Share

CHAPTER 6 (The VOYAGE)

"We're going on a cruise!?" Bigla ay sagot ni Wanda sa likuran nila ni Bart.

Gitla sila ni Bart na napalingon dito.

"Kanina ka pa?" Ani Bart.

Umiling si Wanda. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo. "I got you carrot soup, Tiyong."

"You're not coming this time. Masyadong delikado na sa'yo ang maglayag." Aniya.

"Marlyn, if I get to spend my last days here on earth, I want it to be in the sea. Ipagkakait mo pa ba sa akin 'yun?" Inilapag nito sa coffee table ang dalang pagkain na umuusok pa sa init at animo batang nagtatampo, pabagsak itong naupo sa sofa.

Nagkatinginan sila ni Bart.

"Please, let me come with you. I won't be a pest...I promise."

Makahulugang tingin ang ipinukol sa kanya ni Bart bago hinarap ang pagkaing inihain ni Wanda.

"I'm not sure if Mark will agree to that...he and I..."

"I won't get in the way. I almost killed him. Pakikialaman ko pa ba kung ano ang naging usapan ninyo. Let me come. Babawi ako sa kanya. If we have to tour him for free then...that's on me."

"It's not just a tour, Wanda. The guy wanted to...end it. He signed a contract with me."

"Oh!" Namilog ang nguso nito. "Iyon naman pala,eh! Bakit takot na takot ka nang muntik ko siyang mapatay?"

"You whack his head, Wanda. Lalabas bang suicide kung nagkaroon ng physical injury sa ulo nung tao? And worst...dito pa nangyari sa loob ng pamamahay natin."

"Oh." Muli ay namilog na naman ang bibig nito. "Poor guy."

"Don't worry. We'll do our best to stop him from pushing through it."

"We? You mean...?"

"Yes! Go prepare everything you need. Huwag mong kakalimutan ang mga gamot mo."

"Sir, yes sir!" She shrieked, instantly raising from the chair. Napatakbo ito sa sariling kuwarto.

Naiiling na nasundan nila ito ni Bart ng tingin.

"Mag-iingat kayo. At huwag na huwag mong ipapaalam sa kanya ang mga plano natin."

UMAGA. BALIKWAS SI MARK SA HIGAAN. At napaungol sa biglaang pagguhit ng sakit sa ulo niya. Biglang umalog ang pakiramdam niya. Nanghihinggalo niyang tinungo ang lavatory at doon iniluwa ang laman ng tiyan na tila ay humahalukay sa sikmura niya.

Ngunit hindi pa rin tumitigil ang umaalog na pakiramdam niya. Now he regret drinking too much last night.

Speaking of which...ano nga bang nangyari?

Bumalik siya sa kama at naupo sa gilid niyon. Contemplating on what may have happened last night. Ang huling naaalala niya, he was making out with...

What was her name again?

That explains why he wasn't wearing his shirt. Mukhang wala naman nang ibang ganap dahil suot pa rin naman niya ang jeans. Belt unbuckled.

Pinagala niya ang paningin sa kabuoan ng kuwarto. The plush furnishings, exquisite hardwood floors, and tasteful decor exudes an air of opulence and sophistication. Para siyang nasa five star hotel, only in a smaller room that accommodates only one person. And it actually remind him of his sleeping quarter in the cruising boat he owned two years ago.

Dumako ang mga mata niya sa living area at nangunot ang noo, napako sa sofa ang paningin niya.

He remember leaving his back pack at Dune Oasis Villa. Binalikan ba niya iyon kagabi?

Lumapit siya sa sofa para tiyaking iyon nga ang backpack niya- it was. His shirt and pair of socks neatly folded beside it. Nakapatong doon ang car keys niya at pitaka. Nasa paanan nung sofa ang suede shoes niya.

Ang pinakamalaking tanong, nasaan ba siya?

Lumapit siya sa mga nakasarang blinds at hinaltak ang isa pabukas, para lang magitla nang matantong nasa laot sya.

Hindi nga siya nagkamali, nasa yate siya.

And it seems they're not moving to any direction, just floating.

Ano 'to? Why is he here?

Ang huling naaalala niya... Oh fuck!

Si Cleo.

That Marlyn chick and the lake house!

Lumabas siya sa cabin, passing by a small galley before emerging outside to a cockpit. This sure is a fiberglass superyacht. Matutuwa sana siya kung hindi lang siya inatake ng matinding pagtataka. Hinanap niya ang hagdan paakyat sa flybridge, kung saan siguradong may tao. He needs to find the pilot. O kahit sino man na makakasagot sa mga katanungan niya.

