Share

LOVE & PAIN

“Mhia!” tumitiling salubong ng kaniyang Lola Gloria habang pababa siya ng kaniyang kotse. Halos magkandatisod-tisod ito sa pagmamadaling lumapit sa kaniya.

“Lola!” Mahigpit niya itong niyakap. “Na-miss ko kayo!” aniya.

Kumawala ito sa pagkakayakap sa kaniya. Hinagod nito ang kaniyang likuran. “Mabuti naman at naisipan mong umuwi. Akala ko ako pa ang susundo sa iyo sa Maynila,” paingos nitong wika.

Nakangiting iniangkla niya ang braso rito. “Naku, kayo talaga. Di ba sinabi ko naman na uuwi ako? Hindi pa naman ako sumisira sa pangako ko, hindi ba?”

Inirapan siya nito. “Hindi nga, pero halos isang buwan rin ang hinintay ko mula noong sabihin mong uuwi ka. Eh, ’di ba halos apat na buwan ka na ring hindi umuuwi rito? Ang lapit lang naman ng Maynila. May sasakyan ka naman pati.”

“Sorry na po. May mga inasikaso ho kasi ako sa flower shop bago umuwi rito.” May lambing na humilig siya sa balikat nito. “Hayaan niyo, ipagluluto ko kayo ng paborito ninyong dinuguan.”

Nagniningning ang mga matang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status