Share

THE FLORIST

Kunot-noong lumabas ng kaniyang sasakyan si Mhia. Iginala niya ang mga mata sa kinaroroonan, bago nag-doorbell.

Ang sabi ni Rexie, may bago raw silang kliyente at um-order ng napakaraming buhay na halaman. May in house plants at may outdoor plants na kailangan talagang itanim, kung hindi sa mismong lupa, ay sa paso.

Sabi pa ng kaniyang assistant kailangan daw rin ng serbisyo nila para sa pagsasaayos niyon sa garden. Akala naman niya, simpleng garden lang ang aayusin niya kaya nagpresinta na siya— dahil wala naman silang gaanong kliyente at araw ng Sabado. Iyon pala napakalawak niyon!

At kaya nangungunot ang noo niya dahil kay Skyler na bahay iyon sa Green Sky Village!

“Ano na naman kayang tumatakbo sa isip ng isang iyon?” bubulong-bulong na wika niya sa sarili.

Muli siyang nag-doorbell dahil mukhang hindi iyon naririnig ng lalaki. Alam niyang naroon ito dahil nasa labas ang sasakyan nito.

Bumukas ang malaking wooden door sa entrada ng bahay nito. Lumabas doon ang lalaki na naka-toples
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status