Share

4. Balot

[Letlet]

HINDI lumalabas ng kwarto si Letlet simula ng mangyari ang nakakahiyang nangyari kagabi. Kapag naaalala niya ang pinsan n'yang si Kuya Lucian ay nanggigil talaga siya sa sobrang inis.

Kung pwede lang na ihagis niya ito sa dagat ay ginawa na niya!

"Ahhh, kaasar talaga!" Inis na tili niya habang sinisipa ang dingding ng kwarto niya.

Alam niya na aksidente ang nangyari pero hindi maalis sa isip niya ang mainit na kamay ng pinsan sa dibdib niya, isama pa ang mainit at mahabang bagay na dumikit sa ibaba niya-

Oo at sanay na siyang makakita ng gano'ng bagay, pero hindi lang niya nakita ang bagay na meron si Lucian, nadikitan pa siya! Hindi lang basta kung saan kundi sa mismong perlas na pinakatatago niya! Wala naman siyang pakialam kahit na madikit pa 'yon sa kahit saang parte ng katawan niya, wag lang sa perlas na pinakaiingatan niya at wag lang din sa kanyang dibdib!

"Bwisit talaga!" Kulang pa ang paulit-ulit na hampas na ginawa niya rito! Dapat ay binali rin niya ang kamay nito!

"Letlet, balak mo bang sirain ang dingding?!" Malakas na sigaw ng Lola niya mula sa kusina.

Umupo siya at bumuga ng hangin. Ngayon paano niya haharapin ang pinsan niya, gayong sa tuwing nakikita niya 'to ay naaalala niya ang nangyari.

Hindi naman pwede na palagi nalang siyang nasa kwarto para lang iwasan ito. Bakit ba kasi naubusan pa ng gaas ang gasera nila sa banyo kagabi? Bakit ba ang malas niya palagi?

Hindi na nga niya nakuha ang lipstick na gustong-gusto niya, nahawakan pa at napisil ang dibdib niya!

Kung hindi lang niya pinsan si Lucian ay baka pinaanod na talaga niya ito sa dagat!

[Lance]

KANINA pa ang tingin ni Lance sa kwarto ni Letlet. Rinig niya ang impit na tili nito at parang nagwawala ito mula sa loob.

Sumimsim siya ng kape.

"Lucian apo, pakiabot nga ang malaking pakwan na 'yon." Turo ni Lola Asun sa gilid ng mesa kung saan siya nakaupo.

Muntik na n'yang maibuga ang iniinom na kape ng maalala ang nahawakan niya kagabi.

Damn! Since he cupped her breast, he couldn't sleep well. Hindi maalis sa isip niya ang malaking pakwan ni Letlet -

"Lucian! Bingi ka ba?!" Sigaw ng matanda.

Napangiwi siya at agad na inabot dito ang pakwan saka muling uminom ng kape.

"Nakipag away ka ba kagabi kaya ang dami mong pasa sa mukha, ha?" Tanong ng matanda.

Tuluyan na n'yang naibuga ang kape na iniinom sa tanong ni Lola Asun. Hindi niya nagawang magsalita, tanging pag ubo lang ang nagawa niya.

Paano niya sasabihin na kaya siya nagkaro'n ng mga pasa ay dahil sa paghawak at pagpisil niya sa dibdib ng mahal nitong apo?

"Ano ba ang nangyayari sa inyong mga bata kayo, hindi kayo makausap ng matino!" Iiling-iling ba sambit ni Lola Asun bago tumayo dala ang malaking pakwan.

Nakahinga siya ng maluwag ng umalis na ang matanda.

"Bwisit ka talaga!" Muli n'yang narinig ang boses ni Letlet.

Napangiwi siya. Alam niya kasi kung sino ang bwisit na tinutukoy nito.

Matapos magkape ay tumayo siya para ilagay ang tasa na ginamit sa lagayan ng hugasan. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang picture frame na nakapatong sa isang lumang radyo. Lumapit siya ro'n at dinampot 'yon para tingnan.

