Share

CHAPTER 4

NANG HAPON na iyon ay magkasabay kami ni Crystal sa next class namin hanggang sa matapos nga ang klase at sumunod yung isa pa at sa kalaunan ay maaga ngang natapos ang klase namin mga 4:30 pm pa lang from our second to the last subject. Mataas pa ang sinag ng araw ,wala na kaming klase since may emergency yung teacher namin sa last subject.

Dahil sa dire-diretso ang klase ay pansamantala kong nakalimutan ang tungkol sa Anonymous texter na iyon. Nakakaloka siya, ano ba pinagsasabi niyang contract at magiging asawa ako? 

Seryoso, okay lang ba iyon? Pero isa rin nga sa palaisipan ko ay tinawag niya akong Anna.  Ibig sabihin ako talaga ang tinutukoy niya. 

Lumalakad kami sa hallway ng School papuntang labas na habang panay ang talak ni Crystal sa gilid ko at ako naman ay panay lang ang tango at malalim nga ang iniisip, ganito kasi si Crystal pag nagkwento about sa mga crushes niya gusto niya listener ka lang at mag comment ka na lang o magreact pagtapos na siyang magkwento kaya ako panay lang ang tango ko sa kanya.

Ang dami talagang kabaliwang napapasukan itong baklitang ito at ang daming crush ha' at isa na nga doon ang Kuya kong monster na si Kuya Red.

Habang naglalakad kami ay panay yung inom ko sa Shake na binili namin sa Foodcourt ng School nang bigla akong nabilaukan.

"OMGEEE...! Girl yung super duper mong hot na Kuya nasa labas tingnan mo! Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh! What will I do! What will I do?" natatarantang sabi ni Crystal habang panay ang yugyug niya sa aking balikat, muntik ko na ngang mabitiwan ang hinahawakan ko.

Malanding baklitang ito kung maka arte wagas!

"Anu ba! Tumigil ka nga! Para kang ginapangan ng isang libong langgam sa katawan kung makareact ang OA mo friendship ha! Sobra! At umayos ka nga, allergic 'yang monster na iyan sa mga binabae kaya kung gusto mong lumapit diyan e' umasta kang parang macho." sita ko kay Crystal.

Actually first time siyang makikita ni Kuya Red, si Crystal since ito rin ang first time na siya ang sumundo sa akin at hindi ko pa alam ang dahilan, kanina nag swear na akong di sasakay sa kanyang motorcycle pero ngayon ewan ko ba, kaya mag a-alibi na lang ako.

Ayoko ko nang e' try no at baka magka heart attack ako pag umangkas ako ulit sa kanyang motorcycle.

Pero itong si Crystal sa tabi ko di mapakali at makapirmi. Well, si Crystal kahit malandi ay di siya katulad nang mga ibang bakla na kung manamit ay parang girl na talaga, si Crystal hindi, He is discreet at naka polo siya at naka jeans at kung titingnan mo ay lalaking laki ito. Only me and Joyce lang ang nakakakita sa kanya pag nagbinabae siya nang pagka OA.

Gwapo si Crystal in fairness. He looks like Nick Carter sa Backstreet boys since Phil-Am siya at noong first-time ko siyang makita ay crush ko pa siya, alam niya naman iyon kaso nga di daw kami talo since parehos daw kaming girl. I smiled with that thought.

Habang papalapit kami sa Gate 1 at palabas na ay napatayo ng tuwid si Kuya Red na kasalukuyang nakasandal sa Waiting Shed o Waiting Area after the gate of our school at napataas ang kilay noong napagawi ang tingin niya direksyon namin ni Crystal.

Ang suplado niya talaga ever pero ewan ko ba.

The more na nakakunot at di madrawing ang mukha niya eh mas lalong lumalabas ang pagka gwapo niya kaya lang kung umasta akala mo kung sino! On the other hand, gusto ko na ring tumawa ng malakas kasi nga si Crystal ay parang robot na sa aking tabi kung maglakad, kasi ito ang unang pagkakataong ma ka face to face niya si Kuya Red.

Nakita niya si Kuya Red nang minsan siyang pumunta doon sa isa sa mga gigs nito at talagang marami siyang stolen shots na kinuha dito at nang ipinakita niya sa akin ay nagulat nga ako e' kinantyawan ko pa siya pero siya talagang super loyal sa Kuya kong monster!

I smile with the thought noong minsang ninakaw ko ang boxer ni Kuya Red, talagang hinanap niya iyon at nagkibit balikat lang ako na parang wala akong alam, grabe ang inis ni Kuya.

