“What are we going to do here?” takang tanong ni Mhia sa katabing si Skyler habang papasok ang sinasakyan nila sa isang lugar.
Nakangiting tumingin ito sa kaniya. “I want you to meet her.”
Hindi agad siya nakaimik. Prinoproseso pa niya sa isip ang narinig mula rito.
Iginilid muna nito ang sasakyan, bago siya hinarap. “I’m sorry if I surprised. But I want you to know who she was. That’s why I brought you here.” Nag-aalala ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.
“A-are you sure it is fine to see her? Hindi kaya magalit siya?” nauutal niyang tanong. Kinakabahan siya, pero hindi niya alam kung bakit.
Normal lang naman siguro iyon, sa loob-loob niya.
Tumawa si Skyler. “Of course not! She won’t get mad. Mas magagalit siya kung hindi kita ipakikilala sa kaniya.”
Nakatitig sa kisame ng kaniyang bahay si Mhia. Hindi pa rin siya makapag-isip ng tama kaya hindi muna siya pumasok sa flower shop. She’s in real dilemma of telling the truth or not to Skyler. Kapag sinabi niya ang totoo, baka magalit ito. Kapag hindi naman niya sinabi, magagalit din ito. She sighed and looked outside the window. The sky was blue. Maayos ang panahon at mainit. Malakas din ang ihip ng hangin dahil sumasayaw ang mga dahon ng punong mangga sa labas ng kaniyang townhouse. Kung dati, kayang pagaanin ng mga nakikita niya sa labas ang kaniyang nadarama, ngayon hindi. Ang bigat sa kaniyang dibdib ay mas lalo pa yatang bumigat nang makita niya ang singsing na nasa daliri niya. Hinubad niya iyon at inilagay sa side table. Hindi niya maiwasang humikbi, hanggang sa tuluyan na iyong maging isang malakas na pag-iyak. Litong-lito na siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. It was out of her hands.  
Agad na tinakpan ng babae ang bibig ni Mhia. Nanginginig ang buong katawan niya nang lumapat ang mainit nitong balat sa kaniya. Bigla ay para siyang napaso at nais na kumalawa rito, pero nanlalambot ang mga tuhod niya. Walang lakas ang mga iyon para gumalaw.Akala niya namamalik-mata lang siya pero totoo pala iyon. Totoo ang lahat. Akala niya minumulto na siya o kinakain ng kaniyang konsensya, pero hindi.The woman was really real! She’s alive for Christ’s sake!“Please, Mhia. . . stop screaming. I know I scared the hell out of you, but please. . . we need to talk. I badly need a friend right now,” anito sa nakikiusap na tinig.Umiling siya. Namimilog pa rin ang mga mata niyang nakatitig dito. Hinihingal din siya dahil sa samu’t saring nararamdaman.“Mommy. . . who is she? Is she your friend you are talking about?” tanong ng isang batang
Three years ago. . .“You need this break, Adie. Hindi ka rin naman na tumatanda. Kung pwede lang kitang samahan, sumama na ako sa iyo. But I have a lot of works here,” maarteng wika ni Tiffany habang kumakain sila sa isang restaurant.“Tiffany is right. We already booked your ticket and all you have to do is pack your things and go! Malay mo naman, sa Bali mo pala matatagpuan ang lalaking totoong magmamahal sa iyo. Forget about Rick. Noon pa naman talaga hindi na kayo bagay sa isa’t isa,” ani Mhia.Inirapan siya ni Adreianne. “Nagsalita ang may boyfriend!” palatak nito. “Tigilan mo nga ako, Mhia. Kailan ka pa natutulong magsalita nang ganiyan, eh, sa ating apat, ikaw ang NBSB.” Naghagikhikan ang tatlo niyang kaibigan.“Mga bru
“Mhia? Mhia?” Tapik sa pisngi ang gumising sa kaniya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Wala na siya sa kusina kun’di nakahiga na siya sa sofa sa sala. “What happened?” she asked Adreianne. “You passed out. Ayos ka lang ba?” Pinagmasdan siya nitong mabuti. Tumango siya. “Y-yeah. I’m fine.” Bumangon siya. “No.” Napatingin siya rito sa nagtatanong na mga mata. “Kanina ko pa napupuna na namumutla ka. You need to consult a doctor.” Umiling siya. “There’s no need to do that. Masyado lang akong nabigla sa mga nangyayari. Knowing you’re alive after all these years, sino bang hindi mabibigla?” aniya na may halong sarkasmo ang tinig. She just couldn’t help herself but to blame Adreianne from everything that’s happening to her. “I-I. . . I’m so sorry. I didn’t mean to shock you. It’s just that. . . I badly need your help
