5AM. You've got to be kidding me! Dali-daling pinatay ni Wanda ang makina bago mabilis na tumayo at hinalukay ang lalagyan ng life jacket. Isinuot ang unang nahawakan saka mabilis na kumuha ng dalawa pa, one for Marlyn and one for Mark.Wala siyang inaksayang sandali, tinakbo niya ang crew cabin at kinatok nang walang tigil si Marlyn. "Ano na naman?" Pupungas-pungas na bungad ni Marlyn. "Storm advancing this way.""Shit!" Hindi na niya kailangang magpaliwanag. Alerto na rin si Marlyn. She grabbed the vest and ran to the port deck. "How far is it?" "About a mile away. And we are heading straight to it."As if to confirm, a gust struck on the leeward. Large thunderheads fast approaching ahead. They are fifteen miles from Dade Island and if they turn back now, there is no guarantee they can make it to safety before the storm hit the fan. "I'll stream the anchor!" Sigaw ni Marlyn."Gisingin mo si Mark. I'll meet you here in two minutes!"Wala na siyang sinayang na sandali. Tinakbo na
Unti-unti nang humupa ang ang malakas na ulan ngunit malakas pa rin talaga ang hangin na nakadagdag sa takot at pangamba ni Mark, lalo at manakay-naka'y sinasalpok pa rin sila ng malalakas na alon.At nang tingnan niya si Wanda, nakapikit na ito. Parang hindi na humihinga. She was not left that long in the water but her face and lips are turning blue. Probably from the cold...?That better be right. Because he can't imagine staying with a corpse in a situation like this. The yacht was just a few feet away, kunting tulak na lang at ligtas na sila pareho ni Wanda. Ngunit parang gusto niyang takasan ng pag-asa nang makita sa loob ng helm station si Marlyn na hindi makamayaw habang sinusubukan nitong buhayin ang makina ng yate. He is already suspecting that the yacht has lost power...kung hindi ay kanina pa sana iyon napaandar ni Marlyn. She seemed to have given up after few more attempts. Nang wala itong magawa ay patakbo nang lumabas sa helm station at saglit na huminto, tumanaw sa g
"This way." Nagpatiuna na si Mark sa pag-akyat dahil naaasiwa siya sa dalawang kasama na nagkanya-kanyang bitbit sa mga hinubad na damit. Medyo masukal ang dadaanan nila. And he might just have forgotten to warn them about it. Kaya naman sa gitna ng daan ay nagpahintay ang dalawa at napilitang magdamit muli. Halos kalahating oras na inakyat nila ang burol dahil kung anu-ano ang nakikita ng dalawa na puwede raw ipunin at kakainin...red and purple berries na bago sa paningin niya."Are you sure those are edible?" Puna niya kay Marlyn dahil ito ang malapit sa kanya. "I know nothing about berries but the fact that those birds are eating it...my common sense tells me, yes, they're edible." Pasupladang sagot ni Marlyn bago siya tinalikuran para ipagpatuloy ang pamimitas sa prutas. Galit? Pero bakit?Napilitan na siyang namulot sa mga naglalaglagang bunga ng niyog sa dinaraanan niya. By the time they reach the rock chamber, natuyo na sa mga katawan nila ang basang mga damit at may tig d
Mabigat ang loob ang pinalibot ni Marlyn ang paningin sa kabuoan ng flybridge. Warak ang helm station ng yate, malinaw na doon ang binagsakan ng mainsail nang mabuwal iyon. Binaha na rin iyon ng tubig ulan dahil sa pagkakabasag ng fiber glass na nagsisilbing bubong nito. The radio, the engine and everything at the helm station had been submerged in the water. Wala nang pakinabang!The vessel is in total knockdown.Ngayon, paano na sila makakaalis sa islang ito? Ni hindi nila alam kung nasaan sila. This island was off their usual course kaya hindi niya alam kung nasa coastal territory pa ba sila ng Pilipinas o kaya ay nakalayo na. She sigh. She wanted to believe that these all happened for a reason. Dahil sa kabila nang lahat, they all came out alive. Hindi yun coincidence lang. Diyos ko, ano ba itong napasok niya...nila ni Wanda? Parusa kaya ito sa masamang balak nila ni Tiyong Bart kay Mark? No. She shook her head.Mark is a stranger to them. Walang mawawala sa kanila ni Bart kun