Umawang ang labi niya sa nakita.

"What the fuck!" Hindi makapaniwala na bulalas niya.

Paanong hindi siya magugulat, kung ang nasa litrato ay kamukhang-kamukha niya!

"Lucian!"

Muntik na n'yang mabitiwan ang hawak ng marinig ang malakas na pagtawag ni Lola Asun. Binalik niya ang picture frame sa kinalalagyan nito bago nilapitan si Lola Asun.

"Mamaya ay mangingisda ang ilang kabinataan dito sa Isla, gusto ko na sumama ka para hindi ka naman mainip habang narito ka! Maghanda ka na at mamaya ay aalis na kayo!"

Wala sa sarili na tumango siya rito bago pumasok sa kwarto niya at nahiga.

Ngayon ay alam na niya kung bakit ginigiit ng matanda na siya ang apo nito noong una palang.

Dahil kamukhang-kamukha niya pala talaga ang apo nito.

"Damn! Paanong nangyari na may kamukha ako?" Dagli siyang umupo ng may hinala na nabuo sa isip niya.

Hindi kaya may kakambal siya noong pinanganak siya at nagkahiwalay lang sila dahil nakidnap ito?

O baka naman ampon lang talaga siya at apo talaga siya ni Lola Asun?

Marahas na umiling siya. Imposible! Kamukhang-kamukha niya ang daddy niya kaya naman imposible na ampon lang siya.

Hindi kaya.... nagkaroon ng affair ang daddy niya sa ibang babae at ang apo ni Lola Asun ang bunga, kaya magkamukha sila?

Imposible din ang bagay na 'yon. He know how his father loved his mother so much. Noong nabubuhay pa ang mga ito ay halos hindi mapaghiwalay ang dalawa, kaya imposible ang naiisip niya.

Nagkataon lang ba na kamukha niya ang apo ni Lola Asun na si Lucian? Kung gano'n ay nasaan naman ito at hanggang ngayon ay hindi pa 'to nakakabalik sa Isla?

"Fuck!" Malakas na mura niya.

Baka kaya hindi na 'to nakabalik sa Isla dahil nakita na ito ng Uncle Ben niya at pinatay sa pag aakala na iisa lang sila!

Nanghina ang tuhod niya sa naisip. Kung tama ang hinala niya ay sigurado na papatayin siya ni Lola Asun at isusumpa ni Letlet kapag nangyari 'yon!

Alam niya na hindi habangbuhay ay narito siya, balang araw ay malalaman din ng mga 'to ang totoo tungkol sa pagkatao niya.

Napasintido siya.

Hinala palang niya ang bagay na 'yon. Sa ngayon ang kailangan n'yang gawin ay manatili dito sa Isla at mapaniwala ang Uncle Ben niya na patay na siya, iyon ay kung hindi pa nito hawak ang totoong pinsan ni Letlet at mapagkamalan ito na siya -

"Shit!" Hindi kaya ng konsensya n'yang isipin na may ibang tao na napahamak ng dahil sa kanya.

Sana ay hindi hawak ng Uncle Ben niya ang totoong Lucian at ligtas ito kung nasaan man 'to. Hindi niya gusto na masaktan ang mag-Lola ng dahil sa gulo na dinala niya.

Bumuntong-hininga siya. Hindi niya muna iisipin ang mga hinala na nasa isip niya ngayon. Sa ngayon ay kailangan niya munang pangatawanan ang pagpapanggap niya at ang kunwaring pagkawala ng kanyang alaala.

[Lance]

NAGTATAWANAN ang mga kasama ni Lance sa bangka habang nagku-kwentuhan. Narito na sila sa laot at nangingisda.

"Lucian, ikaw? Kailan mo balak mag asawa?" Tanong ni Rogelio sa kanya.