“Good morning,” nakangiting bati sa kaniya ni Skyler. His husky voice became even huskier. Mas lalo tuloy itong naging gwapo sa paningin niya, lalo na sa itsura nitong gulo-gulo pa ang buhok. Nakasabog iyon sa mukha nito habang ang puting kumot ay tinatakpan lang ang umbok ng pang-upo nito.Napalunok si Mhia at pinigilan ang sarili na huwag itong lapitan. They barely got some sleep. Halos hindi na siya pinatulog ni Skyler nang nagdaang gabi. Ilang araw na rin siyang natutulog sa bahay nito dahil kumukuha pa rin siya ng tyempo. Pinanghihinaan pa rin siya ng loob, ngunit hindi naman niya pwedeng patagalin ang bagay na nais niyang sabihin dito. Dahil habang tumatagal, pakiramdam niya, mas lalong lumalaki ang kasalanan niya rito. Mas lalo lang niyang sinasaktan ang sarili.“Morning.” Ngumiti siya rito habang inaayos ang sarili.“Aren’t you gonna give me a morning kiss?” malambing nit
Paghimpil ng sinasakyan nila, nagtatakang nilingon siya ni Skyler. “Why are we here?” tanong nito sa kaniya. Huminga siya nang malalim bago ito nilingon. “I need to do this for you,” aniya. Inalis niya ang seat belt at bumaba. Ganoon din ang ginawa ni Skyler. “Are you sure about this? Because the first time I brought you here was not good. And I don’t really want to push you to get to know her. Kapag ready ka na, saka na lang natin siya puntahan,” pigil pa nito. She shook her head. “No, Skyler. I have to face her now, or else. . .” Hindi niya maituloy ang sasabihin. Nilapitan siya nito at hinawakan sa mga kamay. “Or else what?” Umiling siya. Hindi niya kayang sabihin nang harapan dito. Natatakot pa rin siya— nasasaktan. “Look at me, Mhia.” Masunurin naman niyang ginawa ang gusto nito. “Look, hindi ko hinihingi sa iyo na kila
Malalaki ang mga hakbang na nilapitan ni Skyler si Mhia. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at pinakatitigan sa mga mata. “Ano ba’ng alam mo na hindi ko alam, ha?” tanong niya. He was shocked by her revelations. Hindi pa rin niya maproseso sa isip ang mga sinasabi nito. Ni hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Knowing Adreianne alive, parang may kung anong tinik na nahugot sa kaniyang dibdib. Because, he blamed himself for what happened to her. Sinisisi niya ang sarili na wala man lang siyang nagawa para dito. Mhia sighed. “You have the resources. You have the capabilities to know everything. Bakit hindi mo iyon ginawa noon? Hindi sana tayo aabot sa ganito,” iiling-iling na tugon ni Mhia. He saw guilt in her eyes. At nasasaktan siya sa nakikitang anyo nito. Noon niya lang na-realize na tama ito. Dahil kung binuksan sana niya ang folder na iyon, nal
Skyler was outside Adreianne’s hotel. Nasa sasakyan siya at nagmamasid sa paligid. Before Mhia left him yesterday, iniwan nito ang address at contact number ni Adreianne sa kaniya. Kaya naroroon siya ngayon. He wanted to see if it’s really true. Dahil baka dinadaya lang siya ng mga narinig niya kahapon. He was tapping his fingers on the steering wheel while looking straight at the entrance. May dalawang oras na yata siyang nagmamasid doon pero ni anino ni Adreianne, o nang sinasabi ni Mhia na anak niya ay wala. At, magtatanghali na sa mga sandaling iyon. Napabuntonghininga siya. Maybe, he was just wasting his time there. Mas madali siguro kung tatawagan na lang niya si Adreianne at sasabihin ditong magkita sila sa isang lugar. Pero paano ba niya gagawin iyon? Paano kung hindi pa pala siya handa? Hindi kaila na may pag-aalinlangan sa puso niya, maliban sa gusto niyang makita ang anak. Il