Share

1. Pagpapanggap

[Letlet]

"Dalian mo, Letlet!" Halos mayanig ang buong bahay nila na gawa sa pawid sa lakas ng sigaw ng kanyang Lola Asun.

Taranta na tumakbo siya para sundin ang iniutos ng kanyang Lola, ang kumuha ng isang uri ng halamang gamot para sa sugat.

"Aray ko po!" Malakas na hiyaw niya ng madapa. Katulad ng palaging nangyayari ay nauna na naman ang kanyang mukha, nagasgasan na naman tuloy ang mukha niya.

Nagmamadali siyang tumayo. Baka bugahan siya ng apoy ng Lola Asun niya kapag hindi agad siya nakabalik.

Nang makuha ang kailangan niya ay nagmamadali siyang tumakbo pabalik. Kailangan daw ito para magising na ang pinsan niya. Malala kasi ang sugat na natamo nito dahil sa disgrasya kaya naman ginagamot ito ngayon ng kanyang mabait na Lola.

"Oh, Letlet, may bangas na naman ang Maganda mong mukha. Sabi ko naman sayo di'ba kapag may kailangan kang gawin ako nalang ang utusan mo. Para sa'yo gagawin ko lahat. Ganyan kita kamahal!"

Hindi niya pinansin si Balug. Nilagpasan lang niya ito katulad ng palagi n'yang ginagawa.

Palagi nito sinasabi na mahal siya. Hindi naman siya bangka para maipagpalit ng mahal. Saka kahit mahal pa siya ay hindi naman siya papayag na ipalit siya ng kanyang Lola sa mga gulay, prutas o isda. May pag aari noon ang Lola niya na isang bangka. Narinig niya na mahal iyon, pero ipinalit lang iyon ng Lola niya sa limang buwan na panustos ng mga isda, gulay at prutas.

"Letlet! Mamamatay na 'tong pinsan mo dahil sa kabagalan mo!"

Nagtakip siya ng dalawang tenga. Kung magsalita ang Lola niya ay halos pasigaw, eh magkatabi lang silang dalawa.

Tumingin siya sa pinsan niya na nakahiga. Hindi niya maiwasan na ikumpara ang balat nito sa kanyang balat.

"Lola Asun, bakit po ang puti ng balat niya at sa akin ay hindi?" Hinawakan niya ang sariling braso saka binasa ng laway ang kamay at saka ikinuskos iyon ng madiin sa balat.

Hindi nagbago ang kulay niya, maitim pa rin siya kumpara rito.

Nilagyan ng halamang gamot ng Lola niya ang sugat sa balikat nito.

"Imported kasi siya, Letlet." Sagot ng Lola niya pagkaraan ng ilang sandal.

"Napakamot siya sa ulo. "Eh Lola, alam kong imported siya, pero bakit perpekto siya?"

"Teka paano ko ba ipapaliwanag 'to?" Nagkamot sa kilay ang Lola niya. "Ganito nalang, siya labanos, samantalang ikaw naman ay talong."

Nalukot ang mukha niya. "Lola naman, eh! Hindi naman gano'n ang kulay ko!" Reklamo niya na tinawanan lang ng matanda.

Habang ginagamot ng Lola niya ang pinsan niya ay hindi niya maiwasan na pasadahan ng tingin ang kabuohan nito.

Maputi ang balat ng pinsan niya. Wala siyang makita na maski isang pilat sa makinis nitong balat, maliban nalang sa mga sariwang sugat na sigurado siya na mag iiwan na ng marka. Makapal ang kilay nito at malantik ang pilikmata. Tila isang anghel ito habang natutulog. Matangos din ang ilong nito at mapula ang labi. Perpekto din ang prominenteng panga nito.

Mas makisig pala 'to sa personal kaysa sa litrato.

Ngayon lang siya nakakita ng isang perpektong lalaki sa buong buhay niya. Kahit si Balug ay walang binatbat sa pinsan niya. Sigurado na maaalis na ang kayabangan na mayro'n 'to dahil hindi na ito ang ituturing na pinakamagandang lalaki rito sa kanilang Isla.

Hindi niya mapigilan ang ngiti sa labi. Hindi man niya nakasama ang pinsan niya sa paglaki ay masaya pa rin siya dahil simula sa araw na 'to ay may kasama na siya sa mga gawaing bahay. Hindi na siya mahihirapan at makikinig mag isa sa mga sermon ng kanyang Lola Asun.

