Share

3. Bastos

[Letlet]

KULANG nalang ay halikan ni Letlet si Birang sa sobrang tuwa ng iabot nito sa kanya ang lipstick na pinangako nito.

"Letlet, siguraduhin mo na ipapakilala mo na ako mamaya kay Lucian, ah." Parang bulateng nilagyan ng asin na sabi ni Birang. Paano ay halos mangisay ito hindi pa man niya naipapakilala sa kanyang pinsan.

Tumango siya kay Birang. May isang salita naman siya. Isa pa ay sobrang natuwa talaga siya sa lipstick na binigay nito kaya naman talagang tutupad siya. Habang naglalakad ay muli na naman siyang nangudngod sa lupa.

Napangiwi siya ng malasahan ang kapirasong lupa na pumasok sa kanyang bibig. Sanay na siya dahil palagi nalang 'tong nangyayari. Ano ba ang bago?

Sumalampak siya ng upo habang inaalis ang dumi sa mukha niya.

"Clumsy."

Nag angat siya ng tingin at nakita na nakatayo sa harap niya ang pinsan niya. Nakasuot ito ng damit na halos butas na dahil sa kalumaan, ang short na suot naman nito ay kupas din at halatang luma, suot din ng pinsan niya ang tsinelas na nilagyan pa niya ng alambre ang ilalim para magamit pa.

Pero bakit mukhang angat parin ang anyo nito sa kanila? Bakit hindi iyon nakabawas sa pagiging mukhang imported nito? Bakit hindi nagbabago ang kutis nito at nanatili na napakaputi parin?

Ano kaya ang sikreto ng pinsan niya?

Natigil siya sa pag iisip tungkol dito ng marinig ang mahinang pagpitik ng daliri nito sa harap niya.

"Natulala ka na dahil sa kagwapuhan ko. Sabagay, hindi kita masisisi, no one can resist my charm."

Nalukot ang kanyang mukha ng marinig ang paggamit nito ng ibang lenggwahe. Kakaiba talaga ang pinsan niya, nakakabilib, pero bakit may palagay siya na may kayabangan ang huli nitong sinabi?

Tumikhim siya. "Kuya Lucian, may ipapakiusap sana ako sayo." Hindi niya alam kung papayag 'to sa sasabihin niya, pero kailangan naman niya 'tong gawin para kay Birang.

Nangunot ang makinis na noo ng kaharap niya. "Ano?" Maikling tanong ni Lucian.

"Pwede ba na samahan mo ako sa bahay nila Birang? May kukunin lang ako at kailangan ko ng kasama." Pagsisinungaling niya habang nakayuko ang ulo.

Maaari naman niya na ipakilala si Birang sa pinsan niya dito sa bahay nila, pero ang impakta ay gusto pa na sa mismong bahay ng mga ito sila magpunta. Gusto man niya na tumanggi ay hindi niya magawa, lalo pa ngayon na nasa kamay na niya ang lipstick na matagal na n'yang pinapangarap.

Ilang sandali na ang nakalipas pero hindi ito nagsasalita. Nang mag angat siya ng ulo ay napansin niya na matiim ang tingin nito sa gitna ng mga hita niya.

Inayos niya ang upo dahil kita na pala ang singit niya dahil nalihis ang panty niya.

"Ano, Kuya Lucian, sasamahan mo ba ako?"

Nag iwas ito ng tingin. "Ayoko." Sagot nito bago siya iniwan.

Nanlulumo na sinundan niya ito ng tingin. Napansin niya na madalas na iwasan siya nito simula ng manggaling sila sa hot spring. Tuwing kakain sila ay hindi rin ito sumasabay sa kanila ni Lola Asun. May nagawa ba siyang mali at hindi nito nagustuhan?

Nalaman ba ng pinsan niya ang ginagawa n'yang panghihingi ng mga suhol sa mga kadalagahan sa Isla nila?

Nagpapadyak siya ng paa. "Paano na 'to ngayon!" Hindi niya gustong ibalik pa ang lipstick kay Birang!