Babae ang nadatnan niya sa steering station. Nakatalikod sa gawi ng bungaran habang may kinukulikot sa console.

"Excuse me." Agaw niya sa atensyon nito.

She turned around. At napa-oh. Parang nagulat pero agad ding nakabawi.

"Buhay ka pa pala." Anito.

"Where is Marlyn...yung kasama ko kagabi." Sa halip na sumagot, tumikwas ang kilay nito. Binago niya ang tanong. "Who are you?"

"I'm the captain of this boat." She answered briefly after shooting him a dagger look. Anong ginawa niya? Bakit parang galit ang bombay na 'to sa kanya?

"A captain?" Hindi niya napigilan ang sariling tingnan ito mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo. The woman had an admirable physique...very athletic, tan and had curly, wild hair na basta na lang ipinusod gamit ang lastiko. She is wearing a one piece sports bikini, which is not so appealing. Lalo at itim ang kulay. Maliit pa ang boobs ng nakasuot. Hindi rin katangkaran, stands about five feet.

Her eyes though...

Bilugan at mayaman sa pilikmata. Matangos ang ilong nito. Para talagang bombay...baka nga.

"Yes. The captain...may problema?" Anito, tinig nagtataray pa rin.

"Where is Marlyn?"

"Yung babaeng maarte? Itinapon na namin sa laot kaninang tulog ka."

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo."

"So am I." May kinabig ito sa console. Umandar ang bangka, umusad. She maneuvered the boat to make a turn.

Bago pa niya maibuka ang bibig para sumagot, another woman emerged from the crew cabin. Smaller and a bit thinner than the woman behind the wheel. She's got unruly brunette hair just like the other. Mark is guessing these two are siblings. You can see the distinct resemblance at first glance. Masmaganda nga lang ng ilang paligo itong kapitana na nagmamane-obra sa bangka.

Na-distract siya sa suot nitong bagong dating. Puting tank top na hapit sa katawan at bikini bottom na asul. Walang suot na bra, bakat ang nipples kaya kahit sino siguro ay mapapatingin kahit maliit ang hinaharap. Kung itong kapitana ay mukhang nagpa-five six, ito namang kasama nito ay mukhang tindera na walang pambayad ng renta.

"Whatcha doin?" Anito. "We should be heading south, not back."

"Hinahanap niya si Marlyn." Anang kapitana. "Balikan natin."

Saglit na natilihan ang bagong dating saka biglang tumawa. "Yung babaeng malandi?" Anito.

"At maarte." Anang kapitana.

"Shut up." Singhal niya. What is wrong with these women? Pinaka-ayaw niya sa lahat, ay taong judgemental. "You don't know shit so shut up."

Napatingin sa kanya ang dalawang babae. Hindi man lang nasindak. Para pa nga siyang pinagtatawanan.

"Bakit pa natin yun babalikan? Nalunod na siguro yun. Kinain na ng pating."

"Baka nakalimutan mong hindi yun mahuhulog kung hindi mo itinulak. If she dies, we are all accountable for her death."

"Sabi ko kasi pati yan, ihulog na, eh. Masiyado kasi matigas ang ulo mo."

Lihim na napamura si Mark. Pinakatitigan niya ang mukha ng mga sira-ulong kaharap. Ang hirap tukuyin kung seryoso ba o nangti-trip lang ang mga ito.

"May balita ka ba kay Marco?" Anang bagong dating na babae. Completely disregarding him.

"Nasa Mexico. Nagkakatay."

"Kidney?"

"Puso. The father is so desperate he is willing to pay sixty million dollars. Puwede na tayong makabili ng isla sa halagang iyon."

Not another word and Mark disappeared from the deck.Nagmumura habang pabalik sa luxury cabin. It seems, he is stock in this boat with two psychopaths.

Two!

Anong gagawin niya?

Nasa gitna sila ng kalawakan. Walang nakakaalam kung nasaan siya. If he dies here...

Kasalanan mo ito, Cleo!

Nasa gangway na siya nang marinig ang mahinang tawa sa likuran niya. He span around to see the captain amusedly smiling at him. Nakasunod pala ito sa kanya.

"We're just messing around. How are you feeling?" Anito.

