Share

CHAPTER 143

KINABUKASAN nagising si Yesha na nariyan na si Shawn. Dala-dala nito ang kaniyang gamit at uniform. Mabuti na lamang at medyo maayos ang kaniyang pahinga. Katabi rin naman niya matulog si Erika kaya hindi na siya nag-alala pa dahil ito ang tumitingin sa kaniya. Masyado siyang inalagaan nito.

"Ikaw na ang unang maligo, Yesha. Para makapag-ayos ka pa ng gamit mo." Tango na lamang ang kaniyang sinagot kay Erika at nauna na. Mabilis lamang ang kaniyang naging pagligo. Ito na rin kasi ang pag-uwi niya kay Shawn kaya naman magkakahiwalay ulit sila ng kaniyang ina. Kailangan niyang mag-ayos dahil deretso na sila mamaya.

"Tapos na ako," sabi niya nang makalabas. Si Erika naman ay kaagad na sumunod. Mabilis siyang nag-ayos at nagbihis. Nagsuklay na rin siya at saka sinigawan nag kaibigan na mauuna an siya sa baba. Hindi naman na niya ito hinintay pang sumagot. "Hi, love!" excited niya itong niyakap. Nakangiti rin naman ang nobyo sa kaniya.

&nb

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status