Share

5. Pagpipigil

[Lance]

WALA sa sinisibak na kahoy ang tingin ni Lucian, kundi na kay Letlet.

Hindi siya makapaniwala na gano'n kagusto ni Letlet si Balot. Wala namang espesyal sa lalaking 'yon.

"Ahh-damn!" Halos magpagulong-gulong siya sa sakit ng tamaan ng palakol ang paa niya.

Tangina, ang sakit!

"Kuya Lucian! Naku naman, naputol na ang daliri mo sa paa!" Tarantang sabi ni Letlet.

Dahil sa sinabi ng dalaga ay namutla siya. Damn it! Hindi pwede na mabawasan ng kahit isang daliri lang ang paa niya! Kabawasan sa pagiging lalaki niya 'yon!

"Lola! Si Kuya Lucian, naputulan ng paa!" Malakas na hiyaw ni Letlet.

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Lola Asun at agad na nilapitan siya. Kagat ang labi na binitiwan niya ang duguan na paa.

"Daplis lang naman, anong naputulan ng paa ang sinasabi mo d'yan?" Isang batok ang natamo ni Letlet sa Lola.

Natigilan siya at tiningnan ang paa niya. Tama si Lola Asun, daplis nga lang. Napangiwi siya. Halos magpagulong-gulong pa siya sa lupa sa pag aakala na naputol na ang daliri niya sa paa.

Sinamaan niya ng tingin si Letlet na mayro'ng pang aasar sa mukha na nakatingin sa kanya.

"Eh, sorry naman po, Lola. Akala ko kasi naputol na ang paa ni Kuya Lucian." Ani Letlet.

Tiningnan niya ng mariin si Letlet. Bakit may pakiramdam siya na nanadya 'to?

Matapos linisan ni Lola Asun ang sugat niya ay lumabas siya ng bahay. Pasimple na hinanap ng mata niya si Letlet pero hindi niya ito nakita.

Saan naman kaya nagpunta ang babaeng 'yon?

Pumasok siya ng bahay para sana magtanong kay Lola Asun kung nasaan si Letlet, pero pagpasok niya ay wala na din ang matanda.

Nasaan na ba ang mga tao dito sa bahay at bigla nalang nagsisiwalaan?

Hindi kaya nakipagkita si Letlet kay balot Nalukot ang mukha niya sa naisip. Matigas talaga ang ulo ni Letlet!

Paika-ika na lumabas siya ng bahay. Mabuti pa na hanapin niya si Letlet para pauwiin. Tama, pauuwiin niya 'to, hindi dahil sa nangingialam siya, ginagawa lang niya ito dahil nagpapanggap siyang pinsan ng dalaga.

Kailangan niya magpakita ng pag aalala bilang nakatatanda.

"Sinabi ko naman sayo di'ba, ganyan kita kamahal."

Natigil siya sa paghakbang ng makarinig ng boses ng lalaki. Nawala ang sakit ng paa niya ng maalala kung kanino ang pamilyar na boses na 'yon. Nagmamadali siyang naglakad sa likuran ng bahay.

Tama nga siya, kay Balot ang boses na narinig niya.

Naningkit ang mata niya ng makita kung paano nagtitigan ang dalawa na para bang silang dalawa lang ang tao sa paligid.

"Letlet!" Malakas na tawag niya sa pinsan niya, pero hindi man lang siya nito nilingon. Alam niya na narinig siya ng dalaga, pero mukhang wala itong pakialam sa paligid dahil kay Balot lang nakatuon ang atensyon nito.

"Ahhh, ang paa ko!" Hinawakan niya ang paa at umupo. Todo ngiwi siya para magmukhang nasasaktan talaga siya.

Pero imbis na si Letlet, ay si Balot pa ang lumapit sa kanya.

"Pinsan, kaya mo ba maglakad?" Tanong ni Balot.

This is bullshit! Bakit walang pakialam si Letlet sa kanya? Nakapamewang lang 'to habang nakatingin sa kanya.

Alam ba nito na umaarte lang siya?

"Hindi, ang sakit ng paa ako!" Mas lalo niya pinag igihan ang pag arte niya, kahit gustong-gusto na n'yang sipain si Balot palayo sa kanya.