Hindi niya inaasahan na uuwi ng bahay ang kanyang Lola Asun na kasama na ang pinsan niya. Wala naman kasing nabanggit ang Lola niya na may darating silang kamag anak. Mabuti nalang at nakita ng Lola niya ang pinsan niya sa gilid ng pangpang habang nag aagaw buhay dahil sa natamong sugat.

Ang sabi ng Lola niya ay baka inabutan ito ng malakas na alon sa gitna ng dagat at nasira ang bangka na sinasakyan.

Ilang taon na kaya ito? Basa sa palagay niya ay nasa trenta na ito o baka mas higit pa.

Nangalumbaba siya habang nakatingin sa maamo nitong mukha. Tiyak na pagkakaguluhan ng mga kababaihan ang pinsan niya.

At malaking bagay 'yon para sa kanya.

Isang malakas na batok ang nakapagpagising sa kanya. "Lola naman!" Hindi pa rin nagbabago ang Lola Asun niya. Hanggang ngayon ay masakit pa rin itong mambatok sa kabila ng katandaan nito.

"Anong nginingiti-ngiti mo ri'yang bata ka?" Mukhang nahulaan ng matanda ang nasa isip ng apo.

Hindi siya sumagot. Nagmamadali na tumakbo siya palabas ng bahay at saka malakas na sumigaw.

"Mga kapibahay! May pinsan akong IMPORTED!" Sigurado na magiging maganda ang araw niya simula ngayon.

[Lance]

"DAMN." Mahina ang boses na mura ni Lance ng magising. Nanunuyo ang lalamunan niya.

He needs water!

Pilit na bumangon siya, pero agad na huminto sa paggalaw at napangiwi ng kumirot ang balikat niya.

"Arghh, shit!" D***g niya. Nanghihina na sumandal siya sa magaspang na pader—

Agad na nilibot niya ang tingin sa paligid ng mapansin na bago sa paningin niya ang kinaroroonan niya.

Nanlaki ang mata niya ng makita na hubad ang katawan niya at natatapalan lang siya ng iba't ibang klase ng dahon, maging ang pagkalalaki niya ay hindi nakaligtas sa mga naglalakihang dahon.

Damn! Sino ang nan-trip sa kanya at ganito ang ayos niya ngayon?!

Dahil sa naisip ay pinilit niya ang sarili na tumayo.

"Tama si Letlet, napakakisig niya."

"Ohh fuck!" Mabilis na bumalik siya ng upo at inayos ang dahoon na nakatapal sa pagkalalaki niya.

Damn! Ngayon lang niya napansin na napapaligiran siya ng mga kababaihan!

Mahaba ang buhok ng mga ito. Mukhang simula ng pinanganak ay hindi pa yata nasasayaran ng suklay ang mga buhok nga mga 'to. Nangingintab din ang napakaitim na balat ng mga 'to. Nang ngumiti sa kanya ang mga babae ay nakita niya ang nangingitim na mga ngipin ng mga 'to.

Pinagpawisan siya at maingay na lumunok. Why does he have this feeling that these all women are ready to eat him alive?

"Mabuti at gising ka na apo." Ani ng matandang babae na kapapasok lang. Gano'n din ang mukha ng matandang kaharap niya. Ang kaibahan lang ay may edad na ito, samantalang ang mga babae na tila leon na nakatingin sa kanya ay mukhang hindi pa gano'n katanda.

Wait, apo daw? Is she referring to one of these women?

Nanigas ang katawan niya ng lumapit ang matanda sa kanya at sinimulang alisin ang mga dahon isa-isa na nakadikit sa katawan niya.

Damn! Pati ba ang nakadikit sa pagkalalaki niya ay balak nitong alisin?

Madiin na hinawakan niya ang kamay ng matanda ng hahawakan n anito ang hindi dapat hawakan.

"What are you doing, old lady?" Nilibot niya ng tingin ang paligid. "And where I am?" Hindi niya alam kung nasaang lugar siya.

Pero nasaan man siya ay kailangan n'yang umalis sa lugar na ito.

"Aling Asun, ibang lenggwahe ang gamit niya! Tama si Letlet, isa siyang imported!?" Tila kinikiliti na wika ng isang may katabaan na babae. Katulad ng iba ay nangingintab din ang balat nito sa kaitiman at nangingitim ang ngipin.

