Share

2. Maling akala

[Letlet]

HALOS mapunit ang labi ni Letlet sa tindi ng pagkakangiti. Puno na ang dala n'yang dalawang bayong ng iba't ibang klase ng gulay at prutas. Tama nga siya, malaki ang pakinabang ng pagkakaroon ng imported na pinsan!

Lahat ng kadalagahan sa Isla nila ang nagbigay sa kanya ng mga 'to. Pero syempre ay hindi 'yon libre at may kapalit.

Pumayag siya na bisitahin ng mga 'to ang makisig n'yang pinsan. Pero isang beses na pagbisita lang, kapag gusto nilang umulit ay kailangan nila na magbigay ng panibagong suhol sa kanya para makabisita sila ulit.

Hindi pa tuluyang gumagaling ang Kuya Lucian niya. Hindi parin ito nakakalabas ng kanilang bahay, pero nakakatayo na 'to at naigagagalaw na rin nito ang braso kahit paano. Sana ay tuluyan na 'tong gumaling, para naman may katulong na siya sa mga gawain sa bahay. Palagi nalang din kasi siya ang inuutusan ng kanyang Lola Asun.

"Letlet!"

Napangiwi siya ng marinig ang boses ni Birang, ang babae na pakiramdam yata ay ubod ng ganda. Tiyak na nakarating na dito ang balita tungkol sa pinsan niya kaya para itong kabayo na tinakbo ang direksyon niya kaya naman hingal na hingal ito ngayon.

Wala siyang nagawa kundi ang lingunin 'to. "Bakit?" Tanong niya kunwari kahit ang totoo ay may idea na siya kung ano ang pakay nito. Hindi ugali ni Birang ang hindi landiin ang halos lahat ng binata sa lugar nila, lalong lalo na kung kasing kisig ng pinsan niya.

"Hmp, ang yabang mo naman! Magtatanong lang naman ako-"

"Mayabang agad? Hoy Birang, kung may kailangan ka sabihin mo na hindi 'yong ang dami mo pang paligoy-ligoy." Simula pagkabata ay hindi na sila magkasundo, pero hindi rin naman nasasabi na mortal silang magkaaway dahil ang totoo n'yan ay ito ang matalik na kaibigan niya. Sadyang ganito lang talaga sila mag usap.

Sinuklay ni Birang ang matigas na buhok gamit ang kamay. Inayos din nito ang suot na lumang blusa at binasa ang labi na nanunuyo. Maitim man si Birang kaysa sa kanya ay malinis naman ito sa katawan, katulad ng kapatid nito na si Balug.

"Balita ko, Letlet, may pinsan ka daw na imported." Lumapit pa ito sa kanya at bumulong. "Ipakilala mo naman ako, sige na." Imported ang tawag nila sa mga tao na hindi lumaki sa Isla katulad nila.

Napaisip siya. Lugi naman ang ilang kadalagahan sa kanila na nagbigay pa ng gulay at prutas kung ipakikilala niya si Birang na hindi naman nag abot ng kahit ano sa kanya.

"Ipakilala mo ako, Letlet. Pangako ibibigay ko sayo ang lipstick na pinadala ng tita ko galing Maynila."

Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi nito. Paano ay matagal na niya gusto na magkaroon ng lipstick pero hindi naman siya binibilhan ng Lola niya. Lumaki nalang siya at umabot sa edad na bente ay hindi pa siya nakakaalis sa Islang kinalakhan niya.

"Sige, pumapayag na ako. Basta isang beses lang kita ipapakilala." Agad na tumango si Birang sa sinabi niya.

Pakanta-kanta pa siya pauwi. Bukas ay ibibigay na ni Birang ang lipstick na gusto niya, kaya bukas na bukas din ay ipapakilala na niya ito si kanyang Kuya Lucian.

"Damn!"

Natigil siya sa pagkanta at tumingin sa may ari ng boses na narinig niya. Ano ang ginagawa ng pinsan niya sa likuran ng bahay nila?

Nakatayo ito roon habang paulit-ulit sinasabi ang katagang- Dam?

"Kuya Lucian, ayos ka lang ba?" Nilapitan niya ang pinsan at tumingin sa suot nitong short na nakababa. Nanlaki ang mata niya ng makita ang mahaba at mataba na bagay na nasa pagitan ng hita nito.