Bart sat in his living room, staring at his phone. Relief was evident in his face. Katatanggap lang niya ng mensahe mula kay Marlyn. The three made it through the storm. They're alive. Wasak ang yate, wala na raw pag-asang makakalayag pang muli ngunit, buhay sila! Iyon ang mahalaga. Gusto niyang tumawag sa coast guard. Ipaalam ang kalagayan ng tatlo nang makapagpadala sila ng tulong sa lalong madaling panahon...ngunit, ang bilin ni Marlyn, ipagpaliban muna iyon. Bigyan lang niya ang mga ito ng pagkakataong makasalamuha si Mark, makuha ang loob nito. She was asking for one week.Marlyn promised they're going to be okay. Wanda is going to be okay. But one week is too long. There would be news, casualties...may mawawala, may maghahanap.Can he shut his mouth that long? It would be easier if they were only on a cruise. Kaso...hindi. Isa pang problema, bigating tao pala itong si Mark Anthonio. According to what he heard from Cleopatra Welsh and her friends, isang business tycoon pala
"MORNING." Nakangiting bati sa kanya ni Wanda na nagisnan niyang nagsisiga. Wala si Marlyn. Hula niya ay nasa gubat o kung saan man ito at mag-isa na namang naghahanap ng makakain. Inis siyang bumangon. Masyadong ipinapamukha ng dalawang ito ang kawalan niya ng silbi. Nilampasan lang niya si Wanda at hindi nag-aksaya kahit sandali na tapunan ito ng tingin. He went straight to pick up Marlyn's fishing rod. "Mangingisda ka?" Nakasunod na tanong ng dalaga."None of your business." He headed to the vegetation to his right. "Water is that way, Sir." Tila nag-inis na sabi ni Wanda. "Walang fish sa kakahuyan." Dugtong pa nito. Biglang buwelta siya rito dala nang matinding ngitngit. Balak sana niyang duruin ito at murahin pero walang lumabas na salita sa bibig niya kaya naihilamus na lang niya ang palad sa mukha. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Para kang babae na may regla. Hindi maunawaan. One minute, you're okay. The next, you're angry.""Leave me alone. I'm not stupid so stop treatin
Ang problema ngayon ni Wanda ay kung paano harapin si Mark pagkatapos ng nangyari. Hiynag-hiya siya sa sarili at sa binata. Baka iniinisip na nitong isa siyang ababeng kaladkarin. Well...masisisi ba niya ito kung iyon ang iniisip nito? She made the first move. She provoked him. Totoo ngang ang pagsisisi ay laging nasa huli. Had she put a thought on her actions first, wala sanang ganitong problema ngayon. Should she go to the camp site and talk to Mark o magpalipas muna ng sandali sa kagubatan?Tumingala siya sa maaliwalas na kalangitan. Sa kakahuyan ay dinig niya ang tila nag-aanyayang huni ng mga ibon mula doon.She suddenly felt the urge to explore the jungle. A hike may help clear her mind. Pero kabilinbilinan ni Marlyn na huwag na huwag siyang aalis. Huwag lumayo sa camp site. Oh! Fuck that. She doesn't see Marlyn anywhere. Mapipigilan pa ba siya nito kung nakaalis na siya bago pa man ito bumalik? Nagmamadali siyang pumunta sa yate at nagbihis--fitted jeans at itim na long s
"I'd like to propose a toast for Cleo and Mark. Here's to joyful years ahead. You may grow old together." Somewhere along the dinner, Logan announced in a drastic gesture. Arogante nitong itinaas ang baso. Mejo lasing na ang lalaki. "Masaya kaming makita kayong magkasamang muli. Sana ay wala nang mangyayaring hiwalayan pa." Patuloy nito. Nakangiti pa rin ngunit parang may nahihimigan si Mark na sarkasmo sa binitiwan nitong salita. And a hint of jealousy, too. Nagkatawanan ang grupo na magkakaharap sa outdoor dinning, except for Mark. And his girlfriend Cleo who seemed to be very, very offended. At bago naupo si Logan ay nahuli niya ang makahulugang sulyap nito kay Cleo. To everyone's shock, Cleo sprang from her seat angrily. "Thank you Logan! And you can go to hell!" Bulyaw nito. She strutted to the guest house. Naiwang tigagal ang lahat. Maliban kay Logan na patakbong humabol kay Cleo. "Wait...Cleo, it was a joke. Ano ka ba." Anito. Pinanuod niya ang dalawa na parang magkasint