KANINA pa nakatago sa puno at nakasilip si Letlet sa pinsang si Lucian habang nagsisibak ito ng kahoy. Kanina pa siya nag iisip ng dahilan kung ano ang gagawin niya para mapasama ito sa kanya.

Mabilis na gumaling ang pinsan niya, nagtataka man siya ay nagpasalamat nalang siya dahil nagagawa na nitong gumalaw ng malaya ngayon.

Paano kaya niya 'to makukumbinse na sumama sa kanya sa bahay nila Birang? Mabilis na nagtago siya sa puno ng makita ang paglingon ng pinsan niya.

"Letlet!"

Napakamot si Letlet sa ulo ng marinig ang napakalakas na tawag ni Lola Asun. Tumigil sa pagsisibak ng kahoy si Lucian at sinundan ng nagtatakang tingin si Letlet na dumaan habang nakanguso.

"Lola, bakit po?" Tanong niya ng makalapit kay Lola Asun.

"Puntahan mo nga si Mario at kunin sa kanya ang limangdaan na inutang niya sa akin." Utos ng Lola niya.

Nagliwanag ang mukha niya sa narinig. "Talaga po?" Ngayon lang yata siya natuwa na inutusan siya nito na pumunta sa bahay nila Birang. Si Mang Mario kasi ang ama nina Birang at Balug.

Nagtataka na tumingin sa kanya ang Lola niya. "Bakit parang tuwang-tuwa ka ata ngayon, Letlet? Wag mo sabihin sa akin na nobyo mo na si Balug kaya tuwang-tuwa ka d'yan?" Puno ng pagdududa na tumingin sa kanya ang Lola Asun niya.

Umasim ang kanyang mukha ng marinig ang pangalan ni Balug. Ito ang dahilan kung bakit ayaw niya na inuutusan siya ng Lola niya na pumunta sa bahay ng mga 'to. Kung hindi lang dahil sa lipstick ay hinding-hindi siya pupunta sa bahay nila Birang.

Palagi nalang kasi sinasabi ni Balug na mahal siya. Ang siraulong 'yon, ano ang tingin nito sa kanya isda? Prutas? Gulay? Bangka? Dito sa Isla nila ay pinapapalit ang mga mahal, katulad ng mga nabanggit niya. Ano siya isang bagay kaya nasabi nito na mahal siya?

"Lola, wag mo akong ipagpapalit sa bangka o isda, ha?" Bigla n'yang sambit.

Nangunot ang noo ng Lola niya. "Ano ba ang sinasabi mong bata ka?"

"Ah basta, Lola, wag mo 'ko ipagpapalit!" Napangiwi siya ng makatikim ng malakas na batok sa Lola niya.

"Lumakad ka na, Letlet!" Umalingawngaw na naman sa paligid ang malakas na boses ng Lola niya.

Nagmamadali na tumakbo siya palabas ng bahay at pinuntahan ang pinsan niya na nagsisibak ng kahoy.

"Kuya Lucian, samahan mo naman ako kila Mang Mario, may inutos kasi si Lola sa akin-"

"Ayoko." Tanggi agad ng pinsan niya na hindi man lang siya sinulyapan.

"Sige na, Kuya-"

"Stop pestering me, okay?!" Singhal ni Lucian sa kanya.

Nagyuko siya ng ulo. Hindi man niya maintindihan ang sinabi nito sa kanya, ramdam niya ang sakit sa kalooban niya.

"P-Pasensya na, Kuya Lucian. Ah, sige alis na ako." Nagmamadali na umalis siya sa harapan nito.

Huminto siya saglit sa paglakad at inilabas ang lipstick na nasa bulsa. Ibabalik nalang niya kay Birang 'to dahil hindi naman niya nagawa na gawin ang pinag usapan nila.

Puno ng panghihinayang ang mukha niya. Sayang, lipstick na naging bato pa!

Ibinalik niya kay Birang ang lipstick, hindi rin naman 'to nagalit sa kanya.

"Letlet!" Nagmamadali na nilapitan siya ni Balug na lalong ikinaasim ng kanyang mukha.