"Damn it, stop looking at my penis!" Singhal nito sa kanya.

Maang na nag angat siya ng tingin. "Ano ulit 'yon, Kuya Lucian?"

Tinalikuran siya nito. "Damn! Wala talagang matino sa Islang 'to!" Inis na pakli nito na tila ba inis. "Bakit ngayon pa namanhid ang mga braso ko kung kailan umiihi pa ako!"

Napangiti siya ng makita ang maputing pang upo ni pinsan niya. Parang labanos talaga sa puti lahat ng parte ng balat nito!

"Kuya Lucian-"

"Stop calling me Kuya, idiot! Hindi kita kapatid at lalong hindi kita pinsan!" Nakatalikod parin ito sa kanya.

Napakamot siya sa ulo. Gusto lang naman niya itanong kung ang pagtaas ba ng salawal nito ang problema nito ngayon, pero mukhang napakainit ng ulo nito ngayon. Nakakatakot dahil para itong si Lola Asun na bubuga ng apoy anumang sandali.

Lumapit siya sa nakatalikod na pinsan niya at lumuhod sa likuran nito dahil balak niyang itaas ang suot nitong lumang short- pero hindi pa niya nahahawakan ang short ni Kuya Lucian ng bigla itong humarap, sakto ang pagtama ng mahaba at matabang bagay na 'yon sa kanyang mukha.

"Damn-w-what are you doing?!" Biglang napa-atras ang pinsan niya at namula ang tenga. Nagtaas-baba din ang dibdib nito na para bang nahihirapan sa paghinga.

Hinawakan niya ang short nito at itinaas. "Ayan, ayos na at wala ka ng problema." Tumayo siya at tumingala. Matangkad kasi ang kanyang Kuya Lucian kaya naman kailangan pa niya na tumingala rito. "Ayos ka lang ba, Kuya Lucian?"

Bakit namumula parin ang mukha nito at nahihirapan parin na huminga? Inaatake ba 'to?

"A-Anong klase kang babae? B-Bakit balewala lang sayo ang.... a-ang makakita ng..." Halos kandautal na tanong nito.

Napatango siya. "Ah, 'yong ganyan ba?" Turo niya sa bagay na nasa pagitan ng hita nito. "Palagi kasi akong nakakakita ng ganyan." Paliwanag niya. Lumaki siya sa Isla, karamihan ng tao sa kanila ay ang paglangoy ang kinahihiligan. Palagi siyang nakakakita ng mga bata, binatilyo na lumalangoy na walang saplot at natural na sa kanila 'yon.

Pero aaminin niya na kakaiba ang sa pinsan niya. Mahaba kasi ang ari nito at maugat, idagdag pa na halos kasinglaki na 'to ng braso niya.

"Shit!" Nagmamadali na tinalikuran siya nito at iniwan siya kaya sinundan nalang niya ito ng tingin.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya nasasanay sa kasungitan nito.

Di bale, alam niya na epekto lang 'yon ng nangyari dito. Balang araw ay masasanay din 'to sa lugar nila. Sa ngayon kasi ay nag-aadjust pa ito sa bagong kapaligiran, kaya naman kailangan n'yang lawakan ang pang unawa niya. Saka marami pa namang pagkakataon, kailangan lang niya na maghintay sa tamang panahon na 'yon.

[Lance]

"DAMN! DAMN! DAMN!" Paulit-ulit na mura ni Lance. Hanggang ngayon ay nag iinit parin ang katawan niya dahil sa nangyari.

Damn that bitch! Akala niya ay inosente ito pero hindi pala dahil sanay na sanay na pala 'to!

Kapag naaalala niya ang pagtama ng alaga niya sa mukha nito ay parang mababaliw siya. Gustong-gusto niya na sunggaban ito pero nagpigil lang siya. Idagdag pa na tumaas ang dugo niya sa sinabi nito na sanay na 'to.

Talagang proud pa 'to sa ginagawa!

Damn! Bakit parang disappointed siya? Ano naman kung sanay na 'to? Wala siyang pakialam kung sanay man ito o hindi, dahil wala naman siyang plano na patusin ang katulad nito na mahina ang utak.

