Share

PROUD

“You didn’t mention na dito pala tayo pupunta,” bulong ni Mhia sa katabing si Skyler. Tahimik itong umiinom ng beer sa kaniyang tabi.

Nag-order muna ito ng maiinom habang hinihintay ang sizzling sisig na tanging in-order nila. Hindi niya gustong sabayan ito dahil baka kung saan na naman mauwi ang lahat. Mahirap na.

“What do you mean?” Saglit siya nitong sinulyapan.

Nagkibit siya ng mga balikat. “I just didn’t expect this.”

Labis ang kaniyang pagtataka dahil hindi niya akalaing papasok sila sa isang comedy bar, na malayo naman sa personalidad nito. Akala niya kung saan na namang fine dining restaurant siya nito dadalhin, o kaya alinman sa bahay o penthouse nito. But they end up there, something that was very unusual.

“Gustong kong maiba naman. Nakakasawa na rin kasi,” sagot nito saka muling uminom.

Natigilan siya. May pinong kurot sa dibdib niya ang sagot nitong iyon. Para bang patama iyon sa kaniya.

Nagsasawa na ba ito sa kaniya? Gusto na ba nitong tapusin ang kung anong relasyong may
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status