Umupo si Balot patalikod sa kanya. Kumunot ang noo niya. "Sakay sa likod ko, pinsan. Ipapasan kita."

Lihim siyang napangiwi. Damn! Makita palang niya ang nangingintab at nangangasim na batok ni Balot ay tila mawawalan na siya ng malay.

Tumingin siya sa gawi ni Letlet. Muli siyang umarte na nasasaktan. "Ahh!" Hinawakan niya ang paa at parang tanga na nagpagulong-gulong hanggang sa makarating sa harapan ni Letlet.

"Letlet, tulungan mo naman akong pumasok sa loob ng bahay-ahhh! Ang sakit talaga-damn!" Nagulat siya dahil nasa tabi na niya si Balot.

"Pinsan naman, wag ka ng mahiya, ako na ang bahala sayo." Nakatalikod na naman si Balot sa kanya at pinapasakay siya sa likuran nito.

"Bakit ba ang kulit ng isang 'to?" Mahinang bulong niya. Muli siyang umarte na nasasaktan ng makita na nakatingin sa kanya si Letlet.

Nagliwanag ang mukha niya ng umupo si Letlet sa harap niya, pero syempre umarte uli siyang nasasaktan-kahit ang totoo ay nakatutok ang mata niya ngayon sa panty ni Letlet na kitang-kita niya dahil nakapalda lang 'to.

"Masakit talaga, Kuya Lucian?"

Muntik na siyang mapangiti ng makita na may pag aalala na sa mukha ng dalaga ngayon habang sinusuri ang sugat niya.

"Letlet, ako na ang bahala kay pinsan-"

"Umuwi ka na, ako na ang bahala kay Kuya Lucian." Putol ni Letlet kay Balot.

Muntik na siyang mapasuntok sa hangin. Mission one- success!

Hindi siya papayag na magkaroon ng oras sa isa't isa ang dalawa, dahil magiging dahilan 'yon para lalong mahulog si Letlet kay Balot.

Walang nagawa si Balot kundi ang mapakamot nalang sa ulo at umuwi.

Dahil matangkad at malaking tao siya ay nahirapan si Letlet na akayin siya hanggang sa kwarto niya. Akala niya ay iiwan siya ni Letlet pagkahatid sa kwarto niya, pero bumalik ang dalaga na may dala ng dahon.

Nagulat siya ng isubo nito ang dahon at nguyain. Pagkatapos nguyain ay itinapal ng dalaga ang nginuyang dahon sa sugat niya.

"Ang liit naman ng sugat mo, pero bakit sobrang sakit?"

Kung ibang babae ang gumawa ng ganito sa kanya ay tiyak na madidiri siya, pero bakit kay Letlet ay hindi? Napalunok pa nga siya ng maramdaman ang init ng itinapal nito sa sugat niya.

Gano'n ba kainit sa loob ng bibig ng dalaga?

Sinundan ng mata niya ang pagkibot ng mapulang labi ng dalaga.

"Hindi kaya natetano ka, Kuya Lucian? Bakit kasi hindi ka nag iingat, eh!" Tumayo si Letlet at umalis. Pagbalik nito ay may dala itong tubig at ginamit 'yon para hugasan ang paa niya.

Nanlaki ang mata niya sa sunod na ginawa ng dalaga. Sinubo nito ang daliri niya sa paa at s******p!

Gusto n'yang hilahin ang paa pero nawalan siya ng lakas at biglang nanghina.

"F-Fuck..." Tila naging ungol ang mura niya. Ang katawan niya ay biglang nag init. Hindi niya magawa na gumalaw sa pagkakaupo sa papag habang nasa harap niya si Letlet na subo ang daliri niya sa paa.

"Ayan, s******p ko na 'yong tetano." Sabi ni Letlet matapos dumura sa bintana. "Ano, Kuya Lucian, masakit pa rin ba sobra?" Inosenteng tanong ng dalaga na walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanya ngayon.

Habol ang hininga na tumitig siya kay Letlet.

"H-Hindi na masakit, salamat." Paos na sambit niya. Pasimple na tinakpan niya ng unan ang sandata niya na buhay na buhay.

