ILANG oras pa ang kanilang hinintay bago nila napagpasyahan na umuwi. Alam ni Yesha na hindi pa rin maayos ang lagay ng kaniyang kaibigan. Halata rin naman na nag-aalala rin si Shawn. Mabuti na lamang at nakakaramdam ito a hindi nagtatanong ng nangyari. Akala nga niya ay maabutan nila si Adrian na narito dahil sa pag-aakalang tatawagan ito ni Shawn.
"Sa bahay ka muna?" pagbabasag ni Yesha sa katahimikan. Gusto niyang pagaanin ang pakiramdam nito dahil sigurado siyang masyadong nahihirapan si Erika sa nangyayari. "Okay lang ba?" bakas sa mukah nitong nanghihingi ng permiso. Kaagad naman siyang napatango sa babae.
"Oo naman. 'Di ba Shawn?" Kinalabit niya ito dahil naka-focus masyado sa pagmamaneho. Kaagad na tumango ang kaniyang nobyo. "Yeah, it's okay." Maliit lamang na napangiti si Erika sa narinig. Si Yesha naman ay saglit itong tiningnan. Nasa likod kasi nakaupo mag-isa ang kaibigan niya. Gusto rin niyang tabihan ito ngunit sabi ni E
HINDI alam ni Yesha kung ano ang sasabihin kay Adrian. Nandito na kasi ito ngayon sa bahay ni Shawn at hindi niya alam kung papaano sisimulan ang pagpapaliwanag. Si Erika naman ay tahimik sa tabi nito. Halatang walang balak sabihin sa kaniyang nobyo kung ano ba ang nangyari kanina.Sinabihan na rin naman siya ni Shawn na hayaan niyang magpaliwanag si Erika. Pero hindi naman kaya ng konsensiya ni Yesha na pabayaan ang kaniyang kaibigan."What happened?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Adrian. Gustuhin man sumagot ni Yesha, mas gusto pa rin nilang manggaling ang lahat kay Erika na tahimik pa rin hanggang ngayon. "Erika? Baby?" Palihim na napakagat ng labi si Yesha. Kung wala lang sila sa ganitong sitwasyon baka naasar na niya si Erika."Wife," tawag din sa kaniya ni Shawn. Kaagad naman siyang napalingon. "let's go upstairs. Let's give them some privacy to talk." Napilitan siyang tumango sa sinabi ni Shawn. Kaa
GUSTONG malaman ni Yesha kung totoo bang handa na si Shawn. Ang tagal na ng problema nila. Hindi niya alam kung bakit nahihirapan sila ng ganito--- oh baka naman kasi dahil mahirap kalabanin ang sariling pamilya. Totoo man o hindi. "Handa na ako. Nang malaman ko pa lang na totoong may kinalaman siya sa pagkawala ni mommy, hinanda ko na ang sarili ko." Hindi napigilan ni Yesha na yakapin si Shawn. Bakas sa boses nito ang labis na galit at pagkadismaya sa sariling ama. Kanina si Erika ang iniisip niya, ngayon naman si Shawn na. Kung sana puwede lang niyang baguhin ang lahat. Kung sana puwede lang niyang gawan ng paraan ang lahat para sumaya ang mga mahal niya sa buhay; gagawin ni Yesha. Hindi siya magdadalawang-isip dahil alam niyang iyon ang magpapasaya rin sa kaniya. "What if... i-report na natin sila sa pulis?" Humiwalay si Shawn sa pagkakayakap sa kaniya. Napakunot naman ang noo ni Yesha. "Why?" "Hindi natin sil
PURO pahangin lang ang ginagawa ni Yesha. Katabi niya si Erika na ngayon ay tumigil na rin kakaiyak. Sinabi nito na sinabi na raw ng kaniyang kaibigan ang lahat sa nobyo at nangako naman itong hindi pababayaan si Erika. Sapat na para makampante ang utak niya. Nag-uusap din ang dalawa sa loob at siya naman, inaya ito sa rooftop ng bahay ni Shawn na ngayon lang din naman niya pinuntahan ulit. "Anong plano mo ngayon?" pagbagsag niya sa katahimikan. Mapait namang ngumiti si Erika sa kaniya at alam niyang sinasanay pa lang nito ang sarili sa desisyong ginawa. "Uhm... for now, ang nasa isipan ko lang ay mag-u-umpisa. Itutuloy ko rin kung ano ang nasimulan ko sa kompanya ni Adrian. Magtatrabaho ako. At tatapusin ang pag-aaral ko." Hinawakan ni Yesha ang kamay nito. Proud siya dahil bumalik na naman ang katatagan ng babae. Alam niyang hindi ito palagi but at least, she tried
NAKANGITING pinagmamasdan ni Yesha ang mga mahal niya sa buhay na nagtatawanan sa ginagawa nilang bahay. Patapos na ito at dahil napagpasyahan nilang tumambay rito, ang lahat ay nakitambay na rin. Alam kasi ni Yesha na ito lang din ang pinakamakakatulong sa kaibigan niya para naman kahit papaano ay maging okay na ang kalagayan nito. Abala na ito ngayon sa pakikipagkwentuhan sa kaniyang ina. Akala pa nga ni Yesha hindi papayag si Shawn na pumunta sila rito. Mas okay na rin ito dahil alam niyang makakapagpahinga kahit papaano ang nobyo. "Ang laki na ng tiyan mo, Yesha." Nakangising sabi ng kaibigan nila Shawn na si Callus. Inirapan niya ang lalaki. Ang sinabi niya ay silang lima lang pero nang malaman ng mga kolokoy, kaagad nagsipag-drive ang mga ito kasama ang mga girlfriend at nakisiksik sa tambayan nila. Well, gusto niyang maka-bonding ang mga girlfriend ng mga ito. "Siguro kasi buntis ako." Paasar niyang sagot. Nagtawanan naman ang lahat.
