Share

CHAPTER 7 (WALKING INTO A TRAP)

"That can't be." Mariing napailing si Mark.

Kumirot ang puso ni Marlyn sa nakikitang pagkalito sa maamong mukha nito. Pero andito na sila, eh. Kailangan niyang panindigan ang kasinungalingang naumpisahan na niya. Nila ni Bart.

"Sinabi ko naman sa'yo na baka magbago ang isip mo kapag matino-tino ka na. You insisted. B-binalikan pa nga natin sa villa ang mga naiwang gamit mo. You gave us your supposed engagement ring as an advance payment."

Pakiramdam niya ay sungay na lang ang kulang at puwede na siyang itabi kay Lucifer. She is a bad liar and she's just happy she's not faltering in front of Mark.

"Urgh! Damn you Cleo!" Galit nitong nasabunutan ang sariling buhok. "If it wasnt for that woman, hindi sana ako malalagay sa ganitong sitwasiyon."

Sensing Mark's surrender, pinagbuti ni Marlyn ang pagsisinungaling. "S-sabi mo, eh halos kalahating milyon ang halaga niyon and it should be enough to cover all your expenses on a two week cruise. S-sino ba kami para tumanggi?" Salamat na rin at advance na mag-isip itong si Tiyong Bart. Dala nito lahat ang gamit ni Mark nang ipatawag niya ito kay Wanda, ring included. Sumangguni na sila kay g****e para magkaroon ng ideya kung magkano ang halaga niyon.

"I had that ring auctioned." Tila wala sa sariling hayag ni Mark.

Iniiwas niya ang tingin nang umangat ang tingin nito sa mga mata niya. Pakiramdam kasi niya, masusukol siya kapag tumingin siya rito. Kasi malay ba niya sa singsing ng mga mayayamang taga siyudad. Hindi rin niya alam kung paanong napunta yun sa tiyuhin. She remembers leaving the villa right after the epic proposal, chugging a bottle of champagne on her way home. Umiyak-iyak habang may pagkakataon kasi galit siya sa katigasan ng ulo ng kapatid. Pero higit siyang nagagalit sa sarili dahil alam niyang wala na siyang magagawa para kumbinsihin ito na ituloy ang pagpapagamot.

Marahil nga ay tadhana na ang gumawa ng paraan para magtagpo sila ni Mark. Dahil sino ang mag-aakala na habang natataranta ang mga hudas doon sa villa sa paghahanap sa lalaki ay doon lang pala ito nagsuot?

Perfect timing.

"We're going back." Bigla ay saad nito. Lumabas sa galley. Tarantang napasunod dito si Marlyn.

Are you kidding me?

Ito ang hindi niya napaghandaan...hindi niya inaasahang gagawin ni Mark. Naabutan niya ito malapit sa hagdan at aktong paakyat na sa flybridge.

"Hey! Listen to me!" Desperada na siya. Kapag nagpumilit ito sa gustong mangyari, mawawalan ng saysay ang lahat. Patakbo niyang isiniksik ang sarili sa harapan nito para harangin, kandakapit siya sa railings ng hagdan just in case he attempts to push her aside. "Hindi mo alam ang hirap na pinagdaanan namin ni Wanda para lang pagbigyan ang kahilingan mong ito kagabi tapos itatapon mo lang nang ganun-ganon lang? Dahil lang hindi mo maalala na ikaw ang may gusto nito?"

"Get off the way, Lady." Banta ni Mark, dumilim ang anyo na akala mo pinagsakluban ng langit at lupa. He was looking instensely in her eyes na para bang sinusukat ang katotohanan sa mga sinasabi niya.

"Or what?" Hamon niya rito. Wala sa sariling napalunok, trying hard to resist the temptation of looking down at his unbuttoned and partly unzipped jeans --clear evidence of their intimate encounter last night. Nag-init ang pisngi niya sa ala-ala nang mga pinaggagawa niya kagabi.

Pumihit siya patalikod rito para sana itago ang pamumula.

Sakto namang kumilos si Mark, probably in an attempt to shove her off the way. Sa halip na sa balikat, sa dibdib niya naglanding ang palad nito...unintentionally groping her left breast.

She froze.

He regretfully withdrew his hands, his angry expression softened.

"S-sorry." Anito. Parang dalaga na....nag-blush?

Ay torpe! Siya dapat ang nagba-blush ng ganun.

He should feel lucky na nakakalibre ng lamas sa isang berheng madasalin. You don't get to experience that everyday!

