISLAND GIRL [COMPLETED]

| 1
Comments (10)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Thank you po ...
goodnovel comment avatar
Khyle Española
napaka inosente talaga Ng girl,Ganda Ng story...
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status