Damn! Nasaan ba kasi siya?!

Halos mangisay sa kilig ang mga kababaihan habang nakatingin sa kanya. Iniwas niya ang tingin sa mga ito dahil parang lalong sasama ang pakiramdam niya makita palang ang mga 'to.

"Hey, I'm asking you, where am I?" Do you have a cellphone? I need to make a call!" Muli n'yang tanong sa matanda.

Pero wala siyang nakuhang sagot mula rito.

"Damn it! Don't touch my crotch!" Agad na tinabig niya ang kamay ng matanda ng magtangka itong hawakan muli ang hindi dapat hawakan.

Kung maganda at batang babae lang ang kaharap niya ay ayos lang sa kanya kahit na maglakad pa siyang nakahubo sa harap nito. Napatingin siya sa mga babae na nakangiti ng nakakatakot sa kanya... Pero kung ganitong mga babae ang nasa harap niya ay mas gugustuhin pa niya na malunod na lang.

"Apo, para sa'yo ang ginagawa ko. Sinisigurado ko lang na buo pa at hindi napinsala ang itlog mo. Dahil baka hindi ka na magkaanak kapag napinsala 'yan." Paliwanag ng matanda.

Napangiwi siya. Ano ba ang sinasabi nito? Apo? What the heck?! Kailan pa siya nagkaro'n ng bagong abuela? Nag asawa bang muli ang Lolo niya?

"Lola Asun, dala ko na po-"

"Letlet, kanina pa ako naghihintay sa'yo! Nagising nalang ang pinsan mo ay wala ka pa rin!"

Napapikit siya at halos mayanig ang eardrum niya sa lakas ng hiyaw ng matandang kaharap niya.

Damn! Daig pa nito ang naka-megaphone!

"Pinsan, Mabuti at gising ka na!" Masaya na sambit ng babae na kararating lang. Umupo pa ito sa tabi niya at hinawakan ng kamay nito ang magkabila n'yang pisngi at saka sinuri ang kanyang mukha. "Isa ka ngang tunay na labanos, Pinsan!"

Saglit na natulala siya sa babae na nasa harapan. Sa loob ng kwartong kinaroroonan niya ay ito lang ang masasabi niya na pumasa sa panlasa niya.

Hindi ito kasing itim ng mga babae na nauna n'yang nakita. Mahaba ang itim nitong buhok at tuwid na tuwid. Napansin din niya na makinis ang balat nito kahit na hindi ito kasing puti ng mga babae na nakilala niya sa Maynila at iba't ibang bansa. May kasingkitan din ang mata nito at maliit ang matangos na ilong. Nang ngumiti ito sa kanya ay nakita niya ang maputi nitong ngipin.

May marunong naman palang mag-toothbrush sa mga nakatira dito.

Napakurap siya ng ma-realized ang sinabi ng babaeng kaharap. Kanina lang ay imported siya, ngayon naman ay naging labanos na, tapos ngayon ay pinsan pa? What the hell is happening?!

"Pinsan-"

"Woah! Stop calling me pinsan 'cause we're not!" Binalingan niya ang matanda. "I'm asking you again, where I am? Can I borrow your cellphone? I really badly need to make a call, damn it!" Hindi na siya natutuwa sa mga pinagsasabi ng mga 'to.

Nagsimula na siyang mag isip kung nasa planetang earth pa ba siya? O baka nasa isa siyang bangungot?

Nagkatinginan ang mga kababaihan. Mukhang naiintindihan na ng mga 'to ang gusto n'yang ipahiwatig.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Letlet. "Lola Asun, bakit hindi mo naman sinabi na gumagamit pala ng kakaibang lenggwahe ang pinsan ko! Grabe ang galing niya!"

Muntik ng malaglag ang panga niya sa narinig.

Damn! Mukhang kahit isa sa mga sinabi niya ay walang naiintindihan ang mga kaharap niya!

Napangiwi siya ng kumirot ang ang sugat sa balikat niya.

"Lucian, wag ka ng magsalita. Kailangan mong magpahinga muna para hindi ka mabinat-"

"Lucian?" Tinawag siyang Lucian ng matanda? "I'm not-"

"Wala kang maalala?" Singit ng babae na Letlet ang pangalan.