Lihim siyang napangiwi. Pati ba naman dito ay pag aasawa ang maririnig niya?

"Wala pa akong balak na mag asawa." Magpapakasawa siya sa buhay binata. Lalong magpapayaman at lilibutin ang mundo. Bibilhin niya rin lahat ng bagay na naisin niya.

"Gano'n ba? Ibig sabihin ay mauuna si Letlet na mag asawa sa inyong dalawa?" Tumingin si Rogelio sa katabing lalaki. "Eh Balug, kailan ba kasi ang kasal niyo ni Letlet?"

Tumaas ang kilay niya. Si Letlet, mag aasawa na?

"Malapit na, Rogelio. Hinihintay ko nalang ang pagpayag ni Letlet, alam niyo naman si Letlet, hindi maamin sa akin ang nararamdaman niya." Abot hanggang langit ang ngiti na sabi ng katabi ni Rogelio.

Teka, ano nga ulit ang pangalan nito? Balot?

"Sandali." Tinaas niya ang kamay. "Sino nagsabi na mag aasawa na si Letlet?" Wala naman nabanggit si Letlet, o maging si Lola Asun.

"Pinsan, hindi ba nabanggit ni Letlet sayo? Nobyo niya ako."

Pinsan? Hinawakan niya ang binti para pigilan ang sarili na wag sipain ito.

Pinasadahan niya ng tingin si Balot mula ulo hanggang paa. Hindi ito matangkad, hindi maputi, hindi gwapo at walang kadating-dating.

Anong nagustuhan ni Letlet dito?

"Hindi pa pwedeng mag asawa ang pinsan ko, Balot. Masyado pa siyang bata." Pagdadahilan niya.

"Hindi Balot ang pangalan ko, pinsan, Balug." Maasim ang mukha na pagtatama ni Balug sa kanya.

"Ah basta, hindi pa pwede na magpakasal si Letlet."

Natigilan siya ng mapansin na nakatingin ang lahat sa kanya. Ano ang masama sa sinabi niya? Totoo naman na masyado pang bata si Letlet para mag asawa.

"Bente na ang edad ni Letlet, hindi na siya bata. Dito sa Isla ay maari ka na mag asawa sa edad na kinse." Paliwanag ni Lito na isa sa kasamahan nila.

Para sa mga ito ay matanda na ang bente? The fuck! Siya nga na trenta ay marami pang gusto na marating sa buhay!

"Teka, bakit parang ayaw mo na makasal kami ni Letlet, pinsan. Sabihin mo nga sa akin, may gusto ka ba-"

"Of course not! She's not my type!" Putol niya kay Balot.

Nagkatinginan ang mga ito.

"Anong sabi mo, pinsan?"

Hinawakan n'yang muli ang binti. Isang tawag pa ng 'Pinsan' ay masisipa na talaga niya si Balot.

"Ang sabi ko, syempre wala!" Sagot niya.

Lumaki ang ngiti ni Balug. "Ah, akala ko kasi ay may gusto ka na ibang lalaki para kay Letlet."

Napanganga siya. Ito ang ibig sabihin ni Balot? Kung gano'n ay nag overreact siya kanina? Damn! Bakit nga naman ito magtatanong ng gano'n, gayong ang alam nito ay pinsan siya ni Letlet?

"Wag kang mag alala, pinsan-"

Huli na para pigilan niya ang binti. Nasipa na niya si Balot!

[Letlet]

NAGMAMADALI na tumakbo si Letlet papasok ng kwarto niya ng makita si Lucian na parating.

Pagkasara niya ng pinto ng kwarto niya ay hinawakan niya ang dalawang dibdib.

Ewan ba niya, simula kasi ng mahawakan siya ng pinsan niya sa dibdib ay palagi n'yang naaalala ang mainit nitong kamay, at hindi niya alam kung bakit.

"Letlet!"

Wala siyang nagawa kundi lumabas ng kwarto ng marinig ang malakas na pagtawag ni Lola Asun.