Kapag nakabalik siya ng Maynila ay magpapakasaya talaga siya ng husto-pero tangina naman! Bakit iba ang init na naramdaman niya sa pekeng pinsan niya?

Hindi naman siya ganito sa kahit na sinong babae!

"Kuya Lucian-"

"Damn, ano na naman ba?!" Inis na tanong niya na nakaiwas ang tingin. Hindi niya gusto na makita nito ang pamumula ng mukha niya.

Damn this bitch! Sinundan pa talaga siya hanggang dito sa kwarto! Sinundan ba siya nito dahil sa nalakihan ito sa alaga niya? Is she want to have sex with him?

Napalunok siya. Imposible! Ang alam nito ay siya ang pinsan nito, kaya naman malabo ang nasa isip niya.

"Kuya Lucian, may gagawin tayo para mawala ang hiya mo. Ang kailangan mo lang ay gawin ay sundin ang ipagagawa ko sayo."

He's curiosity is now killing him. Ano naman kaya ang gagawin nila para mawala ang hiya niya? Ano ang ipagagawa ni Letlet sa kanya? Damn! Bakit tila nai-excite siya?

"Dali na, Kuya Lucian, ipapakita ko sayo kung bakit ako sanay."

Tuluyan na siyang napaharap kay Letlet na ngayon ay nakangiti na nakatingin sa kanya. Hindi siya mahilig sa mga morenang babae, but damn! Bakit iba ang atraksyon na nararamdaman niya ngayon kay Letlet?

"Kuya Lucian?" Pukaw ni Letlet sa kanya na ikinagising niya sa saglit na pagkatulala. "Ayos ka lang ba talaga, Kuya Lucian? Wag nalang kaya tayo tumuloy-"

"Tuloy tayo!" Agad na putol niya kay Letlet. Tumikhim siya at iniwas ang mata. "Nagpasya ka na kaya kailangan natin simulan."

Bakit pa siya tatanggi? Palay na ang lumalapit sa manok kaya walang dahilan para tumanggi siya.

Sinundan niya si Letlet ng magpatiuna ito sa paglalakad. Dumaan sila sa masukal na daan.

Hindi niya akalain na ganito pala ka-wild ang pekeng pinsan niya.

"Sigurado ako na matutuwa ka sa gagawin natin." Matamis ang ngiti sa labi na sabi ni Letlet na bahagya pa siyang nilingon.

Maingay siyang napalunok. Damn! Bakit libo-libong pananabik ang nararamdaman niya ngayon? Ganito na ba siya ka-tigang?

Napailing siya.

Kahit naman hindi siya makipagsex ng ilang buwan ay hindi siya nasabik ng ganito.

"Sigurado ako na masasarapan ka, Kuya Lucian. Dapat ibaon mo, ha?"

Napalunok na naman siya. Teka, ilang lunok na ba ang nagawa niya simula kanina? Damn! Hindi pa siya nakakabaon pero parang nasa langit na agad siya sa mga sandaling 'to.

"Sigurado na mawawala ang init ng ulo mo, Kuya Lucian. Nakakarelax kasi ang gagawin natin." Patuloy ng dalaga.

"Nakakawala talaga ng ulo kapag nakabaon na ako sayo." Mahinang sabi niya.

Gusto niyang kutusan ang sarili. Damn! Hindi ba't parang masyadong bata sa kanya si Letlet?

Huminto siya sa paglalakad. "Ilang taon ka na, Letlet?" Tanong niya kahit may hinala na siya na nasa disi-nwebe na 'to.

Huminto si Letlet sa paglakad at nilingon siya. "Benta na ako, Kuya Lucian, bakit?"

Bumuga siya ng hangin. Masyado pa itong bata para sa kanya.

"Masyado ka pang bata, Letlet. Hindi natin dapat gawin 'to-" natigil siya sa pagsasalita ng hawakan ni Letlet ang kamay niya at hilahin siya.

"Wala naman sa edad ang gagawin natin, Kuya Lucian, basta marunong at magaling ka ay pwede na!"

