Share

WORRIES

“How was it, Doc?” Mhia asked Dra. Francisco, her gynecologist. She had a regular checkup and ultrasound every month. Iyon ay para ma-monitor ang ovary niya.

“Still the same, but I saw another tiny cyst on this part.” Itinuro nito sa monitor ang sinasabi. Sinundan naman niya iyon ng tingin.

“Is it bad?”

Umiling ito. “Hindi naman.” Humarap ito sa kaniya at ngumiti. “Sa kagaya mo na hindi naman nadadagdagan ang timbang, palagay ko, mawawala rin agad ito. Basta, maintain mo lang ang regular diet mo at gaya ng dati, don’t forget to take your medicines. Are you planning already?” nakangiti pa ring tanong nito habang pinupunasan ng tissue ang tiyan niyang nilagyan ng gelly.

Sandali siyang natigilan kasabay ng pamumula ng mukha. Napatakip naman sa kaniyang bibig ang doktora.

“Oh! Mali ba ako ng iniisip? Wala pa ba kayong plano ni Cendrick?”

Umiling siya. Alam nito ang tungkol kay Cendrick dahil tinanong nito minsan kung may boyfriend siya. Nasabi niya rin dito na madalas nilang pinagtataluna
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status