"Tulungan mo si Lucian na linisan itong mga isda na dala niya. Kayo na ang maglinis n'yan dahil ang sakit ng katawan ko ngayon, magpapahinga na ako at mauuna ng matulog." Tumayo ang Lola niya habang nakahawak sa balakang.

Napasimangot siya. Dahil wala din naman siyang magagawa ay sumunod nalang siya sa utos ng Lola niya.

Habang naglilinis ng isda ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya kasi ay may matang nakatingin sa kanya.

Hindi naman niya magawa na lingunin ang katabing pinsan dahil naiilang siya. Pero paano kung ito pala ang nakatingin sa kanya? Ang masaklap ay baka sa dibdib niya ito nakatingin!

Dahil sa naisip ay na-itaas niya ang isdang hawak at hinampas ito sa ulo.

"Aray-damn it, Letlet! Ano ba?!" Reklamo ni Lucian habang hawak siya sa pulsuhan.

Natigilan siya ng matauhan sa ginawa. "Pasensya na, Kuya Lucian." Nag iwas siya ng tingin rito at nagyuko ng ulo. Nakakahiya ang ginawa niya!

Hinila niya ang kamay.

Kumunot ang noo niya ng hindi nito binitiwan ang kamay niya.

Nag angat siya ng tingin at tumingin dito. "Kuya Lucian, ang kamay ko." Muli n'yang hinila ang kamay pero hindi pa rin siya nito binitiwan.

"Letlet, masyado ka pang bata."

Lalong lumalim ang kunot ng noo niya. Ano daw?

"Maniwala ka sa akin, Letlet. Mas matanda ako sayo kaya alam ko na marami ka pang pwede na marating sa buhay."

"Ang kamay ko nga!" Sinubukan niya uli na hilahin ang kamay.

"Saka marami ka pang makikilala bukod sa kanya. Mas gwapo, matangkad, mayaman at lamang ng isang milyong paligo."

Ano ba ang mga pinagsasabi nito? Hindi kaya napasukan ng tubig-alat ang utak ng pinsan niya?

"Pinsan mo ako kaya makinig ka sa akin, hindi ka pa pwede. Kahit si Lola Asun ay sigurado ako na ganito din ang sasabihin sayo. Kaya kung maaari ay putulin mo na ang nararamdaman mo sa kanya."

Natigilan siya ng makita na seryoso na ang mga mata ni Lucian habang nakayuko at nakatingin sa kanya.

"Naiintindihan mo ba, Letlet?" Halos bulong na tanong nito.

"Naiintindihan ang ano?" Naguguluhan na tanong niya.

Nalukot ang mukha ni Lucian. "Damn, ganyan mo ba siya kagusto at nagagawa mong magbingi-bingihan?" Halata ang inis sa boses nito.

Siya din ay naiinis na. Ano ba kasi ang pinagsasabi nito? Nahampas niya lang ng isda sa ulo ay nagkaganito na 'to?

Nasobrahan ba siya sa paghampas?

"Hindi ako papayag na ituloy mo pa ang pagkagusto sa... sa Balot na 'yon."

Sumusobra na ito! Paano nito nasasabi na ayawan niya ang balot, gayong lahat ng tao ay gustong-gusto ang balot!

"Alam mo, Kuya Lucian, sumusobra ka na! Wala kang karapatan na pakialam ako kung ano ang gusto ko! Matanda na ako at ako ang masusunod kung gusto ko 'yon o hindi!" Malakas na singhal niya.

Awang ang labi ng pinsan niya. Halatang nabigla ito sa sinabi niya at tila wala sa sarili na binitiwan ang kamay niya.

"G-Gusto mo talaga siya?" Halata na hindi ito makapaniwala.

Hinihimas ang pulsuhan na tumingin siya rito ng masama. "Oo! Ano masaya ka na? Paborito ko at hindi ako magsasawa sa kanya!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status