"You guys just gonna stand there gropping at each other? Mark, come see this!" Mula sa taas ay sigaw ni Wanda. She sounded very excited.

Napatakbo siya paakyat, kasunod si Mark. Nasa Dade Island na pala sila. A small sand island inhabited by sea birds and vegetation, mayaman sa rocky corals.Kaya naman madalas itong dinadayo ng mga nagdi-day cruise at snorkeling. It was indeed a magnificent place to start a journey so she could understand the thrill in Wanda's voice.

Naabutan nila ito sa casting platform, looking ahead through a military binocular.

"Touchdown to our first island!" Anitong nakangiti. Kakaiba ang ningning ng mga mata. Ipinasa nito ang binocular kay Mark. "See it for yourself before deciding to turn back. You don't know what you're missing."

Mark seemed hesitant but he took the binocular. "I think you're right." He said smiling at Wanda shortly after scanning the view ahead.

Napamulagat siya kay Wanda...in awe of how she mananged to change Mark's mind in a matter of seconds.

She took over the helm and navigated the vessel towards the harbor. Napansin kasi niyang namumutla na naman ang kapatid...nanghihina.

"C'MON...WE DON'T HAVE TIME TO SPARE." Pahagis siyang binigyan ni Wanda ng snorkeling goggles, then quickly stripped off her satin robe, revealing a white tank top and a blue bikini bottom she wore underneath.

Bago pa nakasagot si Mark, she plunged into the deep. He watched her descent beneath the surface then reappeared, enthusiasm evident in every graceful stroke she made as she swam away from the vessel.

"Halika na!" Sigaw nito. Parang bata na tuwang-tuwa habang nagtatampisaw sa tubig.

Naramdaman niyang may tumabing sa sikat ng araw na tumatama sa balat niya mula sa taas. It was Marlyn standing on the casting platform. Parang guwardiya na nakamasid sa bawat galaw ni Wanda.

Walang pakialam sa kanya...?

Maano naman?

Pero may maliit na bahagi sa puso niya ang parang kinurot sa isiping iyon.

Who ignores an Adonis like him? So freaking frigid.

Kaysa mag-isip ng kung anu-anong hindi maganda laban kay Marlyn, tinanggal na niya ang suot na jeans, secured the goggles and jumped in the water to join Wanda.

He swam tirelessly, nakipagsabayan sa dalaga.

At si Marlyn? Nakabantay lang talaga kay Wanda.

Life guard...?

BALIKWAS ng bangon si Mark nang maramdaman niya ang mainit na hininga sa punong tainga niya. At biglang napadaing. Ang sakit ng kasukasuan niya...lalo na sa binti at braso.

"A-are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Wanda. Hinihipan pala nito ang tainga niya para gisingin siya sa mahimbing na pagkakatulog.

Tumango si Mark, pulling himself to sit on the edge of the bed. "Yeah. Probably just a DOMS. I pushed myself too hard today." Pati ang mag-inat, hindi niya magawa.

Namilog ang nguso nito. "Ow. May pain reliever ako. Pero kain muna tayo bago ka uminum ng gamot. Nagluto si Marlyn." Anitong nakangiti. She wore a pair of gray sweats, hair pulled up in a messy bun.

Sabagay, gabi na at mejo malakas ang ihip ng hangin. Malamig.

Nasa harbor pa rin sila ng Dade Island. Masiyado silang nag-enjoy sa paglangoy kaya inabot sila hanggang gabi. Dala ng pagod ay nagpasiya na silang doon muna magpalipas ng gabi. Saka na lang tumuloy bukas nang umaga.

Next stop na daw nila ang Barrow Island. Wanda does not want to spoil the surprise kaya hindi na nito sinabi kung ano ang dapat niyang asahan doon.

"I'll see you in a minute." Aniya. He mentally seached for Marlyn at the galley na kanugnug lang ng sleeping quarter niya. Bigo siyang makita doon si Kapitana.

"AL Fresco dinner by the deck." Tila nabasa ni Wanda ang laman ng isip niya at makahulugang ngiti ang iniwan sa kanya bago lumabas. Para lang muling sumilip at sabihing,

"Get dressed. Don't come out in a boxer. Baka malamun ka nang wala sa oras." Itinuro nito ang hanging cabinet sa taas ng kama niya. "May sweat pants diyan at damit na puwedeng magkasiya sa'yo. Feel free to wear them."

Doon niya naalalang nakatulog pala siyang naka-boxers lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status