He had never felt this way with another woman before. He felt so hot, like his body is now burning with fire. Gusto n'yang hilahin si Letlet at sunggaban-damn! But he need to restrain himself!

Kailangan n'yang magpigil dahil siya ngayon si 'Lucian' ang pinsan ng dalaga.

But damn! He doesn't know how longer he can hold himself!

[Letlet Scene]

KUNG HINDI lang siya naaawa sa Kuya Lucian niya ay hindi niya 'to papansinin. Nakakaawa 'to, kitang-kita niya kung paano namumula ang buong mukha nito sa sobrang sakit.

Naku! Kung hindi lang talaga siya naaawa dito ay hindi niya sisipsipin ang paa nito. Malay ba niya na nakatapak pala 'to ng tae. Maliit lang naman ang sugat pero akala mo naman ay mamamatay na sa takot at sakit.

Natigilan siya ng maalala ang usapan nila ni Balug kanina lang. May sasabihin daw 'tong imporatanteng bagay sa kanya, pero dahil dumating ang Kuya Lucian niya ay naudlot ang sasabihin nito.

Hmm, ano kaya 'yon?

Kumunot ang noo niya ng mapansin na hindi mapakali ang pinsan niya. Panay ang hawak at diin nito sa unan na nasa harap. Naiihi ba 'to?

Lumapit siya rito at kinuha ang unan, pero hinila ng pinsan niya ang unan pabalik saka ipinatong uli sa harap nito, pero kinuha niya uli 'yon, kaya ang ending ay naghihilahan sila ng unan.

"Ano ba!" Malakas na singhal ni Lucian na sa dalaga.

"Bakit ba sumisigaw ka? Sasamahan lang naman kitang umihi, di'ba naiihi ka?" Siya na nga 'tong nag aalala tapos nagagawa pang sigawan. Dapat talaga ay hindi na niya 'to pinansin e!

Nag iwas ng tingin ang binata. "H-Hindi ako naiihi... naninigas lang ang ano ko, I mean, naninigas ang katawan ko."

"Sigurado ka, Kuya Lucian?" Tumango ito. "Ah, hehe sige, akala ko kasi naiihi ka e!" Naglakad siya palabas ng kwarto nito. "Dito ka lang, ha! Aalis lang ako saglit." Paalam niya.

"Saan ka na naman pupunta?!" Halos mabingi siya sa lakas ng boses ng pinsan niya.

Paglingon niya ay nakatayo na ito ng tuwid, pero ng makita siyang nakatingin ay bigla 'tong natumba.

Mukhang sumakit na naman ang paa nito at hindi nakayanan ang sakit.

"I-Iiwan mo 'ko, Letlet? Alam mo naman na masakit sobra ang paa ko." Kita ang sakit sa mukha na saad ng pinsan niya.

Naaawa na nilapitan niya ang pinsan at tinabihan 'to. "Kuya Lucian, wag mo pilitin ang sarili mo na tumayo, baka mamaga ang paa mo at matetano. Ikaw din, malayo ang hospital rito, baka maputulan ka ng paa kung hindi ka susunod sa sasabihin ko." Totoo ang sinabi niya na malayo ang hospital dito. Bago ka makarating ng hospital ay anim na araw ang hihintayin.

Agad na tumango ang binata. "Letlet, may itatanong ako sayo."

Tumingin siya kay Lucian na seryoso ng nakatingin sa kanya. "Ano 'yon?" Tanong niya.

"Gano'n mo ba talaga kagusto si... si Balot?"

Nalukot ang mukha niya. Ito na naman ang pinsan niya! Pinakikialamanan ang gusto niya!

"Oo, Kuya Lucian, at hindi na magbabago 'yon. Saka bakit ba ayaw na ayaw mo? Ano ba ang problema mo? Bakit hindi mo subukan-"

"Damn! Hindi ako bakla no!"

Napatakip siya ng tenga. "Magkatabi lang tayo kaya wag kang sumigaw!" Singhal niya pabalik. "Saka hindi ko naman sinabing bakla ka!"

Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng utak nito! Porke ba gusto ng balot ay bakla na?

Tumayo siya. "Bahala ka na nga d'yan! Matetano sana 'yang paa mo!" Inis na pakli niya at iniwan 'to. Dapat talaga ay hinayaan na niya 'to kanina!

