Share

CHAPTER 142

HALOS isang oras din ang kaniyang hinintay bago dumating si Erika. Hatid ito ni Adrian na kaagad din namang napaalam para magkaroon sila ng oras ng kaniyang kaibigan.

"Ano? Kumusta ang tiyan mo? Nananakit ba?" sunod-sunod niyang tanong sa kaniya ni Erika. Napailing naman si Yesha at sinabing hindi naman siya nakakaramdam no'n. "Puro pagkahilo lang." Maikli niyang sagot habang sumisimsim ng iced tea.

"Alam mo, dapat kasi malaman na 'yan ni Shawn, hindi magiging maganda kung itatago mo na lang sa kaniya habang buhay 'yan." Muli siyang tumango. Ano pa nga ba? "Sasabihin ko rin naman pero hindi pa ngayon."

"Kailan, aber? Kapag natapos na ang problema niyo? E, hindi pa nga nag-uumpisa. Paano kung hanggang sa lumubo ang tiyan mo hind pa rin tapos ang problema? Ano ka? Nganga gano'n?" mahabang sermon sa kaniya ng kaniyang kaibigan. Napailing na lamang siya saka napayuko. Sobrang gulo na lalo ng sitwasiyon na hindi naman niya da

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status