Share

CHAPTER 147

TALAGANG pinanindigan ni Shawn ang pagbabantay sa kaniya. Hindi siya iniwan nito matapos maipasa ang lahat ng kaniyang dapat na gawin. Natutuwa siya dahil kahit na hindi na niya alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay inaalagaan pa rin siya ni Shawn.

Pinakiusapan din naman niya ang kaniyang nobyo na huwag na lang muna sasabihin sa ina niya. Kaagad naman itong pumayag kaya nakahinga nang maluwag si Yesha.

"Ice cream?" alok sa kaniya ni Shawn ngunit napangiwi lamang siya. "A-ahm, ayoko ng ice cream. Gusto ko ng scramble." Nakanguso niyang sabi sa lalaki. Napangiwi naman si Shawn sa kaniya. Alam niyang naguguluhan ito pero alam din niyang may mga times talaga na mag-iiba ang gusto mong kainin. Alam niya na naiintindihan siya nito kahit na papaano.

"Scramble?"

"Oo, hindi mo ba alam 'yon?" Natatawa pang tanong ni Yesha. Bakas kasi sa mukha ng lalaki na hindi nito alam kung ano

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status