"Letlet! Saan ka pupunta? Wag mo 'kong iwan dito!" Ani pinsan niya sa tonong nagmamakaawa.

Hindi niya pinansin ang pinsan niya at iniwan 'to. "Bahala ka sa buhay mo!" Aniya bago pumunta sa bahay nila Birang.

"Oh, Letlet! Hinahanap mo si Balug?" Tanong ng ama ni Letlet na si Mang Mario.

Tumango siya. "Oho, nasaan po siya?"

Todo ngisi ang matanda. "Mabuti naman at hinanap mo rin ang binata ko, Letlet. Nasaan ang Lola Asun mo? Kailan natin itatakda ang kasal?"

Ang daming sinabi ni Mang Mario pero hindi niya pinansin 'yon. Ang mata niya kasi ngayon ay nakatingin sa lalaki na hubad ang baro na palapit sa pwesto nila. Todo suklay pa 'to ng buhok na walang kasingtigas at halos patay na.

Ito na naman si Balug, feeling pogi pero maasim naman.

"Balug, ano nga pala 'yong sasabihin mo?" Naka-ekis sa dibdib ang braso na tanong niya.

Binasa ni Balug ang labi gamit ang dila na ikinangiwi niya dahil nagmukha 'tong shokoy sa dagat. Malayong-malayo talaga ito sa pinsan niya. Kahit anong gawin kasi ng pinsan niya ay hindi nababawasan ang kakisigan nito, kahit nga siguro sa pag iri nito tuwing tumatae ay gwapo pa rin.

Iniwas niya ang kamay ng hahawakan sana siya ni Balug.

"Hahawak lang naman, ang damot talaga ng mahal ko." Nagpa-cute pa si Balug na lalong kinaasim ng kanyang mukha.

"Sabihin mo na 'yong sasabihin mo, dalian mo dahil may gagawin pa ako." Pagsisinungaling niya, gustong-gusto na niyang umalis sa harap nito.

Muli na namang sinuklay nito ang matigas na buhok gamit ang kamay.

"Ang totoo kasi n'yan, Letlet, nabanggit sa akin ni Birang na gusto mo daw ng lipstick. Hayaan mo kapag nakaluwas ako ay bibilhan kita, ilan ba ang gusto mo?" Tanong ni Balug.

Kung kanina ay lukot ang mukha niya, ngayon ay hindi na, halos umabot sa langit ang ngiti niya sa labi. Kahit ilang lipstick daw!

"Di ko akalain na may tama rin palang lalabas sa bibig mo, Balug." Ngiting-ngiti na wika niya.

"Ang ibig kong sabihin ay salamat, Balug! Gusto ko ng sampo!" Masayang sabi niya sabay pakita ng dalawang palad.

"Masusunod mahal kong, Reyna!" Ani Balug.

Habang pauwi ay pasayaw-saya pa siya sa daan dahil sobrang tuwa. Hindi niya akalain na bibilhan siya ni Balug ng lipstick. Gustong-gusto talaga niya magkaro'n ng lipstick noon pa man, pero hindi siya binibilhan ng Lola Asun niya, hindi niya alam kung bakit, eh maganda naman ang lipstick ipahid sa labi.

Sa Isla nila ay si Birang ang unang nakasubok ng lipstick, padala iyon ng kamag anak nito galing sa tawid dagat kung saan malayo sa kanila. Nang pahiran din ni Birang ang labi niya ng lipstick ng panahon na 'yon ay hindi na niya makalimutan ang saya na naramdaman niya, pakiramdam niya ay mas lalo siyang gumanda at tila naging Diyosa!

Simula ng araw na 'yon ay mayro'n siyang natuklasan. Natuklasan niya na malakas pala makaganda ang isang lipstick! Kaya naman gustong-gusto niya na magkaroon ng lipstick!

SEENMORE

My other stories⬇️ TRAPPED WITH HIM [COMPLETED] THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID[COMPLETED] LOVE AND LIES [COMPLETED] HIS INTENTION [ON-GOING] TWISTED [IMPLICIT CONTENT/SUPER SPG] HIS ISLAND GIRL [COMPLETED]

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status