NAKAYUKONG pareho si Yesha at Erika habang kinagagalitan ng professor dahil sa kanilang mga absent. Bago lang ito at pumalit muna sa prof nilang nagkasakit. Mabuti na lamang talaga at nasa mood siya dahil kung hindi, baka masagot niya ito.Alam naman ni Yesha na mali nga namang palagi siyang excuse. Pero yung ipatawag at ipahiya ng bagong salta; lumalabas ang kaniyang pagiging maldita. Ilang beses ba siyang pinakalma nang patago ni Erika."Kung nagagawa niyo ito kay Prof Dennis, puwes ibahin niyo ako! Hindi ako katulad niya na kukunsintehin kayo sa mga kalandian ninyo!" Tila nagpanting ang tainga ni Yesha sa sinabi nito. Kusang nagdilim ang kaniyang tingin at naiyukom niya ang kaniyang kamao. "And who are you para sabihan kaming malandi?" palaban niyang tanong. Napahawak na sa siko niya si Erika. Alam niyang nag-aalala ang kaniyang kaibigan. Pero hindi siya makakapayag na sabihan lang ng kung sinu-sino ng kung anu-ano silang dala
KAGAT ni Yesha ang kaniyang labi habang tinitingnan ang seryosong si shawn. Ilang ulit niya itong pinakalma pero mukhang wala pa ring epekto. "Ayos lang naman ako," sabi niya. Wala man lang nagbago sa reaction nito."mahal... Ayos lang ako. Naiintindihan ko rin naman si prof, and tama naman siya, e. Oo maling sabihan niya ako ng kung anu-ano. Pero naiintindihan ko naman ang mali ko as a student." mahaba pa niyang paliwanag dito. Umaasa siyang maiintindihan siya ni Shawn."But, still. He doesn't have a right to say that words to you." Nagtitiim pa rin ang bagang nito. Mabuti na lamang talaga at napigilan pa niya si Shawn kahit papaano na manuntok.
NAGMAMADALING nagtungo sila sa hospital. Hindi alam ni Yesha kung ano ang kaniyang dapat maramdaman. Ni hindi rin niya alam kung paano niya pakakalmahin si Shawn. "Huwag ka nang pumasok sa loob," sabi ni Shawn ngunit hindi siya nakinig. Umiling lang siya at nauna pumasok sa kwarto kung saan naka-confine ang lola ni Shawn. "S-shawn," pigil niya ang sariling maiyak dahil sa kalagayan ng matanda. Someone tried to messed up with her. At ang sabi ng ilan, nanlaban ang matanda sa mga lalaking iyon. Naramdaman ni Yesha ang paghawak ni Shawn sa kamay niya. Kusang gumalaw ang paa niya pasunod sa lalaki na ngayon ay humahagulhol na. Binitawan ni Shawn ang kamay niya para mahawakan ang kamay ng lola nito. Napatakip si Yesha ng bibig para hindi marinig ng lalaki ang iyak niya. Hawak din niya ang tiyan niya na may kalakihan na. "I'm sorry, l-lola. Hindi kita naipagtanggol." Hindi k
PUNO ng galit ang mga mata ni Shawn habang pinapanood ang sitwasiyon ng lola niya. Hindi niya maatim isipin na magagawa rin itong saktan ng mga taong gustong manakit sa kaniya. Kung bakit ba kasi kailangan pang mandamay ng iba? Bakit? Dahil ba alam ng mga ito na hindi niya kakayanin kapag ang malalapit sa kaniya ang nawala? Kapag malalapit sa kaniya ang nasaktan?"Lola, i will do everything just to get the justice for you and for mom. I promise to you that i will do everything i can to find her. I won't let dad, hurt you again." puno ng galit niyang bulong kahit na hindi naman siya naririnig ng lola niya. Marami siyang iniisip. Pati na rin ang kaligtasan ni Yesha at ng anak niya. Baka makapatay na siya kapag pati ang mga ito ay dinamay pa. Kahit sabihin niyang malaki ang utang na loob niya sa ama-amahan. Hindi naman niya ito hahayaan na pati ang kaniyang mag-ina ay madamay. Matagal na siyang nagtitimpi pero dahil mas lumalamang pa rin ang respeto sa kaniya