Wala pa naman siya sa mood ngayon, baka tsinelasin niya 'to sa mukha.

"Nandito ka ba sa amin dahil sa akin, Letlet? Mahal mo na ba ako?" Tanong pa nito.

Mahal? Ano ba ang sinasabi nito? Paano magiging mahal ang pagmumukha ni Balug, eh wala namang papayag na ipalit ito maski siguro sa isda?

"Pwede ba, Balug, tigilan mo 'ko, baka hindi kita matantiya at tsinelasin kita!" Inis na pakli niya saka tinalikuran ito.

[Letlet]

PAGKARATING sa bahay ay hindi niya tinapunan ng tingin ang pinsan n'yang si Lucian. Masama ang loob niya dahil hindi siya sinamahan nito, wala na tuloy sa kanya ngayon ang lipstick na matagal na n'yang pinapangarap.

Agad na hinanap niya ang Lola Asun niya para ibigay ang limangdaan dito pero hindi niya 'to nakita. Saan naman kaya nagpunta ang Lola niya?

Gusto man n'yang tanungin ang pinsan na si Lucian ay hindi niya ginawa. Halata naman na ayaw nito sa kanya, iyon ang napansin niya rito. Kung hindi ito nakasigaw sa kanya ay ramdam niya ang pag iwas nito, naisip nga niya minsan, ano ba ang nagawa n'yang mali?

Sabagay, hindi naman niya ito masisisi dahil hindi naman sila lumaki ng magkasama, kaya marahil para dito ay isa parin siyang estranghero. Saka isa pa ay nawalan ito ng alaala, kaya maging si Lola at ang dati nitong buhay ay nakalimutan na nito.

Naaawa siya sa pinsan niya dahil alam niya na mahirap ang pinagdadaanan nito ngayon. Siguro ay araw-araw nitong iniisip kung kailan babalik ang alaala nito.

Malapit ng dumilim at wala parin ang Lola niya. Nagpunta siya ng kusina para magluto. Natigil siya sa paglakad ng magkasalubong sila ni Lucian.

Agad na nagyuko siya ng ulo at gumilid para makadaan ito.

Magkalayo na nga sila ng kulay ng balat, pati sa taas ay magkalayo din sila. Ang swerte talaga ng pinsan niya dahil sinalo na nito ang lahat. Magandang lalaki na, matangkad pa!

Samantalang siya, hindi na kaputian ay hindi rin kataasan.

Pagkatapos n'yang magluto ay inilagay niya sa mesa ang mga pagkain bago siya pumasok sa maliit n'yang kwarto at naghanda ng damit. Idadaan nalang niya sa paliligo ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Sakit ng mawalan ng isang lipstick!

Kinagat niya ang labi. Nagsimulang umusbong ang inis sa dibdib niya. Para sa tulad niya na hindi nakakaalis ng Isla at walang kamag anak na nagpapadala ng mga bagay katulad ng lipstick, pabango at ng kahit ano, ay napakahalaga sa kanya ng isang pirasong lipstick! Pangarap niya na magkaroon nito at hindi natupad 'yon dahil sa pinsan niya.

Kasalanan itong lahat ng pinsan niya. Kung sinamahan lang sana talaga siya nito kanina.

[Lance]

TUMAYO si Lance at pumasok ng kusina. Hinanap ng mata niya si Letlet pero hindi niya nakita ang dalaga. Nakita niya ang pagkain na nakahain sa mesa, bigla tuloy kumulo ang tiyan niya.

Gusto na n'yang kumain pero gusto niya ng may kasabay ngayon.

Simula ng manggaling sila sa hot spring ay umiwas na siya kay Letlet. Mahirap na at baka hindi niya mapigil ang sarili niya. Kailangan niya na panindigan sa ngayon ang pagpapanggap niya dahil nakasalalay ang buhay niya dito ngayon.

Tumingin siya sa suot na damit na binigay pa sa kanya ni Lola Asun. Basang-basa na siya ng pawis.