Hindi niya magawa na hilahin ang kamay pabalik. Tama si Letlet. Wala 'yon edad! Mas mabuti pa na alisin niya ang pag aalinlangan sa isip niya ngayon at mag enjoy nalang. Hindi naman inosente si Letlet katulad ng iniisip niya noong una. Sanay na sanay na 'to at alam ang ginagawa kaya sino ba naman siya para tumanggi?

Nakaramdam siya ng panghihinayang ng bitiwan ni Letlet ang kamay niya, pero agad na lumiwanag ang mukha niya ng mapagtanto na narito na sila sa lugar kung saan nila gagawin ang balak nila.

Dati naman ay wala siyang pakialam kahit saan sila magsex ng mga ka-fling niya, pero ngayon ay iba, dahil hindi niya gusto na ma-istorbo sila. Saka kakaibang experience ang magsex sa loob ng kagubatan.

"Kuya Lucian, ano pa ang hinihintay mo? Hubad na." Utos ni Letlet sa kanya.

"Ang aggressive mo naman, Letlet." Hindi mapigilang sambit niya.

Kumunot ang noo ni Letlet. "Ayaw mo maghubad? Ayos lang naman sa akin kahit hindi ka maghubad, pero paano ka masasanay, di'ba?"

Grabe, hindi talaga niya akalain na may ganitong ugali si Letlet. Sabagay, marami na itong karanasan kaya natural lang na ganito ito.

Nagmamadali na hinubad niya ang lahat ng saplot at wala siyang itinira maski isa. This is his first time to have sex with a twenty year old girl, kaya naman sisiguraduhin niya na magiging unforgettable ang araw na 'to para sa kanilang dalawa.

Lumapit siya kay Letlet na ngayon ay nakatingala na sa kanya. "Let's enjoy this moment, Letlet." Paos ang boses na sambit niya.

"Mag enjoy ka sa baba, Kuya Lucian." Nakangiting sambit ni Letlet.

Tumango siya at handa ng sabihin na- mag eenjoy talaga siya na sisirin ito- ng bigla siyang itinulak ni Letlet.

Malakas na sigaw ang kumawala sa labi niya bago bumagsak sa maligamgam na tubig.

HINDI niya magawa na umalis sa pwesto niya habang nakalubog ang katawan sa isang hot spring.

Damn!

Hiyang-hiya siya sa sarili dahil magkaiba pala sila ng nasa isip ni Letlet!

Kaya pala sinabi nito na wala sa edad ang gagawin nila dahil halo-halong edad ang narito sa hot spring. May bata, may binatilyo at may mga matanda. Katulad niya ay wala itong mga saplot.

Ang masaklap pa ay mayro'ng may edad na babae silang kasama, at lahat ng mga matandang babae ay nakatingin ngayon sa kanya!

"Kuya Lucian, ibaon mo pati ulo mo sa tubig!" Rinig niya ang malakas na alingawngaw ng sigaw ni Letlet.

"Damn." Inilubog niya ang ulo sa ilalim ng tubig. Ngayon ay naiintindihan na niya ang ibig sabihin ni Letlet na sanay na ito.

Damn his stupid mind! Hinusgahan niya agad ang dalaga at inakusahan ng kung ano-ano.

Pumikit siya at hinayaan na namnamin ng katawan ang maligamgam na tubig.

"Dapat ibaon mo, ha?"

He grinned when he remembered what Letlet said earlier. Damn! Tama nga ang dalaga, masarap sa pakiramdam ang magbabad dito, gumaan ang pakiramdam niya.

Wala sana siyang plano na mag angat ng ulo mula sa ilalim ng tubig, pero may naramdaman siyang humawak sa balikat niya kung nasaan ang sugat niya.

Nanlaki ang mata niya ng pagmulat niya ay nasa harapan na niya ang dalaga. May ngiti ito sa labi habang nakatingin sa kanya.

"Masarap kapag nakabaon ka sa ilalim di'ba, Kuya Lucian?"

Saglit siyang napatulala, kasabay ng malakas na kabog ng kanyang dibdib.

Damn. What's happening to him?! Bakit imbis indahin niya ang paghawak ng dalaga sa sugat niya ay nakatingin lang siya rito?!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shiela
alas dos na pero kilig na kilg ako hhe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status