"Fuck you." Sagot niya. Bumabangon bigla ang inis niya sa dalawang babae...mga babaeng hindi pasok sa standard niya pero nagawa siyang pagmukhaing tanga. And he fell as easily into their unfunny, twisted, disgusting joke.

"We did fuck." Ngisi nito. "Mukhang matindi ang pagkakabagok mo kagabi, ah."

He did not answer. Trying to weigh whether the woman is telling the truth or she is messing around with him again. Wala sa sariling nakapa niya ang batok. It felt sore. Para ngang nabugbog. Now he realized where his head ache was radiating from.

"Anong nangyari kagabi?"

"Hindi mo talaga maalala?"

Umiling siya.

"Anong huling naaalala mo?"

"I was in the lake house with Marlyn...drinking." Umiwas siya ng tingin. He didn't have to get full details on what he remembers. Hindi siya yung tao na kiss and tell.

Tumango ito. "I am Marlyn. Nakakainsulto naman na matapos ng lahat kagabi, hindi mo na ako mamukhaan."

Napatitig siya sa mukha ng babae. Hindi talaga mag-register sa utak niya ang mukhang nakilala niya kagabi. Kung sabagay, she was in a heavy make up last night...hindi nga ba at bumaha ang mascara sa pisngi nito?

And like a corroboration to the woman's claim, sumigaw ang kasama nito sa taas na nakatunghay sa stern railing ng upper deck. Nakasuot na ito ng manipis na roba. "And I'm Wanda, the sister."

Nag-click sa isip niya ang linyang 'the sister'.

Nahaplos niya ang baba. Sa halip na makatulong ang presensiya nitong si Marlyn, lalo pa siyang naguluhan.

Napansin marahil ni Marlyn ang pagtataka niya, she gestured him to the galley, sa maliit na bar counter kung saan may nakaabang na alak. She poured him a drink, which he politely declined. He can't drink successively due to a very low alcohol tolerance.

"Care to explain why am I here?"

Nilagok muna nito ang isinaling alak. "You were drunk. Then you started talking about dying...about wanting for the pain to go away. Sinabi ko sa'yo na ganito ang trabaho ko."

"Ganito?" Wala talaga siyang maalala.

"Mga berdugo."

Parang bombilya na nasindihan ang utak niya. "I remember it now. Yes...and you showed me pictures of people in need of...uhmm donor. But I don't remember ever agreeing to your proposal."

Marlyn giggled. "We were both drunk and horny that we even tried getting into each other's pants. Pero di yata kinaya ng powers mo. You collapse on top of me and started sobbing. Asking me where you could have possibly fell short. I said, I don't know. Perpekto ka naman. N-nagalit ka. Sabi mo may perpekto bang iniiwan?" Marlyn winced. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang lakas mo na tumakbo palabas ng bahay. You almost jump to the lake. Good thing Wanda was there. Lasing ako, eh. Hindi kita maawat. Nakikipag-away ka pa kay Wanda. Ipinagtutulak ka na lang niya pabalik sa loob. Doon ka nabagok...sa sandalan ng sofa."

Nahaplos ni Mark ang likod ng ulo. Masakit talaga.

"Paano mo ako napapayag na pumirma sa kuntrata?" Tanong niya.

"It's the other way around."

"Ako ang nagpumilit?" Turo ni Mark sa sarili.

Tumango si Marlyn.

"Let me see the contract." Aniya.

"You can see it after the tour. Confidential documents mga 'yun at hindi puwedeng ilabas sa opisina."

Shit! "How long will this travel last?"

"Two weeks."

Double shit! Ang habang bakasiyon. "How did I want to end? Did I want it to appear like it was a tragic accident or something?"

"You wanted to like just...uhm...like...like you died in your sleep. At kasama sa mga kundisiyon mo ang mapaligaya ka sa mga natitirang mga araw mo." She was turning red. Either she was embarrassed o hindi lang masikmura ang mga huling salita na binitiwan.

"Paligayahin ako...sexually?"

"Y-yep." Lalo itong namula.

"And why would you agree to that? It's bullshit. I wasn't clearly thinking straight. Ikaw rin ang nagsabi na hindi kinaya ng powers ko ang nainum ko. Bakit ka pumayag?" Nangangalaiti na siya sa sarili. Sa mga kagaguhang ginawa niya dahil lamang sa isang walang kuwentang babae na kagaya ni Cleo.

"How can I resist!? You offered to be a kidney donor for Wanda."

Napasalin na rin siya ng alak. Napainum.

This can't be happening!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status