Share

FEARS

Palaging lumulutang sa alapaap ang pakiramdam ni Mhia hanggang sa mga sandaling iyon. Ang mga planong inumpisahang buuin nila ni Skyler sa bahay nito ay halos patapos na. Nagmistula na talaga iyong totoong bahay— na may mga gamit at taong nakatira, dahil halos doon na rin siya umuuwi.

She never really imagined herself doing that. Pinalaki pa rin siya ng kaniyang Lola Gloria at dalawang tiyahin na may takot sa Diyos at alam kung ano ang tama sa mali. Umaayon sa tradisyon.

Kahit saang anggulo kasi tingnan, alam niyang mali ang ginagawa niya. Alam niyang mali na halos nagsasama na sila ni Skyler na wala namang basbas ng simbahan, o kahit papel man lang na kaniyang panghahawakan.

Alam niyang siya ang talo sa huli, kung saka-sakaling hindi mag-work ang lahat sa kanilang dalawa. Pero paano ba niya pipigilan ang puso? Paano niya ba sasabihan ang sarili na mali ang ginagawa niya, kung alam naman niyang tama ang pagmamahal na kaniyang nadarama? Na totoo ang lahat. Na kahit sugal ang ginagawa,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status