Pumasok siya ng kwarto at kumuha ng isang short at tuwalya, matapos makuha ang kailangan ay saka siya lumabas para magpunta sa likuran ng bahay kung nasaan ang nagsisilbing paliguan at banyo nila.

Sa ilang araw na pananatili niya sa Isla ay nasanay na ang mata niya sa dilim. Malayong-malayo ang buhay na mayro'n siya rito kumpara noong nasa Maynila pa siya, pero kailangan n'yang magtiis ngayon at sumabay sa agos.

Mabuti nalang talaga at inakala ng matanda na siya ang apo nito. Sana lang ay wag muna magpakita ang tunay na apo ng matanda, dahil kung mangyari ang bagay na 'yon ay sigurado na pupulutin siya sa kangkungan, or worst, baka tuluyan na siyang mamatay sa kamay ng Uncle Ben niya.

Pagkapasok niya ng banyo ay sinabit niya ang dalang short at tuwalya sa gilid. Kabisado niya na kung saan ang alambre na pwede pagsampayan ng damit kahit madilim.

Mabilis na naghubad siya ng damit at short. Natigil siya sa pagkuha ng tubig sa drum ng makahawak ng malaki at malambot na bagay, hindi nag iisip na pinisil niya ang bagay na 'yon.

"Bastoooosssss!"

"Damn-ouch!" Panay ang harang niya ng kamay dahil pinaghahampas siya ngayon ng babaing kilalang-kilala niya ang boses.

Si Letlet!

Damn! Kaya pala pamilyar ang pakiramdam niya kanina habang hawak niya ang bilugang bagay na 'yon.

Hindi niya alam kung malas ba siya o swerte. Swerte dahil nahawakan niya ang malaking dibdib ni Letlet, o malas dahil sa matinding hampas ng tabo ang natatamo niya ngayon.

[Letlet]

"BASTOS! BASTOS! BASTOS!" Patuloy sa paghampas si Letlet sa binata kahit madilim. Kahit madilim ay hindi niya ito tinigilan sa sobrang inis niya.

Nagawa nitong hawakan ang dibdib niya, at hindi lang 'yon, hinimas pa nito at pinisil-pisil!

Hindi niya pinakinggan ang mga d***g ni Lucian at patuloy itong pinaghahampas. Sisiguraduhin niya na dila at mata lang nito ang walang latay sa gagawin niya!

Hindi niya matatanggap na bukod sa kanya ay may ibang tao na nakahawak sa dibdib niya, at lalaki pa talaga!

Kahit sabihin na pinsan niya ito ay hinding-hindi niya ito titigilan!

Mas nilakasan niya ang paghampas ng tabo sa pinsan niya.

"Bastos ka!"

"Letlet, stop- hindi ko sinasadya- ahh shit!" Ilang beses na napasigaw si Lucian sa sakit ng tamaan ito ng tabo sa mukha.

Dahil sa madilim ay hindi niya namalayan na nalaglag na pala ang sabon at naapakan niya, kaya naman nadulas siya kasama ang pinsan niya.

"A-Aray..." Mahinang d***g niya ng tumama ang likod niya sa sahig. Pakiramdam niya ay nabalian yata siya sa buto.

Kapag minamalas ka nga naman, oh!

Kanina lang ay nahawakan siya sa dibdib, ngayon naman ay nadulas pa siya at mukhang mababalian pa ng buto.

Malas!

Natigilan siya ng maramdaman ang mainit na hininga na tumatama sa leeg niya. Madilim man ay alam niya na pareho silang dalawa ng pinsan niya na walang suot na saplot dahil sa init na nagmumula sa katawan nilang dalawa.

"A-Are you okay?" Paos na tanong ni Lucian sa pagitan ng mabigat na paghinga.

Hindi niya magawang magsalita at nanatili na nakahiga. Natatakot siyang gumalaw at hiyang-hiya ang pakiramdam niya ngayon. Hindi man niya nakikita ang mukha niya at tiyak siya na pulang-pula ang mukha niya.

Sinong hindi mahihiya sa posisyon nila ngayon, kung ang mainit na bagay, matigas at mahaba ay nakatutok ngayon sa perlas niya!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status