Share

BLACK & WHITE

Hindi pa man nai-p-park ni Mhia ang kaniyang sasakyan, tanaw na niya ang kaniyang lola na naghihintay sa kaniya sa harap ng kanilang bahay. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, umuwi muna siya sa San Marcelino para makapag-isip-isip, at para na rin sa ikatatahimik ng kalooban niya. She wanted to be away from the city— from the memories that made her cry every night and day.

Nagkausap na sila ni Adreianne. Sinabi niya rito na nakausap na niya si Skyler. Nagtatanong ito kung ano ang sinabi ni Skyler, ngunit ang tanging naisagot niya lang ay maghintay ng tawag ng lalaki.

Hindi niya masabi-sabi sa kaibigan ang tungkol sa kanilang dalawa ni Skyler. Wala rin siyang balak na sabihin pa iyon dito kahit na kailan, dahil wala rin namang mangyayari pa. Tinapos na nila ni Skyler ang lahat-lahat sa kanila. Kaya mas maigi na ang ganoon, para wala ng pag-usapan.

Pagbaba niya ng sasakyan, agad siyang sinalubong ng yakap ng kaniyang Lo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status