Gusto n'yang sabihin na hindi siya si Lucian dahil Lance Kerford ang kanyang buong pangalan, pero naunahan siyang magsalita ng matanda.

"Sinasabi ko na nga ba at na-apektuhan ang ulo mo dahil sa nangyari sayo. Mabuti na lamang at hindi na-apektuhan ang itlog mo. Dahil malaking kakulangan sa isang lalaki ang hindi pagkakaroon ng anak." Mahabang litanya ng matanda.

Nauubusan na siya ng pasensya sa mga pinagsasabi ng mga 'to. Damn! Anong kinalaman ng itlog niya sa nangyari sa kanya?

"Tama ka d'yan, Lola Asun. Mabuti nalang at hindi napuruhan ang-" Tumingin si Letlet sa gitnang bahagi ng hita niya. "itlog niya. Kawawa naman ang mga kababaihan dito sa atin na naghihintay na ma-anakan niya."

Sabay-sabay na nagsingiti ng nakakatakot ang mga babae habang nakatingin sa kanya.

Pinagpawisan siya ng malapot.

Kung alam lang niya na sa ganitong lugar siya mapapadpad ay pumayag nalang sana siya sa gusto ng Lolo niya na magpakasal sa babae na napipisil nitong mapangasawa niya.

Mahina siyang napamura ng maalala ang dahilan kung bakit narito siya ngayon sa lugar na 'to.

Damn! He almost forgot about his Uncle Ben's crime! Pinagtangkaan siya nitong patayin at muntik na itong magtagumpay!

Napasabunot siya sa kanyang buhok. Nangangalit ang kanyang mga ngipin. Sobrang sakit dahil nagawa ng taong itinuring n'yang ikalawang ama na pagtangkaan ang buhay niya.

"Kuya Lucian, m-may naalala ka na ba sa nangyari?" May bahid ng pag aalala ang mukha ni Letlet habang nakatingin sa kanya. "Nasira ba ang bangka o barko na sinasakyan mo? H-Hinarang ka ba ng shokoy sa laot?"

Pumikit siya at hindi ito pinansin. Kailangan n'yang makabalik agad sa Maynila para ipaalam sa Lolo niya ang ginawa ng Uncle Ben niya. Natatakot din siya para sa abuelo. Paano kung pati ito ay magawang saktan saktan ng sariling anak?

"Lucian, apo ko, alam ko na mahirap tanggapin at paniwalaan dahil wala kang naaalala sa ngayon. Pero maniwala ka, ako ang Lola Asun mo at siya naman ang pinsan mong si Letlet—"

"Asun! Asun!"

Natigil sa pagsasalita ang matanda at tumayo. "Oh, Hagud, napasugod ka?" Tanong nito sa may katandaan na lalaki na kararating lang at hinihingal pa.

"Gusto ko lang itanong kung may nakita kang estranghero sa Isla natin? May mga naghahanap at hand ana magbigay ng malaking pabuya sa kung sino man ang makahanap." Pagbibigay alam ng matandang lalaki.

Nabuhayan siya ng loob. Marahil ay ang kanyang Lolo ang naghahanap sa kanya.

"Ako ang apo—" Natigil siya sa pagsasalita ng muling magsalita ang matandang lalaki.

"Sobrang nag aalala na daw ang tiyuhin nito kaya naman kahit magkano ay handa itong magbigay ng malaking pabuya-" Tumigil sa pagsasalita ang matandang lalaki at tumingin sa kanya. "Ano 'yon, Iho? Mya sinasabi ka?"

Marahas siyang napalunok. Ang noo niya ay nagsimulang pagpawisan.

Damn! Talaga palang gusto siyang burahin sa mundo ng Uncle niya. Buong akala niya ay ang Lolo niya ang naghahanap sa kanya, pero hindi pala! Marahil ay gustong makita ng Uncle niya ang katawan niya para masiguro kung patay na ba talaga siya.

"Iho?" Nakatingin na sa kanya ang lahat na tila naghihintay ng sasabihin niya.

Tumikhim siya at saka mahinang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. He needs to do this! Gusto pa n'yang mabuhay ng matagal at mangyayari lang 'yon kung hindi siya matutunton ng kanyang Uncle Ben.

"L-Lola Asun, ako po ang apo mo.... Ako si... Ako si L-Lucian." Damn! Pasensya na, Lola, pero kailangan n'yang magsinungaling ngayon!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shiela
exciting ang kwento!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status