Nagkataon na kinakailangan kong kunin iyon dahil sa natalo ako sa pustahan namin ni Crystal, one time no'ng na perfect niya ang exams namin sa isang major subject at ako ay 1 mistake, at ang deal kasi kung sino ang ma ka perfect pwedeng humingi nang wish, si Crystal as desperate fan ni Kuya Red iyon ang hiningi sa akin. Kaloka nga!

"What are you doing here?" medyo inis kong tanong sa kay Kuya Red nang makaharap na namin siya ni Crystal, si Crystal nakakaloka kung makakapit sa akin feeling ko mababalian na ako ng braso, ang higpit kasi ng hawak niya, halatang tense.

"Obviously sinusundo ka!" nakataas niyang kilay na sabi nito sabay tingin sa mga kamay ni Crystal na nakakapit sa braso ko."Kaya halika ka na!"

"Ma-Mauna ka na lang Kuya, may pupuntahan pa kami!" sagot ko sa kanya ni hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Bakit? Saan ba ang punta mo?" Kuya Red ask sabay tingin ng seryoso sa akin then sa kay Crystal.

I glare at him bago sumagot pero bago iyon ay naramdaman siguro ni Crystal na my world war na namang mangyayari kaya he whisper na mauuna na lang siya but I told him to wait for me sa kabilang daan, ayaw niya pa sana pero I insist.

Dumistansiya siya sa amin ni Kuya Red at doon nga pumunta sa kabilang daan. Kasaluluyang nando'n naka park ang car niya.

"Excuse me po," sa baritonong boses ni Crystal, nagulat ako do'n pero di ko na lang pinansin.

Hinatid ng mga tingin ko si Crystal habang lumalakad ito papalayo sa amin then I my gaze went back sa kay Kuya Red na seryosong nakatingin sa'kin.

"Ma-may bibilhin kaming materyales for our project and I'll just text Kuya Blue na lang na sunduin ako later, you can go now, thank you." lalagpasan ko na sana siya at akmang tatawid at susunod sa kay Crystal sa kabilang daan pero bigla niya namang hinatak ang braso ko which ikinagulat ko.

"Akala mo papayagan kita! Nandito ka sa school para mag-aral hindi para maglandi sa lalaking iyon!" mariin niyang sabi sa akin. I can almost feel his breath right into my ear and his looking at me so intently which brings shivers into my system. Ewan, as in ewan ko ba kung bakit ganito na lang ang feeling ko pero sa kabilang banda ay nagtitimpi ako ng inis at galit ko dahil sa tinuran niya sa akin. Nararamdaman ko rin ang humihigpit na hawak niya sa braso ko.

Pero di ko iyon pinahalata, nakipagsuntukan ako ng tingin sa kay Kuya Red bago sumagot. Kung magsalita siya akala mo matino siya at sabihan pa akong naglalandi!

What the fvck!

"Ayaw ko pong makipagatalo sa iyo Kuya, pero bibili lang talaga kami ng mga materyales para sa project at alam ko naman po na sa kabilang banda ay labag sa kalooban mong sunduin ako," mariin ko ring tugon at umiwas ng tingin sa kanya. I tried to get off into his grip pero mas lalo niya pang diniinan ang paghawak niya sa aking braso.

"Just try to go and get away from me, you will regret what I can do!" He hiss with a threat. Nakaramdam ako ng takot at pagkabigla, sa sobrang seryoso niya ay nanindig din ang aking mga balahibo.

Anu ba ang problema niya...

Pero hindi ko iyon pinahalata bagkus ay pumiglas ako at nakipagsuntukan pa din ng tingtin sa kanya.

"Watch. Me!" I reply boldy, kahit na ramdam ko na may kung ano sa aking sistema na hindi ko alam, parang may gustong kumawala sa aking tiyan na ewan. Ang weird lang na kapag ganito kalapit at kapag hinahawakan ako ni Kuya Red, I always have this feeling.

Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko and because of that ay bigla niya akong binuhat na parang sako which nakatawag pansin sa lahat.

Bwiset talaga siya! I can't believe this!

"Kuya ibaba mo ako!" pagsisigaw ko.

"Magtiis ka! Ang tigas kasi ng ulo mo!" He firmly said.

Feeling ko matutunaw ako sa di oras at sobrang nakakahiya itong ginagawa niya sa akin. Pero siya ay parang wala lang. I can hear his grinning smile while carrying me papunta sa motorcycle niyang nakaparada sa di kalayuan.

Oh great what a nice fucking day for me! No thanks to my Kuya Red!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status