Share

FATE

Nakatitig sa kisame ng kaniyang bahay si Mhia. Hindi pa rin siya makapag-isip ng tama kaya hindi muna siya pumasok sa flower shop. She’s in real dilemma of telling the truth or not to Skyler. Kapag sinabi niya ang totoo, baka magalit ito. Kapag hindi naman niya sinabi, magagalit din ito.

She sighed and looked outside the window. The sky was blue. Maayos ang panahon at mainit. Malakas din ang ihip ng hangin dahil sumasayaw ang mga dahon ng punong mangga sa labas ng kaniyang townhouse.

Kung dati, kayang pagaanin ng mga nakikita niya sa labas ang kaniyang nadarama, ngayon hindi. Ang bigat sa kaniyang dibdib ay mas lalo pa yatang bumigat nang makita niya ang singsing na nasa daliri niya. Hinubad niya iyon at inilagay sa side table. Hindi niya maiwasang humikbi, hanggang sa tuluyan na iyong maging isang malakas na pag-iyak.

Litong-lito na siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. It was out of her hands.

 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status